No talk

8 1 0
                                    

Apat na araw na ako rito sa bahay ni Seb and guess what...hangang ngayon ay hindi parin niya ako kina-kausap tungkol sa mga kundisyones na gusto niya.

Oh...I almost forgot..He asked me one thing through Aling Lourdes..

"Sabi niya ay wag na wag ka raw papasok ng kwarto niya." I remembered what Aling Lourdes told me 3 days ago.

After that ay wala na akong nadinig mula dito at ayoko ko din na mag-tanong kay Aling Lourdes kung ano na ang kalagayan nito and I don't want to give a damn.

Lagi lang itong nasa kwarto.

Hindi ko pa ito nakita na lumabas In Three days. Dinadalhan lang ito ng pag kain ni Aling Lourdes sa kwarto. Si Aling Lourdes nadin ang nag bibigay ng gamot nito na hindi ko alam kung iniinom nya.

While me, wala akong ibang magawa dito sa bahay. minsan tumu-tulong ako kay Aling Lourdes sa kusina, minsan naman nag papa-hangin ako sa labas. kahapon nag paalam ako kay Aling Lourdes na pumunta ng mall. Ako nadin ang nag-grocery sa mga kaylangan sa bahay.

Pero madalas nag babasa ako ng mga libro. Wala kasing internet sa bahay nila Seb at mabagal ang data connection. probably sa mga matataas na puno nakapaligid dito.

"Aling Lourdes, ano po ang niluluto ninyo?"

Mag tatanghali na at nag uumpisa ng magluto si Aling Lourdes ng tanghalian.

"Ginataang talong at kalabasa..paburito ito si Sebastian. Mahilig kasi sa gulay ang batang iyon."

"Ganoon po ba..."

Gusto ko man na mag usisa pa ay pinigilan ko na lang ang bibig ko. Ayoko na kasi na Isipin pa ito. Sa tuwing naiisip ko kasi ito ay puma pasok din sa isip ko ang katangahan na ginawa ko sa pag pasok bilang nurse nito.

Impossible man 'yon dahil sa iisang bahay lang kami nakatira pero pilit kong ginagawa.

"Hindi parin ba kayo nag-uusap?"

Biglaang tanong sa akin ng matanda.

"Ahh.. Sino po?" Painosente kong tanong rito, sabay lagay ng tubig sa aking baso.

"Abay sino pa ba...siyempre si Sebastian...abay noong unang araw ka na dumating dito ay nag talo na agad kayo at hangang ngayon ay hindi pa kayo nag-uusap."

Uminom muna ako ng tubig at nag iisip kong ano ang idadahilan ko.

"Eh wala naman po kaming dapat pag-usapan eh. Diba nga po ang sabi niya ay wag na wag akong papasok sa kwarto niya." Pag-dadahilan ko.

"Alam mo hindi naman  talaga ganyan si Sebastian. Mabait yan na bata. Pero mula ng maaksidente siya saka naging bugnutin at mas kinukulong ang sarili."

Wika ng matanda.

"Hindi naman talaga niyan gusto mag sundalo pero dahil sa pagpasok ng ama niya sa pulitika ay marahil iniisip niya na kaylangan niyang may mapatunayan sa bayan."

Gusto ko ng patigilin si Aling Lourdes sa pag ku-kwento dahil nararamdaman kong may kakaibang damdamin hindi nararapat akong nadarama.

Noong gabi pag katapos namin mag away ni Seb ay boong mag damag akong umiyak. Nag sisisi ako kung bakit ko siya nagustuhan at gusto kong itanim sa puso at isip ko na wala na dapat akong maramdaman na kahit anong emosyon para rito..pero sa pag ku-kwentong ito ni Aling Lourdes ay tila ba may awa akong nadarama para dito

"Pero alam mo noong nag away kayo..hindi ako nag-alala, naging masaya pa nga ako eh. Kasi hindi ko pa nakita na nakipag kumyonikasyon muli ng matagal ang batang 'yun mula ng maaksidente nga." Dagdag pa nito.

LOVE BEATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon