JP

12 0 0
                                    

Princess,

Alam mo ba na hindi ko alam na member ka ng lgbt community nung una kita nakita. Kala ko client ka. Kaso nung nagsalita ka na, boom! Hahahah!

Mamimiss ko yung mga pambungad na tanong mo sa akin sa umaga. Mamimiss ko din yung positive attitude mo. Sabi ko dati parang di ka napapagalitan ni madame. Pero nung nakakausap na kita naisip ko na magaling ka lang maghandle at kakaiba yung outlook mo.

Wag kang paimpluwensya sa nasa paligid mo. Lalo na yung nega. Minus na ng isa kasi umalis na ko. Haha!

Keribels mo ang night shift. Alam ko na malaki tiwala ni madame sayo kaya yung kinatatakutan mo na ilipat ka niya sa morning, baka di mangyari yun. Nag-eenjoy ako sa gabi. Sayabg kang di na kita marerelyebo kapag PTO mo.

Sayo na lang yung notebook na nahukay ko sa mga gamit ko. Napansin ko kasi na pag may meeting tayo, minsan kapirasong papel lang dala mo. Maganda din yang notebook na yan. May fitness eklat.

Stay gorgeous, Princess. I'll miss you.

Ang PaglalakbayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon