"What the actual fuck!?"Halos mahimatay ata ako sa nakikita ko ngayon.. kumaripas ako ng takbo papasok sa loob..
"Miss hindi ka pwede dyan!"
"Habulin nyo sya!!"Pero pinilit ko pa ding pumasok sa apartment kong nasusunog..
Hindi pwede.. hindi pwedeng masunog lahat ng alaala namin marcus.. hindi pwede..
Sinubukan kong umakyat papunta sa silid ko na nagbabakasaling masagip pa kahit iilang bagay lang
Hanggang sa nakakita nalang ako ng malaking kahoy na bumabagsak
"Ahh!!!"
Nang makapasok ako sa silid ko'y nangatog ang aking tuhod..
Nakita ko nalang yung sarili kong iyak ng iyak at ubo ng ubo sa usok..
Baby marcus.. my one and only child.. mga damit nyang habang siya'y nabubuhay pa ay sunog okaya'y abo na..
Ang sakit sakit.. hanggang sa nawalan nalang ako ng malay..
