and then 2

19 1 0
                                    

“ewww!!!! It’s so maputik here. Sure ka ba na papunta tayo sa house mo? I didn’t expect ha.” Maarteng sabi niya,

anong magagawa ko? Eh sa maputik talaga dito. Hindi ko na lang siya pinapansin. Pero ang mga tao dito… mukhang pansin na pansin siya.. eh pano ba naman, minsanan lang talaga dumayo dityo ang mga tulad niya, kita naman kasi, makinis, maputi, maganda… mali, sobrang ganda, in short… mukhang mayaman, sagad.

“eehk, it’s sooo ew…. May pupu pa sa side… yuck!” reklamo niya nanaman na nakatakip sa ilong.

“pwede ba? Tumahimik ka nalang? Ikaw may gustong pumunta sa bahay ko, pwes, tiisin mo yan.”

“tss, meanie…” bulong niya, eh hindi ko nanaman naiintindihan.

Pumasok na kame sa bahay ko, pero parang hindi siya makapaniwala… patingin tingin siya sa apat na sulok ng bahay ko.

“and… ano naman ang gagawin natin dito?” nakakrus pa ang mga kamay niya.

“akala ko ba gusto mong pumunta sa bahay ko? Pwes… welkam sa bahay ni Aldrin Sevilla.”

“oh, god… oh god this can’t be happening… no… no…” parang nababaliw siyang umupo sa upuan kong de kawayan.

“ha? Pwede miss magkalinawan nga tayo? Sabi mo dalhin kita dito kasi may sasabihin kang importante? At suswelduhan mo ako.”

Nababaliw na nga yata siyang talaga dahil parang di niya ako pinakinggan… bigla kasi siyang tumayo, at nag lakad ng pabalik balik habang kagat kagat ang kuko niya sa hinlalaki.

“nagbibiro ka lang diba? You’re not living here, right? Youre just fooling around and you understand and speak english well… just like me, c’mon… spill it. I don’t need drama! I’ve had enough of that kanina!”

O_o? “hah???” tanggrapes naman po! Anong kahayupan ang sinasabi niya? Dudugo na yata ang ilong ko.

“aaarrrgghhh!!!! I’m gonna kill daddy!” pagtitili niya… hindi na ako magsasalita… hindi niya naman ata ako naririnig.

Mukhang kumalma na siya, umupo siya ulit sa nagiisang upuan ko, napabuntong hininga at tiningnan ako.

“p-pwedeng pahingi ng tubig? I’m so uhaw na talaga.” Kinuhanan ko naman siya… matapos niyang inumin ay bumili na ako ng ulam naming dalawa, isaw… at bumili din ako  ng kanin…

Hinanda ko sa maliit kong mesa yung pagkain, ang kaso ay isang pinggan lang ako meron, tsk… lumabas ulit ako at humiram ng pinggan sa kapit bahay. Ako na ang naglagay ng kanin at ulam sa pinggan niya, pero di niya naman agad tinanggap at tinignan lang.

“eww… ano yan?”

“isaw. Kumain ka nalang, masarap yan.”

“but dirty yan diba?”

“derte derte… tae pa rin naman pag lumabas lahat ng kinakain mo. Sus.”

“yuck! Youre so very very kadiri talaga! Tsk. I will not eat nalang. Diet ako. Hmp.!” Inismiran niya pa ako.

“sige, sabi mo yan ah… akin na lahat to!”

Kumain na ako’t pilit ko siyang pinapainggit, pero di siya natitinag… ang arte lang talaga. Tch.

Natapos na akong kumain at umupo din ako, magkatabi kame pero di kame magkadikit.

“oh… busog na ako. Pwede ka nang magsalita.” At nagsalita na nga siya.

 “ako si yesha, yesha peters, daddy ko yung pinagkakatiwalaang abogado ng mga umampon sayo, si josh peters. When--- jesus! Uhmm.. nung namatay sina tito dave at tita Lara, lumipat na kame sa Canada, iniwan ni dad sa mga tito mo ang mga pamana nila to you. kaya ako andito ay para lang sana tignan if the company of yours is doing good, but… sa super talino talino ng daddy ko ay he made loko to me… kaya now, hindi ko alam ang gusto niyang gawin ko here. Tatawagan ko pa siya at tatanungin kung bakit he needs to make sinungaling at what ang gagawin ko dito.” Diniinan niya talaga ang mga huling linya niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

and then i love you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon