Prologue

194 4 0
                                    

March 30,1996

Cabanatuan, Nuev Ecija

"Uwaa uwwaaa"

"Pasensya na baby kailangan kang iwan ni yaya dito, mas magiging ligtas ka kung iiwan kita dito. Sana mapatawad mo ako, para to sa iyo." Anas ng babae sabay inilapag ang isang sanggol na babae sa harap ng isang gate.

May syang kinuhang kwintas at sulat na inilagay nya sa ilalim ng kumot ng sanggol.

"Uwwa uwaaaaa" iyak ng sanggol na sinasabayan ng malakas na ulan.

"Paalam Kathryn." Saad ng babae sabay doorbell at dali daling nagtago sa likod ng isang malaking puno.

May lumabas na mag-asawa nakapayong sa gate at ng makita ang sanggol ay agad itong kinuha sabay paglibot mg mata sa paligid; sa pag-aasam na makita ang nag-iwan ng napakagandang sanggol na ito.

"Min, may nakalagay na sulat." Anas ng asawa ni Min na si Teddy

Kinuha nila ang sulat at binasa ito di alintana ang ulan.




"Kung sino man ang nakakuha sa sanggol na ito, nagmamakaawa po ako na sana alagaan ninyo pong mabuti at mahalin na parang tunay na anak si Kathryn. Iniwan ko po sya sa inyo dahil hindi ko po syang kayang alagaan. Pakiusap ko po sainyo na sana ay alagaan niyo sya, ang sanggol na iyan ay may magandang kinabukasan. Marami pong salamat. Kathryn po ang pangalan nya, sana po ay hindi ninyo palitan, March 26 po ang kanyang karawan. Kalakip ng sulat na ito ay isang kwintas na galing pa sa ninuno nya, marapat po sana ay itago niyo ito hanggang sa tamang panahon. Salamat po."

"Papa." Anas ni Min na nakatingin sa asawa na parang nanghihingi ng desisyon mula dito. Tinignan nya ang sanggol, di maipagkakaila na napakaganda nito ; parang anghel na bumaba sa lupa. Kung sya lang ang masusunod ay kukupkupin nya ito ngunit wala sa kanya ang desisyon kung hindo ay nasa asawa. May 3 na silang anak at kahit nakakaalwan sa buhay ay nais parin nyang maging wais at ang sanggol ay dagdag gastusin lamang.

"Kunin natin sya Ma, naghahanap rin naman ng bagong kapatid sina Kaye" saad ni Teddy

"Kung yan ang gusto mo pa, magaan din naman ang loob ko sa bata pero pa paano tayo, mas lalaki ang gastusin natin malapit ng magkolehiyo si Chrysler "

"Kaya natin to Ma, blessing ang bata. Malaki ang ipon natin sa bangko at anihan na. Tignan mo naman tong batang to, napakacute, matitiis mo ba to?" Pang-aasar ni Teddy

"Sige na oo na, bukas na bukas din aayusin ko na papeles para kay baby Kathryn" sagot ni Min. Saglit na natigilan si Teddy

"Ma di kaya gawin nating KATHRYN Chandria ang pangalan nya para parehas nya sina Kaye."

"Oo nga ano, Hello baby Kathryn Chandria" pagkausap ni Min sa sanggol " We are your new family, lika na pa pasok na tayo. "

Sabay silang pumasok bitbit si Kathryn, bringing her into. New world and new life.

__________________________________________________________________

AN: BEEN HAVING DOUBTS IF I SHOULD START THIS, ako kasi ang klasi ng tao na hirap gumawa ng simula pero gawa na ang middle part to ending ng story sa isip nya. Sana magustuhan niyo. Fan kasi ako ng Kristine Series at ni Kathryn though I like Dj for Kath, thia story has been bugging my mind since I read Xander and Yelena's story tapos nagkaissue pa regarding the audio thingy kaya iyon imagine lang ako ng imagine. Hahaha Can't promise a regular update pero itatry ko. Hahaha

The Lost HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon