“Kokoooroookooook!!!! Kokoooroookooook!!!!”
Bumangon ako agad pagkarinig ko sa naghe hysterical na tandang. Aahhh… hindi naman bangon as in tumayo, umupo lang naman, sobra kayo ah. Nakapikit pa nga ako hanggang ngayon eh.
“hoooy! Tanda maligo ka na!!!”
“ puto! Kutsinta kayo jaaaan!!!”
“isdaaaaa!!! Isdaaaaa!!!!! Bili na kayo ng isdaaa!!!”
“uunggaaaa!!! Ungaaaaa!!!”
Iilan lamang yan sa mga naririnig ko tuwing umaga, nanggagaling sa kapitbahay, at sa mga maglalako ng kung anu ano. Binuksan ko mata ko… lumapit ako sa bintana at binuksan ito… huminga ako ng malalim, umalingasaw ang amoy ng malansang isda, patay na hayop, putik at organic matters na galing sa hindi ko alam kung saan nga ba. Bahagya akong napaubo.
Isang araw nanaman ang lumipas, 21 taong gulang na ako… at 13 taon na akong nabubuhay ng magisa, masaya to… try niyo.
Hindi ko naman talaga nakilala ang tunay na magulang ko, bata palang kasi ako, nasa ampunan na ako, sinwerte at may nagampon sakin, yun nga lang parang pusang tinaboy ang swerte ko, dahil sa unang gabi ko sanang may buong pamilya ay inatake sa puso si papa sa sobrang kasiyahan, nataranta si mama kaya nahulog siya sa hagdan, nabagok ang ulo.
Bago ko nga pala makwento ang buong buhay ko ay gusto kong magpakilala, ako si Aldrin… Aldrin Sevilla, sa lahat ng yaman na naiwan nila mama, ito lang ang binahagi sakin ng mga tito ko, isang munting bahay sa skwater (ehm! Squatter po).
Hindi daw nila kasi ako kaano ano… kada buwan ay binibigyan nila ako ng dalawang libo para may makain ako. Sa edad ko, dapat nakatapos na ako ng kolehiyo, pero kahit elementary ay di ako nakatapak. Pero nagtatrabaho ako bilang tindero sa panaderya jan lang sa labasan na pagmamay ari ni manang ben, manang kasi yun ang gusto niya.
Boring ang buhay ko no? sa sobrang boring… nakakatawa, nakakaiyak.
Umalis na ako ng bahay ng hindi nag aalmusal… naglalakad ako nang may dumaang motorsiklo
“tsk!” natalsikan ako ng putik,
“haha! Okay lang yan boy! Pogi ka naman.” Kanchaw ng mga pokpok ng makita ako, milagro at maaga umuwi yang mga yan. Alam kong may itsura ako, pero hindi rin ako pumapatol sa ganyang klaseng babae. may syota kasi ako… andito ang larawan niya sa wallet ko. Kasama ng mga barya ko. Ang picture ni Megan Fox. Asa na kung asa, atlis may syota. (ehem! Atleast)
“ui pare? Anyareh sa damit mo? Haha!” si Ric yan, kasamahan ko dito sa panaderya.
“tsk.” Yan lang sinagot ko sakanya at nagbihis na, sinuot ko na din ang apron ko, nakakabading man, pero ayos lang… basta may pera. Kayo? Mabubuhay ba kayo sa dalawang libo ng isang buwan? Hindi diba? Madaldal lang ako magisip, pero pag kinausap mo ako?
BINABASA MO ANG
and then i love you...
Romancehi, this will be my first story. sana po matapos ko ito, galing pa nman kay #theCOLDlady to. ipinagkatiwala niya sakin. hehe. dating title po nito ay "kadiri ka...beyb" ako na po magsusulat nito mula chapter 3 onwards. sana magustuhan niyo.