CG 9

1.7K 50 0
                                    

SHIELA




" Saan mo naman ako dadalhin aber .." nakataas ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanya .. Nagkibit balikat naman siya saka ngumisi kasabay ng pagkindat niya ..




Diretso ko lang siyang tinignan .. Yung tipong walang emosyon na makikita sa akin ..




" Kikidnapin mo ako sa bahay .. Tapos hindi mo alam kung saan mo ako dadalhin .. Wow Vic .. Galing mo dapat kang tularan ng mga readers .. " sarkastiko kong pananabla sa kanya .. Paano .. Pagkatapos ko siyang buhusan nung isang araw akala ko titigil na siya .. Kaso pursigido ang Mokong .. Gabi gabi akong hinaharana .. Gabi gabing naririndi ang tenga ko sa boses niyang palpak .. Gabi gabi din akong nasesermonan ni Mama .. Tapos heto siya .. Biglang sumulpot kaninang umaga .. Nagpaalam kay Mama na Magda-Date daw kami err .. Aalis daw kami .. Akala ko naman napakaganda ng Ideya niya yun pala .. Hihilain lang ako sa sasakyan at parehas ko .. Hindi niya rin alam kong saan tutungo ..




" Alam mo shiela .." nakangising sambit niya sabay akbay sa akin .. Tinignan ko naman ito ng masama saka pilit na iwinaksi yung kamay niya .. Too bad nakapulupot na yung isang kamay niya sa bewang ko ..





" Mas maganda ang kinalalabasan ng isang bagay kung hindi planado .." nakangisi niyang sambit .. Bahagya ko naman siyang tinulak palayo ..






" Tama! Maari kasing maligaw tayo at hindi na makauwi ng buhay .." sarkastiko kong pananabla .. Napakamot naman siya sa batok niya ..






" Look Shie .. I'm sorry .. Hindi ko naman kasi alam kung paano dalhin *ehem* ang Isang tulad mo sa isang Date .. Kaswal lang kasi na ginagawa ko sa isang babae ay dadalhin si-"






" Dalhin siya sa kwarto .. Sa tabi tabi or sa DRESSING ROOM para iparamdam ang langit .. Ganyan naman kayong mga lalaki diba? " nanlalaking matang bulyaw ko ..




" Whoah! Is this about dun sa Dressing Room pa rin? It was just a dare para sa Ducatti .. Nothing personal .. " paliwanag niya  ... Inirapan ko naman ito saka tinaasan ng kilay ..





" Anu naman! Pakialam ko sa paliwanag mo! Teka pinagpaliwanag ba kita! " bulyaw ko sa kanya ..






" Oh kalma lang! NapakaDefensive mo naman! Teka?! Nagseselos ka ba?! " nakangisi niyang sambit ..





" Wow! As If naman! Sanay na akong makakita ng ganun .. Lalo na kung ikaw ang kasangkot! " pananabla ko sa kanya ..



" Sus! Aminin mo na kasi ! Nagseselos ka! Tell me .. Like mo na rin ba ako? " taas babang kilay na sambit niya .. Masuyo ko namang hinawakan yung pisngi niya saka bahagyang lumapit sa kanya .. Nanlalaki naman yung mata niya kaya napangisi ako .. Maybe our game we're Done .. Tapos na ako sa kanya pero sa tingin ko .. Gusto niya pa ring makipaglaro .. As If namang mapapadala ako sa I like you niya ..






" Shiela .." anas niyang sambit sa pangalan ko .. Mas lalo pa akong lumapit yung tipong ramdam na namin ang paghinga ng isa't isa ..






Nung nadadala na siya sa sobrang lapit namin ay nilamukos ko yung mukha niya saka lumayo ...






" Kapal ng Mukha mo! Anu ka status sa Facebook? Tss .. Kung akala mo Galang Ay madadala mo ako sa I like you mo na yan .. Pwes akala mo lang yun .. Alam ko namang nakikipaglaro ka pa rin sa akin kaya pagbibigyan kita .."






Alam ko naman na kahit tinapos ko na ay pipilitin niya pa rin akong mahulog sa kanya .. The first one who will fall will lose the game .. Gagawin niya ang lahat para matalo ako pwes .. Lokohin niya ang kapitbahay niya .. I'm Shiela .. Hindi na lang ako basta basta nagpapaloko .. Tapos na ako sa sitwasyon na naloko ako at nasaktan ..





COQUETRY GAME  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon