Chapter 5

3 0 0
                                    

Deyeah Franscene Austria Montenegro

Hays. I'm gonna miss my room here, I'm gonna miss the places, my school and ofcourse the people in here. I'm gonna miss everything.

Even Eric, I'm gonna miss him. Noong mga panahon na wala pang tumututol saaming dalawa. Noong hindi pa siya nagbabago, noong hindi pa nauungkat ang issue sa mga Santiago na pinapatay nila si mom, noong sobrang tanga ako , noong niloloko niya ako at minamahal ko siya

Napapailing nalang ako. Deyeah Franscene. Kaya noon yun eh, iba na kasi ngayon, bukas, sa makalawa, magbabago na ang lahat.

I was so busy being inlove with him. Nalunod ako sa pagmamahal ko sakanya, that's why it became unhealthy, sobrang tanga ko. Nakakatawang isipin. Mahal ko pa din naman siya, but I have to let go of the things na makakasira sakin, sa family ko.

I have to, because I need to.
Hinaplos ko ang comforter ng kama ko. A moment of silence because i want to thank my pillows who is always there when i was hurt and crying every night and when I want a hug, sa comforter ko to comfort me and sa bed ko na laging nandyan kapag nasasaktan ako at itinitulog ko nalang ito. Hay someday, babalikan ko kayo ng masaya, ng masaya na'ko. Na hindi na'ko iiyak.

Napangiti ako, sobrang manhid ng Puso ko na kahit anong piga wala na na'kong nararamdaman. Sa mga mata ko na naubusan na ng luha. Sa Utak ko na sobrang pagod na pagod na.

"Oh naayos mo na ba mga gamit mo?" Nakaupo ako sa kama ko ng tumabi sakin si kuya Stan. "Pagkadating ko dito sa room ko, sabi ni manang inayos na daw ang mga gamit ko. At nandun na sa kwarto ni ate ang mga luggages." pareho kaming napangiti ni kuya.

"Akala siguro niya tatakas ka nanaman. " ginulo ni kuya Stan ang buhok ko. "Mamimiss kita bunso! Sorry ha at Hindi ako makakasama sainyo. " malungkot na sabi ni kuya.

"Kuya ano ba, 1 week lang naman kayo dito diba? " ngumiti ako at pinagmasdan ang picture na mag kasama kami ni Eric, kinuha ko 'yon at tinignan.
Ito yung mga panahon na napaniwala niya ako sa mga sinasabi niya, dito ko siya sinagot, sa gitna ng Eiffel Tower. Dun ako nagsimulang mahulog sakanya.
Sinurprise niya kasi ako non' eh. 2nd year highschool ako non.

Oo magmula ng mag high school ako dito sa Paris eh naglandi na'ko, naka dalawa akong boyfriend bago si Eric. Si Eric lang ang tumagal sakin ng isang taon kaya feeling ko, siya na. Kahit madalas akong inaaway ni Axel tuwing dadalaw sila dito samin pag bakasyon para mag jamming nila kuya. Si Axel lang kasi nakakaalam ng lahat eh. Kaya yun.

"Eh yun na nga bunso eh. Isang buwan kami pinapagstay dito, may mga nagiimbita din kasi samin na magkaron ng gig. Hays. " sabi ni kuya Stephen, eh nakabukas ang pinto ng kwarto ko kaya nakita kong dumaan si ate tamarie at inilalabas naman nila Axel ang mga maleta mula sa kwarto niya.

"Bakit ka malungkot kuya? It's an opportunity. Kahit na mamimiss kita at wala nakong kakampi sa Bahay, syempre naman pangarap mo yan kuya noh. Matagal mo ng gusto yan kaya go for it! " ngiti ko kay kuya at yinakap niya lang ako. Pumasok naman si ate tamarie sa room na may kagat kagat na Apple.

"Nag drama ang magkapatid oh. " pang aasar ni ate "Oo nga, nagsosolo. " parang babae namang sabi ni kuya Stephen. "Wow tamarie akala mo naman di ka namin kapatid ah?" Sabi ni kuya Stan at inakbayan ang nagsusungit na si ate. Niyakap ko naman ang mga kapatid ko.

Grabe. Napaka-awkward siguro to para sa iba. Well ganito talaga kami ng mga kapatid ko eh. "Stanford pakabait ka dito ha? Wag muna puro landi, wag mo tularan ang isa dyan." Tinutukoy ni ate ay si kuya Stephen. Ngumisi lang kami ni kuya Stan. "Bro alam ko idol mo'ko kaya sige pagbibigyan kita." Kiniss ni kuya Stephen si kuya Stan Sa cheeks napahalakhak naman kami ni ate tamarie.

One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon