Panaghoy

27 0 0
                                    

Haplos ng yong kamay sa aking pisngi

Init ng yong halik dulot ay ngiti

Mga yakap mo'ng sing init ng araw

Aking pangarap sa buong magdamag

Sadya bang ganito?

Ang pangarap ng nagungulila

Ako'y litong-lito, at nagdaramdam

Bakit ngayo'y nagiisa at umiiyak

Saan na ang pangako mong pag-ibig

Mga mata'y namumugto habang ang buwan ay sumisilip

Bakit ngayo'y puro dusa at nananangis

Nalimot mo na ba ang nakaraang kay tamis

Ako'y isinumpa ng iyong alaala

Bakit ngayoy ako'y ganito?

Ano bang aking nagawa?

Nasaan ka aking sinta?

Mundo ko'y gumuho

Nang ako'y iwan mo

Mga panahong nagdaan

Hndi malimot at pilit binabalikan

Ako'y alipin pa rin ng yong pagibig

Pagmamahal mo'y hinahanap maging sa panaginip

Pangako mo'y sumpaan nati'y hanggang wakas

Ngunit nasaan na ang pag-ibig mo aking mahal?

Hinahanap hanap ko mga halik at yakap mo

At ang yong mga matang nagniningning

Sa tuwing ika'y ngumungiti

Mga bituin sa langit wari'y nasasabik

Mundo ko'y iyong binuhay

Sa pagibig mong tunay

Nasaan ka na sinta?

Ako ba'y nilimot na?

Mga mata'y hindi mapigil sa pagluha

Simula nang ikaw ay mawala

Pagibig ko ba'y hindi sapat

Bumalik ka na aking sinta

Poems from the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon