"arya! tara na bilisan mo iiwan na tayo ng bus"
hay di ba siya marunong makahintay?"oo na saglit lang may hinahanap pa ako" nasaan na kasi yun? *hanap dito*hanap duon* aigoo! nasaan na ba kasi yun.
"arya ano ba iiwan na tayo ng bus, anak ng pagong naman eh kabagal bagal wag mo ng hanapin yang hinahanap m-"
"nakita ko na" hay akala ko nawala na.
"ano ba kasi yung hinahanap mo kanina" tanong ni jenny.
" ah yung kwintas ko muntik na kasing mawala"importante kasi yun sa akin bigay ng nanay ko nung nawala siya kaya hindi yun puwedeng mawala sa akin.
papunta nga pala kami ngayon ng bestfriend ko / kapitbahay kong si jenny ngayon sa sakayan ng bus. first day kasi namin ngayon sa senior high at hindi kami puwedeng malate.
mahaba ang pila ngayon sa sakayan ng bus. malapit nadin magsimula yung klase namin . nababanas na si jenny sa sobrang tagal mag pasakay baka daw malate na kami.
at finally na kasakay na din kami. ang masaklap nga lang wala na kaming ma uupuan kaya no choice kaming tumayo na lang. marami din namang mga estudyanteng nakatayo dito sa bus kagaya din nila kami wala na din silang choice nagiisa na lang tong bus kaya kailangan mag tiis para makapunta sa school kung mag hihintay pasila ng isa pang bus ay baka di na sila makapasok sa school dahil madalang lang ang bus dito lalo na at papunta sa east ton high. tumigil ang bus sa may eskinita ng kaltok street,may sumakay ata,di ko na lang ito pinansin at nang may mapansin ko yung katabi kong lumilihid sa balikat ko.Lumayo ako duon dahil baka matuluan pa ako ng laway nun yakkk. Tumingin na lang ako sa labas at ginala ang mga mata ko para kasing may hinahanap yung mata ko at napatigil ang mata ko sa isang ginoong na sa likod ko tinititigan ko lamang siya habang natutulog,pakiramdam ko naghuhugis puso ang mga mata ko ngayon napaka pogi niya nakakainlove ang tangos ng ilong niya shet tas yung mga labi niya parang inaakit ka bumabagay naman sa kanya yung buhok niyang blonde na sumasagi sa mga mata niya para akong nakakita ng anghel na natutulog. mukha na siguro ako nitong timang na nakangiti habang nakatingin sa kanya miya miya pa ay bigla na lamang siyang napamulat at napatingin sa akin nagulat na lamang ako at di ko alam ang gagawin. Mabuti na lang at nakarating na din kami sa east ton high nag babaan na din yung mga estudyante at hindi ko na din nakita yung poging lalaki kanina sayang pero mukhang dito siya na pasok dahil kaparehas namin siya ng uniporme siguro ay pagala gala lang yun,pero ngayun ko lang siya nakita dito sa school.
kasama ko ngayon si jenny dito sa may caffeteria at kinuwento ko sa kanya yung lalaking nakita ko kanina, at ang reaksyon niya? gustong gusto niya daw makilala yung lalaking yun, pina describe niya naman sa akin yung itsura sinabi ko naman , marami daw siyang kilalang pogi dito sa university at parang hindi niya daw kilala yung sinasabi ko.
"baka naman transferry gaga!" bulyaw niya sa akin habang nagiisip ako. oo nga noh? nalimutan ko kasing first day pala ngayon ang tanga lang.
Hay ewan ko ba nakakaakit talaga siya.
Nag simula na ang una naming klase. same lang din yung mga nangyari kagaya nung next year nag pakilala sa unahan at ayun na blah blah disscus lang ng disscus yung teacher namin. habang ako? Tulala parin . Iniisip ko paring talaga yung lalaking nakita ko kanina.
Asan na kaya siya? Gusto ko siyang makita.
**
end of chapter 1
Ommmg. maikli lang siya kasi diko alam kung paano simulan yung first chapter.Hahaha first story ko po ito. Hayss. may napanuod kasi akong japanesse romantic drama nalimutan ko na yung title actualy trailer lang yung napanuod ko dun hahaha. But lagi kasi siyang pumapasok sa isisp ko so idecided to make my own story about duon sa japanese drama na yun. Nalimutan ko na yung title dahil acciedentaly ko lang naman na panuod yung trailer nun basta mahabang stroya kapag kinuwento ko pa baka mag karuon pa ng book hahaha.
So guys happy reading....
Hope you like it.
Comment kayo kung hinde niyo na gusto maiintindihan ko naman po . :)
and vote po kayo kung maaari hahaha kung na gustuhan niyo. Again maiintindihan ko naman po yun eh hahaha. :)