Unexepected
Nagulat si mommy sa pagdating ko. Mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan kaya mas maaga akong nakarating sa bahay.
"May naiwan ka ba? Ang bilis mo"ani ni mommy na hindi nakatingin sakin. Inaayos niya ang mga bulaklak sa aming sala. I think it's tulips... or roses... Whatever.
"Hindi na ako tumuloy, my. Sumama ang pakiramdam ko." Sabi ko
"May sakit ka ba, Ash? Do you wanna go next week? Isasama ko na si Manong Kanor para mas safe" ani ni mommy na may pag-aalala. Napansin kong mas tinuonan niya na ako ng pansin simula nung insidenteng iyon.
"No need mom. I'll just take a rest." Saad ko sabay akyat sa hagdan.
"Okay. I'll just call you later" saad ni mommy. Tumango na lang ako. I don't wanna talk this time, I am tired, and I just wanna lie in bed.
Pagbukas ko na pinto ay agad akong sumalampak sa kama. Gosh, how I miss this kind of scene.
Kinuha ko ang phone ko. Medyo nanibago ako dahil hindi ko na ginamit ito mula nung nawala siya. Nagulat ako dahil pagkabukas na pagkabukas ko ng aking fb account ay bumungad sa akin ang napakaraming notifs, friend requests, at messages. Crap.
Una kong binisita ang account ni Gelo. Puro mga malulungkot na posts ang nandoon sa wall niya. Damn! Can you please stop posting some petty stuffs?! I am here, I am hurt so much!
Nag log-out na ako sa fb. I cannot stand seeing those crap posts! It's killing me. Humikab ako dahil pagod ako ngayong araw. Matutulog ako hanggat gusto ko.
Hay, Gelo. I miss you so much. Naisip ko pa iyan bago ako hilain ng antok.
Hapon na ng magising ako. I didn't eat lunch. Kaya gutom na gutom ako ngayon. Bago ako bumaba, pinalitan ko muna ang pants ko. I wear shorty shorts and loose tee shirt. Nandito lang naman ako sa bahay kaya okay na ito.
Pagkababa ko ay nabigla ako sa pagtawag ni mommy sakin.
"Ash, this is your tita Beth, my sister. And ate, this is Ashleigha Xandrane, my daughter" pagpapakilala sa akin ni mommy kay tita Beth.
"Hello po, tita. Ash na lang po." Naglahad ako ng kamay sa kaniya at ngumiti. Di ako naging komportable dahil panay na lang ang titig niya sa akin. Parang may mga sinasabi ang kaniyang mga mata at hindi ko alam kung ano iyon.
"Hello rin, hija. Napakaganda mo naman." Yun lang ang nasambit ni tita Beth dahil titig na titig parin siya sa akin.
"Yes, ate. She actually joined some beauty pageants when she was in high school pati narin college." Saad ni mommy kay tita. Di ko maintindihan dahil kumikinang kinang pa ang mga mata niya habang tinititigan ako. What's her problem ba? May dumi ba sa mukha ko?
"Oh. Maybe she's beautiful like her mother." Humalakhak pa si tita Beth kay mommy. Agad naman nag-iwas ng tingin si mommy. What's going on?
"By the way, Ash. Meet my sons. This is Benjumar" presenta niya sa sa lalaking matangkad, mas matanda sa akin, at maputi.
"Nice meeting you, Ash. Bj for short." Ani niya sabay lahad ng kanyang kanang kamay sa akin. Inabot ko iyon at ngumiti rin. Bago niya ibaba ang aking kamay ay kumindat pa siya sa akin. Aha! This guy must be a playboy! Tsk tsk.
"And this is my bunso, Ford." presenta ni tita sa isang misteryosong lalaki sa kaniyang tabi. "Ford, greet her" tukoy niya sa akin. Ngunit inirapan lang ako ng lalaking misteryoso na ito. Wth?!
"Ford, be nice to her" ulit pa ni Tita Beth.
Nagulat ako nang inabot ni Ford ang kaniyang kamay sa akin. Agad ko rin itong inabot at ngumiti.
"Hi, Ford." Saad ko ng nakangiti parin. He's my cousin so I wanna be nice to him. Lalo pa na first time lang namin magkita.
"Tss." Sagot lang niya. What's your problem?!
"Ford David Montereal, be nice to her, She's your cousin" ulit na naman ni tita Beth. This time, mas maawtoridad na.
"Yeah, right. Mom's right, lil bro. Be nice to this young lady." Saad naman ni Bj at kumindat pa. Tsk. Whatever.
Tumikhim si mommy. "Ate, dito na lang kayo maghapunan" saad ni mommy.
Tinulungan ko si mommy na maghanda ng hapunan dahil sa gusto ko at ayaw kong makasama yung mga pinsan kong masyadong weird.
"Manang Lily, pakihanda yung spaghetti" sabi ni mommy kay Manang Lily. Si manang Lily ay matagal ng kasama namin sa bahay. Bata pa lang kami ay tumutulong na siya sa amin. Hindi na siya iba at itinuring na namin siyang pamilya.
"Oh siya sige" sagot naman ni manang Lily.
"My, nasan pala si ate at Nash?" Tanong ko kay mommy.
"Your ate's with her boyfriend while Nash attended a friend's party" Sagot naman ni mommy.
Bumuntong hininga na lang ako. Better if I had go out with my bestfriends today. I missed them a lot.
Natapos na kaming maghanda ng mga pagkain kaya agad na tinawag ni mommy sina Tita Beth at mga pinsan ko.
"Nasan pala si Kuya Nestor ate?" Tanong ni mommy kay tita. Kilala ko si tito Nestor. I met him once. Yung mga pinsan ko lang talaga at si tita ang first time kong nameet dahil tumira daw sila sa America dahil hindi maganda ang pagsasama sa kanilang mag-asawa. Umuwi lang sila dito dahil napagdesisyon na nilang ayusin ang kanilang samahan.
"Binisita niya iyong plantasyon namin sa La Union. 2 weeks na siya roon" sagot naman ni tita.
Marami silang napag-usapang mga bagay na wala akong kaideideya kung ano yung mga iyon. Minsan kinakausap si Bj ni mommy. Napag-alaman kong siya ay nag-aaral ng bussiness dahil siya ang magmamana ng mga negosyo ng kanilang pamilya. Graduating na rin siya. Si Ford naman ay walang interes sa negosyo. Mahilig siya sa pagsasayaw at sa katunayan ay may grupo daw sila sa America. Halos pinoy ang mga kasama niya sa dance group nilang iyon.
Tinatanong rin ako ni tita Beth kung ano bang mga pinagkakainteresan ko.
"Mahilig po akong magbasa ng mga libro, tita... love stories basta kahit anong klase ng libro po" saad ko ngunit nagsalita naman si Ford.
"Geek" utas niya ngunit inirapan ko lang siya.
"Bukod po doon ay wala na." Bored kong sagot kay tita.
I heard Ford's smirk. Nakakainis!
"But I heard, nakikisali ka sa beauqon. Maybe, nagmana ka sakin. Mahilig din ako nung kabataan ko." Sabi ni tita. Something's weird again. Nakayuko lang si mommy sa usapan namin ni tita. And i dunno why.
"Ah. Baka nga po" sagot ko nalang. Agad naman siyang ngumiti.
Bumaling ulit si tita kay mommy at sila na nga ang nag-usap. I feel very awkward dahil una ko palang silang nakita at hindi ko alam ang aastahin ko. I didn't expect it.
Bukod don, may mga mata na naninitig sa akin. At hindi ko alam kung bakit.
Can you please stop staring at me?
Gusto kong sabihin sa kaniya ngunit hindi ko magawa dahil kabastusan iyon lalo na dahil nasa hapag pa kami. Tiniis ko nalang ang mga titig niyang iyon at pinagtuonan ko nalang ng pansin ang aking pagkain.
BINABASA MO ANG
Chasing Odds
Teen FictionHi guys! This is the first time to write a story here in wattpad. At first, i had many hesitations in writing it. But, i wanna give myself a try in doing this thing. I hope that this will inspire all of you especially for the ones who believe in lov...