Chapter 3 The Perfect Couple

90 1 0
                                    

Ronnie's POV

Hindi na ako umattend ng meeting ng publication. Idinahilan ko na lang na masama ang pakiramdam ko. Totoo naman e .. hindi lang masama ang pakiramdam ko, sugatan pa ang puso ko. 

11 months and 3 weeks na kami ni Dawn. Isang linggo na lang at one year na kami. Ang sakit-sakit. Akala ko ayos lang ang lahat, hindi ko napansing nagkakaroon na pala ng lamat ang aming relasyon.

SPACE ----- yun ang hiling sa kin ni Dawn. Bakit? Bakit ganun? Ung iba nag aaway, nagbbreak dahil walang time ung isa sa partner nya pero bakit ako ... lahat na nga ng time at effort ko e ibinigay ko sa kanya pero nagawa pa din nya akong iwan .. ANG SAKIT-SAKIT.

Ganun ba talaga ang love? TRAYDOR. 

Kung kelan ang saya saya mo na, saka biglang sasaktan ka. Hindi ko kinaya ang sakit sa puso ko kaya umiyak ako. Pero syempre ayaw kong may mmakakita sa kin na umiiyak kaya naghanap ako ng lugar na makapgiisa ako . kaya pumunta ako sa computer hub.

Dahil na rin siguro sa sobrang pagiyak ko, hindi ko napansin ang pagdating ni Ayen. Nakita nya akong umiiyak pero agad kong pinahid ang mga luha sa mga mata ko. Pero hindi sya tanga ... alam nyang umiiyak ako.

AYEN: Napuwing? Teka lang ha. bakit wala ka dun sa meeting? at saka anong ginagawa mo dito? Bakit magisa ka lang?

RONNIE: Ayen, andami mong tanong!

*Hindi naman talaga ako nagalit kay Ayen dahil marami syang tanong .. 

Hindi ko lang kayang sagutin ang mga tanong niya kasi masasaktan ako. . .natakot ako.

AYEN: May problema ka ba, Ronnie?

*Hindi ko na kinaya. Napahagulgol na ako. Ang sakit sakit na. Kailangan ko nang mailabas ito. Buti na lang si Ayen ung pumasok sa computer hub. Isa sya sa mga maaasahan. 

Pinasandal nya ako sa balikat niya at hinayaang umiyak. Sobrang gumaan ang pakiramdam ko pero kahit ganon .. masakit pa rin. Kaya iniyak ko lang ng iniyak ang nararamdaman ko hanggang sa di ko na napansin, nakatulog na pala ako sa balikat nya.

CHANCES ( Love Diary for Love Searches )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon