Chapter 4 ( Drag Racing )

210 4 4
                                    

Nandito na kami sa lugar kung saan gaganapin ang drag racing,sino kayang makakalaban ko?

"Pat sinong makakalaban ko?" Tanong ko sakanya.

"Wala pa dito eh maya maya pakilala ko sayo parati kasi yun late mamaya pakilala kita barkada ko naman yun eh." Sabi no Patrick.

"Ah ok sige." Ani ko at nag smile.

Malapit na mag umpisa ang drag racing pero wala parin yung kalaban ko,bakit ba ang tagal nun?

"Pat bakit ang tagal naman ata nung kaibigan mo na makakalaban ko?" Tanong ko sakanya.

"Ayun na oh!" Sabi niya at tinuro yung black na kotse.

Tumingin naman Ako dun iniintay kung sino ang taong yun.

Lumapit naman sakanya si patrick tignan mo nga naman oh iniwan ako dito mag isa.

"Hoy Patrick!" Sigaw ko pero di siya lumingon sa akin.

Nag cecellphone ako para malibang naman ako kasi hanggang ngayon di padin nag uumpisa eh naiinip na ako tapos iniwan pa ako ni patrick mag isa dito.

"Hey chandria" inangat ko yung ulo ko para makita kong sino ang tumawag ng pangalan ko.

And speaking of si Patrick aba buti naman at bumalik pa siya kung di malilintekan siya saakin.

Nakita ko naman yung lalaki kanina siya na ata ang makakalaban ko eh,pero mukhang pamilyar yung itsura nya saakin eh.

"Ahh si Daniel John Padilla nga pala" pagpapakilala saamin ni Patrick.

"DJ for short" sabi niya at inabot ang kamay para makipag shake hands.

Inabot ko din yung saakin."ahh ok,Chandria Bernardo." Sabi ko at nagsmile sakanya.

"Ikaw ba yung nakatapon saakin ng pepsi at yung lalaking nakita ko sa----" di nya na pinatapos yung sasabihin ko at agad na sumagot.

"Oo ako yun,ako yung lalaking pinahiya mo ako din yung lalaking pinaliguan mo ng frappe." Galit na saad niya."kaya humanda ka na dahil matatalo na kita." Sabi niya at nag smirk bago umalis.

Shetttt kinakabahan na ako baka abangan ako nento mamaya after ng race.

Teka nga bakit ba ako natatakot sakanya sino ba siya para katakutan ko?

Pumasok na ako sa loob ng kotse ko at nag start na nang engine
Ganun din ang ginawa niya at nag patugtug ng wiggle sobrang lakas ng volume niya tapos tumingin siya saakin death glare yung binabato nya saakin na tingin well di ako papatalo sayo noh!

That Nerd Is A GANGSTER.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon