Naglalakad lang ako papuntang University dahil walking distance lang naman ito sa Subdivision namin ng biglang may humarang na kotse sa daraanan ko. Agad na bumaba ang may-ari ng kotse at cool na cool na nakapamulsa na sumandig sa kotse niya. Kung sino siya?! Siya lang naman ang bagong lipat diyan sa tapat ng bahay namin.
Kagaya ko ay nakauniform din ito pero iba nga lang ang itaas na polo nito. Blue kasi ang kanya habang ang mga lalaki sa department namin ay Gray. Iba-iba kasi ang ang uniform per Department. Kung Puting long sleeve na pinatungan ng itim na coat ang uniform ko ay iba din sa mga uniform ng mga babae depende sa course nila.
"Diba sabi ko may atraso ka pa sakin?! And you'll going to pay for it.." 'Di ko na tinapos pa ang sasabihin niya at sumingit na 'ko.
"Magkano ba?!" Tanong ko saka sabay na naglabas ng wallet sa bag pero inagaw niya iyun sakin.
"Kaya kong tumbasan ang perang meron ka." Sabi niya and I just rolled my eyes at him. Inilahad ko sa kanya ang kaliwang kamay ko na pinagkunutan niya lang na tinignan.
"Anong gagawin ko dyan sa kamay mo?" Kunot noong tanong niya.
"Wallet ko. Akin na." Sabi ko. Mabilis naman na binalik niya sakin ang wallet ko na binalik ko sa loob ng bag ko at nagsimulang lumihis ng lakad paalis ng magsalita siya.
"And where do you think your going?" Inis niyang tanong sakin. Taas noong humarap ako sa kanya at nagsalita.
"Sabi mo may atraso ako sayo at kailangan kitang bayaran. I asked you how much at sabi mo kaya mong tumbasan ang pera ko. So..what's the use kong tatayo lang ako sa harap mo, e, may klase pa 'ko." Walang ganang sabi ko sa kanya saka humikab sa mismong hara niya. Para ipakitang nakakaantok siyang kausap. Nagtangis ang mga bagang niya na lumapit sakin pero taas kilay ko lang na tinignan siya.
"H-hey! What the--put me down." Sigaw ko dahil bigla nalang niya kong binuhat na parang isang sako at saka siya naglakad sa kotse niya. "Ano ba! Sabi ng ibaba mo 'ko, e!" Habang sinusuntok ko siya sa likod niya.
I heard 'click' sa pinto ng kotse niya at walang sabing tinapun niya ko sa loob. Napasubsob pa 'ko sa manibela niya. Mabilis naman na umikot siya at sumakay sa driver seat. Akmang bubuksan ko ang pinto para bumaba ng bigla niyang i-lock ito saka siya nag-smirk at mabilis na pinasibad paalis ang kotse niya na akala mo, e, nakikipagkarerahan siya. Kumusta naman ako na 'di pa nakakapagseat belt, diba?! Anong gusto niyang palabasin sakin?! Na ang mamatay ako sa heart attack ang kabayaran sa atraso ko sa kanya. Huh?! Don't me.
"S-shit! Stop the car." Sigaw ko sa kanya dahil feeling ko ay lilipad na kami sa bilis ng pagpapatakbo niya. Walang sabi-sabing nagbreak siya at napasubsob ako sa unahan dahil nga wala akong seat belt na suot. Masama ang tingin na tinignan ko siya.
XX
"A-aray! Ano ba?!" Daing ko habang ginagamot ako sa noo ng kaibigan ng letseng Cold na yun.
At hulaan niyo kung nasan kami?! Sa bilyaran lang naman. Peste lang! First time kong mag-skip ng klase dahil sa kagagawan ng letseng Cold na yun.
"Aray sabi, e!" Sigaw ko sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin saka ko tinapunan ng tingin si Cold na kasama ang iba pa niyang kaibigan na naglalaro ng billiards.
Pagkadating na pagkadating namin dito ay agad na inutusan niya itong lalaking gumamot sa noo ko para gamotin ang natamo kong galos dahil sa pagiging reckless driver niya. Cute siya, chinito ang mata. Akala ko nga noong una siya si Manolo ng PBB, e!
"Hoy! Ihatid mo ko sa University." Sabi ko habang nakaturo pa sa kanya. Pero 'di man lang niya ko nagawang tapunan ng tingin at patuloy lang ito sa pagsipat ng bola. Tinignan ko ang mga kaibigan niyang nakakunot ang noong nakatingin sakin. Pero wala akong oras para sa kanila dahil bwiset na bwiset na 'ko sa lalaking Cold na 'to.
Nang 'di pa niya ko pansinin ay mabilis na naglakad ako palapit sa kanila saka ko hinablot ang hawak na stick ng lalaking kasama niya at ako na mismo ang tumira para sa kanya. Lahat ay pumasok sa butas sa gilid nito. Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga kasama namin ngayon dito.
"Ihatid mo ko sa University." Matigas ang boses na sabi ko sa kanya.
"Go." Wala man lang emosyon ang mukha na sabi niya at tinalikuran ako pero pinigilan ko siya sa paghawak ko ng batok niya.
"In the first place ay hindi ko alam kung saang lugar itong pinagdalhan mo sakin. Malayo na nga ata ito sa lugar naten kaya ihatid mo ko sa University kung ayaw mong ipalo ko sayo itong stick na hawak ko. At seryoso ako." Bulalas ko sa kanya.
"Tss!" Saka siya naunang lumabas sa bilyaran at sumunod naman din ako.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Fairytale
RomanceIn every fairytale, princesses meets their prince. Fell inlove. And live happily ever after. They both fight and sacrifice for their love. Because in every love story a girl finds he's perfect guy and they live like Fairytale. But in reality, love i...