First Shot

57 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa gymn ng school. Naka-upo sa may bench at tinitingnan lang kita maglaro. Ito na ang last game niyo kasi gra-graduate na tayo ng High School. Ang daming nagsisigawan para mag-cheer sa team mo at kasali na'ko dun. Kulang na lang gayahin ko ang ginawa ni Athena na pag-cheer kay Kenji sa SDTG. Kinikilig ako kapag kinikindatan mo ko sabay ngiti tuwing nakaka-shoot ka.
Lahat tuloy ng nanonood nag titinginan sakin. Ikaw ang star play sa team, di ka lang gwapo, mabait ka pa. Ideal guy nga sabi nila.

"Awww. Swerte naman ng girl na nasa harap natin. Girlfriend niya ba yan?" narinig kong sabi ng mga babae na nasa likod ko.

" I'm not sure kung sila but infairness, bagay sila." dagdag naman nung isa

Napangiti na lang ako. Sa huli, panalo ang team niyo. Palagi naman eh. Papunta ka na sa pwesto ko pero biglang may mga babaeng tumakbo sa'yo.

"Bret pa-picture please? Ate! Pwede picturan mo kami?"
sabay abot sa'kin ng camera.

Tumango na lang ako sa kanila. Pero bigla kang tumakbo sa'kin, niyakap at hinalikan sa cheeks sabay akbay. Nagulat ako sa ginawa mo.

"Uhmm girls, meet my girlfriend soon to be my wife." sabi mo sa kanila.

Di ko ma-imagine yung mga mukha nila pagkatapos mong sabihin yun kaya umalis na lang sila.

"Thanks for everything Yas. I love you." sabi mo sa'kin sabay yakap ulit.

Bigla naman naghiyawan ang mga ka-grupo mo. Napatawa na lang ako.

"I love you too." sabay abot ko sa'yo ng tubig at pinunasan ang pawis mo.

Di ka na nga sumama sa victory party niyo kasi mas gusto mo'ko makasama. After mong mag-ayos pumunta tayo dun sa favorite spot natin sa park.

"Dapat same school tayo pag college na, same course. Then pag naka-graduate, pakasal na tayo." sabi mo sa'kin habang naka-holding hands tayo at tinitingnan ang mga batang naglalaro.

"Huy! Grabe ka! Wag muna no?" sabay hampas ko sayo ng mahina.

Napatawa ka na lang at hinila ako. Kung saan-saan tayo pumunta at hinatid mo
na ako pauwi. Napaka-swerte ko talaga sa'yo.

After natin maka-graduate. Nag-enroll tayo ng isang sikat na university. Gaya ng plano natin, pareho tayo ng course.
Tuwang-tuwa nga ang mga parents natin dahil di daw natin napapabayaan ang pag-aaral kahit na in a relationship tayo.

"Kayong dalawa ang magmamana ng mga kompanya natin kaya galingab niyo ha?" pabirong sabi ng Daddy mo.

"Oo nga pare. Nai-imagine ko na mas lalago pa ang mga kompanya natin." sabi naman ng Papa ko habang pumapalakpak pa.

Naging maayos naman ang 1st and 2nd year ng college life natin. Tuwing intrams sa school, ginagawa ko pa rin lahat tuwing may game ka. Tagabantay ng bag niyo, tagapunas ng pawis mo, tagabigay ng tubig sa'yo nagch-cheer tuwing nasa'yo ang bola at ako rin ang photographer niyo. Pinagbabawalan mo na nga ako gawin ang mga yun kasi nakakapagod. Pero ang totoo di ako napapagod dahil alam kong worth it lahat pag nananalo kayo. Mas lalo akong nagiging proud sayo.
Pagkatapos ng game niyo may isang lumapit sa'yo.

"Hi ako nga pala ang coach ng Varsity Team ng school. Naghahanap kami ng ibang players so kung gusto mo mag-try out, punta ka lang dito sa gymn, friday 3pm. Okay?" sabay shake hands sa'yo.

Di mo alam kung ano sasabihin mo kaya ako na lang ang sumagot.

"Sige po Sir. Pupunta siya. Salamat po." sabay ngiti sa kanya.

Ngumiti naman siya at umalis.

"Are you sure? Paano kung di ako makuha?" tanong mo sa'kin.

Pinitik ko ang noo mo dahil sa pagka-nega mo.

"Star player ka since high school. Palaging panalo ang team mo. Tapos tingin mo di ka makukuha?"

"Sige na nga. Basta andun ka ha?" at hinawakan mo ang kamay ko.

"Syempre ako pa ba Bret? Hahaha" sabay kiss sa cheeks mo.

* Try Out *
Ikaw na ang susunod na tatawagin. Kinakabahan ka pero mino-motivate at pinapa-kalma. Ilang oras pagkatapos ng try out, ia-announce na ang mga nakapasok. Ang higpit ng pagkakahawak mo sa kamay ko.

"Eto ang mga panglan ng nakapasok, Congrats to Bret Jackson...."

Tumalon-talon ka agad pagkarinig mo sa pangalan mo.
Halos hindi ako makahinga sa mga yakap mo.

"Sabi ko sa'yo eh. Congrats!"
bigla mo na naman ako hinalikan sa lips ko.

"Thank you and I love you so much Yassi." tapos hug ulit.
Para na akong teddy bear sa kaka-hug mo.

Unti-unti mo na naa-abot ang mga pangarap mo at masaya ako para sa'yo.

Third year college na tayo. At di na tayo masyado nakakapag-bonding. Sabi mo sa'kin araw-araw ang practice niyo dahil malapit na ang game niyo. Syempre suportado kita. Palagi kang nagte-text at kinukumusta ako kahit nagpra-practice pa kayo. Di mo na ako masabayan kumain every lunch break. Di ka na rin umuuwi sa bahay niyo dahil sa athletes quarter ka na natutulog. Syempre suportado kita. Malapit mo na maabot ang mga pangarap mo. Sino ba naman ako para pigilan yun diba? Pero hinahatid at sinusundo mo pa rin ako kahit na pag-uwi mo may practice ulit kayo. Tumawag ka sa'kin isang gabi at narinig kitang umiiyak.

"Yassi, Magqui-quit na'ko. Di ko na kaya lahat ng sinisigaw sa'kin ni coach. Sisirain ko lang daw ang team." page-explain mo sa'kin.

"Don't do that. Bret, promise me na gagawin mo ang best mo okay? Let's meet bukas.." nag-umpisa na tumulo ang luha ko. Di ko pa pala nasasabi sa kanya na kinausap ako ng coach niya. Pwede daw siyang matanggal kung di siya aayos.

"Why? Anong meron bukas?" tanong ni Bret sa'kin.

Pinipilit ko na wag pumiyok at pigilan ang mga luha ko.

"Uhmm.. I need to tell something. I love you Bret.. so much" at in-end ko na ang call.

* knock knock *

"Pasok!" si Mama pala.

"Are you sure about this?"

At nilapag niya ang passport at plane ticket ko papuntang US. Yes, magtra-transfer ako. Inayos na ni mama ang lahat. Bukas, pagkatapos ko kausapin si Bret, pupunta na agad ako sa States. Alam na din ng parents niya. At ayaw nilang pumayag sa decision ko pero wala na silang magagawa. Masakit man pero kailangan ko gawin.

* Park *

Nagulat ako ng biglang may humalik sa cheeks ko. Si Bret pala. Naka-porma siya ngayon at may dala pa siyang pink roses.

"Roses for you. Tara kain tayo. Para makabawi man lang ako. Ano gusto mo? Arcade..Movie?" tanong niya habang hawak ang kamay ko.

Pakiramdam ko di ko kayang gawin. Gusto ko siyang yakapin. Tinatagan ko ang loob ko at tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Break na tayo. Ayoko na. Wala ka ng time para sa'kin. Puro basketball inaatupag mo! Di na kita mahal." at nag-umpisa na ngang tumulo ang mga luha ko. Pwede na ako mag-artista dahil sa acting ko. Nice Yassi! Nice.

"Di pa April Fools, ano ka ba! Hahahaha. Tara na gutom na'ko." sabay hila sa'kin.

Lumayo agad ako sa kanya.

"Di mo ba naiintindihan? BREAK NA TAYO! DI NA KITA MAHAL!" sabay walk out. Tumakbo ako hanggang sa sasakyan namin na naka-park. Pero nahabol niya ako.

"Don't say that. I can quit basketball if you want. Just please Yassi... don't leave me." nakaluhod siya, hawak ang mga kamay ko. Umiiyak.

Gusto ko sabihin sa kanya ang totoo. Pero mas lalong di niya maaabot ang pangarap niya.

"Goodbye Bret." at iniwan ko na siya. Pumasok na ako sa sasakyan at dun na ako umiyak ng sobra.

"Sorry Bret. Sorry"

Still Your Number One Fan [ BreSsi ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon