Last Shot

44 0 7
                                    

Medyo matagal na rin ako dito sa States. Nandito ako sa condo unit na binili nila Mama para sa'kin. Black and White ang theme.

Kinuha ko ang laptop ko at pinapanood ulit yung laro nila kahit na nanood ako mismo ng live last week. Yes, I decided na umuwi sa Pilipinas dahil mas nauna ang graduation namin kaysa sa kanila. Nakita kong mas gumaling pa siya sa pagba-basketball. Sa bawat pag-shoot niya ng bola ay may tinitingnan siya dun sa may bench sa baba. Natapos ang game at sa huli, Champion ang team nila. Ang sikat na niya. Marami ng humahanga sa kanya. Pumunta agad siya sa bench at nakita kong may babaeng yumakap sa kanya. Si Ella Cruz. Yung dating ginagawa ko sa kay Bret tuwing may game siya, iba na ang gumagawa.

I decided na i-share ang story namin mula sa umpisa hanggang sa ngayon. Hindi para sirain ang relasyon nila kundi para malaman niyang masaya ako para sa kanya,para sa kanila.

Oo, aaminin ko. Masakit makita na may iba ka na siyang mahal. Pero kahit anong mangyari, di ako nagsisisi sa naging desisyon ko. Mas pinili kong magsakripisyo kaysa sa mawala ang mga pangarap niya. Syempre, di na ako nagpakita sa kanya. Baka magalit lang siya sa'kin dahil sinayang ko ang 6 years na relasyon namin. Sa 6 years na yun, naramdaman ko na ako ang pinaka-maswerteng babae sa mundo.

Umiiyak ako habang tinatapos ko ang pagty-type ng story namin at ang mga gusto kong sabihin kay Bret sa Secret Files ng university namin.

"And to Bret, salamat sa lahat. Siguro alam mo na ang rason kung bakit kita sinaktan noon at kahit mayroon ka ng iba, kahit di na ako ang babaeng papakasalan mo balang araw, ikaw pa rin ang MVP ng buhay ko. And I'm still, will always be your number one fan."

THE END.

Still Your Number One Fan [ BreSsi ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon