1st Chapter

10 2 0
                                    

Him

Madilim na sulok. Maulang gabi. Hindi ako mapakali. Nakatungo lang ako sa aking study table habang inaalala ang mga nangyari. Patuloy parin ang pagbuhos ng luha simula kanina. Hindi parin ako makapaniwala na wala na siya. Hindi ko parin inakala na nawala na ng tuluyan ang taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal. Hindi ko lubos maisip na wala na siya. Hindi ko matanggap ang katotohanang, wala na talaga siya.

Lahat na yata ng ala alang nagawa namin ay patuloy na nakatatak at rumirehistro sa isipan ko magpa hanggang ngayon. Wala na yata pang makapagtatahan sa akin ngayon. Kundi lang sana siya.

Alas dos na ng madaling araw at patuloy parin akong nakakulong sa aking madilim na kwarto. Hindi ako kumain. Ibinuhos ko lahat sa iyak ang aking masakit na nararamdaman.

"Ash, can we talk?" Alam kong si mommy ay nag-aalala na sakin. Palagi niya akong sinusubukang kausapin ngunit patuloy lang ang aking pagtataboy sa kaniya, sa kanila. Siguro ay kailangan ko na ring pakinggan lahat ng gusto niyang sabihin sakin ngayon.

Binuksan ko ang aking pintuan at nakatayo roon si mommy na umiiyak. Agad niya akong niyakap ng mahigpit at tuluyang naupo sa aking kama.

"Mommy..." Yan lang ang tanging naiusal ko. Wala na akong maisip na sasabihin sa kaniya kaya bumuntong hininga na lang ako.

"Ash, we all know na nasasaktan ka at hindi mo pa iyon kayang limutin, di mo pa siya kayang limutin. But please anak, kailangan mo ring tanggapin na may plano ang Diyos kung bakit niya kinuha si Gelo ng maaga." Ani ni mommy.

Yep. Si Gelo. Siya yung fist love ko. Fist kiss. First everything. I felt very happy in his side. I felt like i'm the prettiest of all the girls in the world. Hindi niya pinaramdam sa akin na walang nagmamahal sa akin. Hindi niya ako pinabayaan sa mga pagkakataong mababa ako. He accepted all of my flaws. I love him. He loves me.

"I know, my. But, kahit anong pagtanggap ang ginagawa ko masakit pa rin dito" turo ko sa puso ko "masakit na masakit, my" Nangigilid na naman ang luha sa mga mata ko.

"I understand anak. I am always here for you." Ani ni mommy.

Hindi na lang ako nagsalita. Dahil sa oras na magsasalita ako ay ang oras na pagtulo ng mga luha ko.

Ninamnam ko nalang ang pagkakataong yakap yakap ako ni mommy. I felt very safe in her arms for the first time. It's like i'm being hugged for the first time by her.

Pinasadahan ni mommy ang buhok ko gamit ang kaniyang mga daliri.

"Okay. Matulog ka na. And I will allow you tomorrow na puntahan si Gelo." Mommy kissed my forehead before she went on her room to sleep too.

I guess, she's right. I need to cheer up myself. I need to change, for the better. I know na maiintindihan ni Gelo na ganito na ako simula noong nawala siya. Pero alam ko ring hindi niya magugustuhan itong mga nangyayari sakin ngayon kung nandito lang siya.

Nahiga na ako sa kama ko. Mesmerizing all the memories we had together. I miss him so much.

Gelo, Gelo, Gelo. I know you love me. But, why did you do this to me?

I sighed and sighed and sighed, waiting for the sleep monster to take me.

Chasing OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon