CHAPTER 5: Genson Herrald Fariester

113K 3.4K 284
                                    

-Genson's Pov-

Naglalakad kami ngayon ni Liera papunta ng classroom namin. Siya palang ang kilala ko dito sa school na ito.

Di ko parin mapigilang hindi matawa sa isipan kapag naiisip ko ang ginawa niya kanina noong magkabunguan kaming dalawa. Haha Kitang-kita sa mukha niya kanina ang takot at kaba, bakit kaya?

Huminto ako sa paglalakad noong huminto din siya sa tapat ng isang siradong pinto. Siguro ito na yung classroom namin.

Huminga muna siya ng malalim noong hawakan na niya ang doorknob. Mariin din niyang ipinikit ang kanyang mga mata.

"Sana wala.." bulong niya bago pinihit ang doorknob. Nakakapagtaka na itong babaeng to.

"Kyaa!" sigawan ng mga babaeng estudyante na magiging kaklase ko dito sa room. Wag nalang kayo magtaka sakanila. Sadyang ganyan talaga kapag may isang nilalang na gwapo kagaya ko sa mundong ito. Pangit ang mga kokontra.

"How I wish na seatmate kami."

"Ang gwapo niya talaga. Hi beb!"

Sabay kaway sakin ng isang babae. I just wink to her ng magtama ang mata namin. Mabilis naman niyang nasuntok sa kilig yung katabi niyang lalaki.

"Wait! Why is he with that ugly nerd?"

"Ou nga no! She's really a bitch here in school. Ugly! Duh!"

Sinong pangit? Si Liera ba yong tinutukoy nila? Tiningnan ko si Liera at nakaupo na siya sa pinakadulong row. Buti nalang at may bakante sa tabi niya kaya sakanya nalang ako tumabi.

"Chee! Alis." rinig kong bulyaw ng isang babae sa katabi niya at tinulak iyon sa kinauupuan.

"Dito ka nalang sa tabi ko bhe." nakangiting yaya niya sakin pero di ko siya pinansin. Sinamaan naman niya ng tingin itong katabi ko ngayon.

Tiningnan ko si Liera at nakayuko lamang siya habang nakatakip ang dalawa niyang palad sakanyang mukha.

"Hey!" tawag ko sabay siko sakanya. Tumingin naman siya sakin.

"I'm not HEY. I'm Liera." bulong niya noong tinawag ko siya. Bahagya akong natawa ng mahina sa sinabi niya, ou nga naman anu.

"May problema kaba?" tanong ko sakanya.

She only shook her head at muli nanamang nagtakip ng mukha.

"Okey! Good Morning Class."

Bungad ng adviser namin na kakapasok pa lamang.

"Good morning sir."

Pagbati din namin sakanya at sabay sabay na tumayo at nagbow. Sabay sabay rin kaming naupo noong sumenyas na siya.

Inilibot niya ang buo niyang paningin sa mga estudyante niya habang may hawak na logbook at huminto sa gawi ko sabay ngiting muli.

"Oh. I think you have a new classmate here. Can you introduce yourself to us?" turo niya sakin habang ngakangiti ng husto.

Tumayo na ako at pumunta doon sa gitna upang magpakilala. They all look at me except Liera.

"Hi! I'm Genson Herrald Fariester. Nice to meet you guys. Be good to me and I'll be good to you." sabay bow ko sa kanilang lahat habang pinupukulan sila ng ngiting matamis.

DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon