" Please, keep this in mind, if I let you go that doesn't mean I don't love you. Remember this, I love you and I will do everything just for you "
"Iyan nanaman?" pinause ko muna ang pinapanuod ko at hinarap ang oamilyar na boses na gumambala sa panonood ko.
"Hindi ka na ba nagsawa diyan?" dagdag insulto pa nito sa paborito kong korean novela na paulit-ulit ko nalang panoorin. Umiling lamang ako sa kanya at pinagpatuloy ang panonood.
Ngunut bago ko pa mahawakan ang remote ay naagaw na niya sa akin iyon.
"PIA!" sigaw ko rito. Pero kung maririnig niyo ako, normal na pananalita nalang siguro iyon.
"Galit ka na niyan?" tumawa ito ng bahagya "Kung hindi kita kilala, aasarin pa kita lalo, ang hinhin mo kasi magsalita!" napahagikhik pa ito. Umiling nalang ako at inagaw sa kanya ang remote at sinimulan ko na ulit ang panonood.
Maya-maya pa ay bumalik nanaman si Pia, this time hindi na remote ang inagaw niya sa akin. Pinatay niya na nang diretso yung TV.
*Sigh*
Hinayaan ko nalang siya at niligpit ko na ang kalat sa center table.
"Elise! Samahan mo naman ako sa school, oh!" kinurapkurap niya ang mga mata niya para dagdag effect pa sa pagmamakaawa niya "please!"
Bumuntong hininga ulit ako, sabi ko na nga ba at may kailangan ito kaya ginulo nanaman ako sa panonood ko.
"Saan?" Tanong ko, kunwari hindi ko alam na sa soccer field kami ng school pupunta para i-stalk nanaman niya si Bricks, captain ng soccer team namin.
"As usual! Saan pa ba?" sagot pa niya at tinulunan na akong dalhin sa kusina ang pinagkainan namin kanina.
"Sige, pagtapos kong hugasan 'to" pagpayag ko sa gusto niya habang pinipispisan ko ang mga plato.
"Huwag na! Si yaya ko nalang diyan" pagpigil niya sa ginagawa ko. Kawawa naman ang yaya niya, kakaunting hugasan nalang , ito pa ang maghuhugas. Pero katulad kanina, hinayaan ko nalang siya, wala naman na akong magagawa sa kakulitan nitong isang 'to. Baka mamaya pa hindi na ko pabalikin dito sa bahay nila sa susunod, noh!
Malapit lang ang bahay nila Pia sa school kaya naglakad nalang kami. Linggo ngayon kaya sure na mga Varsity players lang ang nasa school. Kahit kasi kakaumpisa pa lang ng school year eh, puspusan na ang practice nila para sa darating na sports competition.
Nang makarating kami sa soccer field ay pumunta na kami sa dating pwesto. Oo, daying pwesto, lagi kasing nanonood itong si Pia sa mga practice game ni Bricks since 1st year kami.
"Kyaaah, lalo siyang gumagwapo!" impit na tili nito habang pinapanood or should I say pinagpapantasyahan si Bricks na pawisan na sa kalalaro.
"Parang wala naman atang nagbago" bulong ko. Pero dahil malakas ang pabdinig ng katabi ko ay narinug niya ako at pinagkukurot.
"Aray! Masakit, totoo naman eh! Ganoon pa din naman ang itsura niya oh!" saglot ko sa kanya habang iniiwasan ko ang kurot niya. Grabeng kuko ng babaeng ito!
"Kasi naman eh, gumagwapo naman kasi talaga siya!" kinikilig pang sabi nito. Napabuntong hininga nalang ulit ako. Iba na ang tama ng kaibigan kong ito. Haist.
Nagpaalam muna ako sa kanya na magsiCR lang ako, kaya iniwan ko muna siya sa ilalim ng punong iyon at simulang lakarin ang papunta sa building namin.
Umakyat pa ako sa second floor dahil duon ang CR ng mga babae. Paglabas ko ng CR napansin kong bukas yung piano room.
'Bakit bukas 'to' bulong ko sa sarili ko. Sino naman kasi ang papasok dito? Tatlo lang kaming piano major kaya kami lang ang gumagamit nito.
Pumasok muna ako sa loob, tutal hindi din naman ako makarelate sa patili tili ni Pia doon habang pinapanuod si Bricks.
Umupo ako sa harap ng gitnang Piano, nung friday lang ako huling tumugtog dito pero parang miss na miss ko na siya!
May tatlong piano dito, at ito ang pinakmatanda sa lahat. Ito ang pianong ginagamit ko, mas maganda kasi ang tunog nito kumpara mo sa mga bago.
Dahan dahan kong tinipa ang mga nota hanggang sa gumalaw na ang mga kamay ko na parang may sariling buhay.
Pumikit ako habang sinasabayan ko ng pagHuumm ang pagtugtog ko. Napaksarap talaga sa pandinig ng musika mula sa isang antique na piano.
"AAAAAAAAHHHHHHH!Sino kahhmmmm!"
Nagpupumiglas ako nang hawakan ng lalaking hindi ko kilala ang bibig ko.
"Don't shout, you're so annoying!"
Nagulat ako ng bigla nalamang siyang sumulpot sa harapan ko, pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko! Sinong hindi mapapasigaw doon diba?! Yuon na nga ata ang pinakamalas na sigaw ko sa buong buhay ko.
"asddgjakabxiabia!!"
Hindi niya padin ako binibitiwan kaya kahit alam kong masama, sinipa ko siya where it hurts the most, and success! Napaupo siya habang namimilipit sa sakit.
Sinamantala ko ang pamimilipit niya, kaya tumayo ako at tumakbo palabas. Pero wala talaga atang puso ang lalaking ito, hinawakan niya ang kanang paa ko dahilan para ma-out of balance ako at mapadapa sa tabi niya.
"Awch!" buti nalamang at naihawak ko kaagad yung dalawang kamay ko sa sahig, kung nagkataon sigurong hindi ay nasubsob na ako at nakipaglips to lips sa sahig.
Arrrghh! Ang malas ko naman! Una, hindi ko natapos yung pinapanood ko kanina. Pangalawa, halos mamatay ako sa takit nang may sumulpot na lalaki sa harapan ko pagkatapos ko magpiano. Pangatlo, halos dumugo ang bibig ko sa sobrang higpit ng hawak ng lalaking 'to sa bibig ko.
at Pangapat! at sana huli na! Ay muntik muntikan na akong masubsob sa sahig!
Nauna siyang makatayo at hindi man lang ako tinulungan o tinapunan man lang ng tingin! nagdirediretso lang siyang lumabas.
"Arrghh! Hoy! Saan ka pupunta! Bumalik ka dito ! Muntik na ako duon !"
Ang kapal talaga ng mukha! Hindi niya man lang ako pinakinggan! Nakakainis! Dumiretso lang siya palabas ng piano room. ARRRGHHH! Poor Elise , *sigh*
![](https://img.wattpad.com/cover/8147633-288-k450346.jpg)
BINABASA MO ANG
Believe Me, I'm Lying
Dla nastolatkówShe's his angel, she'll do everything for him. Even if it's going to take everything away from her, and in order for him to stop fighting. She'll make him believe... that everything was just a LIE.. © All Rights Reserve 2013 - LuckilyNotInLove