CHAPTER 23: (DA❤️)

83.5K 2.8K 68
                                    

•Liera's Pov


It's already 6:20 am. Sobrang aga pa pero naka packed na lahat ng aking mga gamit kasi maya't maya ay aalis na kami. Si Genson nalang talaga ang inaantay namin. Kung bat kasi ang tagal niyang lumabas.


"Mr.Fariester? Are you going with us or not?" Sigaw ni Gab doon kay Genson na nasa kusina ng dorm.


Natawa nalang ako nang makita ko si Genson na papalabas na ng kusina. Ang dami niya talagang dala, puro mga pagkain naman.


"Haha. Ano yan brad? Sobrang dami naman ata niyan? Takot magutom ah." pang aasar ni Gab kay Genson.


"Di ako takot magutom no. Natatakot akong magutom tong si ahfjdjdjxns...." anu daw? Hindi ko maintindhan yung huling sinabi niya.


"Sino?" Tanong ni Gab.


"Wala. Sige na. Layas na, nauuna na sila ni Aivan." nguso ni Genson sakanila ni Jift na nauuna ng maglakad. Di manlang nag aantay.


Binuhat ko na ang isang back pack ko at sumunod na sakanila.


Palabas na kami ngayon ng academy. Mahaba-habang paglalakad pa aming nilakad at ilang bukirin ang aming nadaanan. Sabi nila ay medyu malapit na daw kami sa tinatawag nilang black forest.


"Ito na yun." Pagsalita ni Genson sabay tingala.


Napaawang ang baba ko nang makita ang gubat na tinutukoy ni Genson. Kahit na umaga palang ngayon ay tila dapit hapon na dito dahil sa may kadiliman ang paligid sabayan mo pa ang paglakas ng hangin pag pasok namin, ang lamig.


Kinakabahan ako sa paligid, tila may mga buhay ang puno kahit na mukha naman itong mga patay. At sa palagay ko rin ay tila may nakatitig sa amin kahit wala naman.


"Ay! aNg GaNda kO!" napatili ako sa gulat ng wala sa oras dahil sa nabangga ko si Gab na bigla-bigla na lamang huminto sa paglalakad dito sa aking unahan. Natawa ako ng mahina dahil halata sa itsura niya na para bang natatakot ito.


"Parang di lalaki eh." Pabulong kong sabi habang nililibot ang paningin sa gubat.


"Anung sabi mo!?" tanong niya sa akin. I just twitch my shoulders habang nagpipigil parin ng tawa.


Tahimik na ngayon ang atmosphere naming lahat dito sa gubat. Deri-deritso lang kami sa paglalakad. Hindi pa nga kami nangangalahati sa aming nilalakaran ay pagod na agad ako.


Natigilan lamang ako sa aking paglalakad nang may maramdaman akong bagay na tila ba'y gumagapang sa aking paa, at para bang tinatalian niya ito. Dahan dahan akong napayuko upang tignan kung anu iyon.


Napalunok ako ng sarili kong laway nang makita iyon. Agad akong napatingin sa mga kasamahan ko na ngayon ay malayo na sa aking kinatatayuan.


Habang tumatagal mas lalong humihigpit ang pagkakatali ng bagay na ito sa aking paa.


Napasigaw ako ng malakas na siyang nagpalingon sa apat na iyon nang bigla akong hilahin at binitin pabaliktad ng sangang to. Buti nalang at nakashort ako ngayon, kung hindi, ay naku-naku.


Napapikit ako kasi sobrang taas na ang pagkakabitin sa akin. Pinipilit kong abutin ang sangang nakatali sa paa ko upang tanggalin pero hindi ko maabot.


Mabilis namang tumakbo pabalik sila Genson kung saan ako nakabitin. Gumawa ng isang maliit na fire ball tong si Jift. Ibabato na niya sana ito nang bigla ko siyang pigilan.


"TEKA LANG! BAKA AKO YUNG MATAMAAN MO, AYUKONG MALETCHUN DITO NO!" sigaw kong sabi sakanya sa baba.


Ngumisi lang siya sakin sabay bato niya ng fire ball sa sangang nakatali sa aking paa. Napatakip ako bigla ng aking mga mata.


Nang matamaan niya ito ay agad akong bumagsak sa baba pero kaagad din naman akong nasalo ni Jift.


Halos namula na itong pagmumukha ko dahil sa posisyon naming dalawa ngayon, para kaming bagong kasal sa ganitong posesyon. Kainis, naririnig ko nanaman ngayon ang mabilis at malakas na pagtibok ng aking puso.


"Ayos ka lang?" tanong niya habang hindi matanggal tanggal ang mga mata niya sa mata ko.


"Ah..O-u Okey lang a-ko." nauutal kong sagot sakanya.


Ibinaba na niya ako nang papalapit na sila Genson sa gawi namin.


"MY GAD LIERA, OKAY KA LANG BA?", nag-aalalang tanong sa akin ni Gab habang sinusuri ang aking mukha. Ang bakla niya rin eh no?


"Haha. Anu ka ba, okay lang ako." natatawang sagot ko. Yayakapin na niya sana ako nang may humila bigla sa aking kamay.


"Na nananching ka lang eh." Pagsalita ni Genson habang hila hila parin ang aking kamay sa paglalakad.


"Sus! Parang siya hindi. Pasimple ka nga lang din eh." Sabat naman ni Gab sakanya.


Ngayon ko lang napansin na meroon na palang barrier ang palibot naming lima. Malamang kay Aivan to, ramdam ko naman eh.


Kitang kita ko naman kung paanu pinipilit ng mga sanga na ito na pumasok pero hindi nila magawa. At imposible namang magawa nila dahil sobrang lakas ng barrier na ginawa ni Aivan.


May buhay nga talaga ang mga puno dito. Nakakatakot tingnan ang mga sanga.


•••••


"Oh.." sabay abot ni Genson sa akin ng isang bote ng tubig na agad ko namang tinanggap.


"Salamat."


Ininom ko yun sabay hilamos sa aking mukha. Gumawi ang aking paningin kay Jift at hindi ko inaasahang nakatingin ito sa gawi ko.


Umiwas agad ako ng tingin. Ghad, anu na bang nagyayari sakin?


•••••


A/n: Sorry short😅

DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon