Chapter 2

13 3 1
                                    

Chapter 2
crystalmaker❄

*****

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Puti. Nasa langit na ba ako?

Narinig ko ang tunog nang machines na siyang sumagot sa tanong ko.

Buhay ako. Ano..ano bang nangyari? Pilit kong inalala kung ano ang nangyari.

Mga iyak.... Sigaw ng mga tao...

Naimulat ko ang mga mata ko nang maalala ko kung ano ang nangyari.

Nahulog ako sa pyramid dahil sa pag-tulak ni LeiNTA sa isang lifter.

Tanginang LeiNTA! Pag ako nakalabas ng hospital, makakatikim siya sa'kin ng mag-asawang sampal.

Pero, naalala kong nakita ko si Cholo bago ako nahimatay.

Naramdaman kong may gumalaw sa isang gilid ng higaan ko.

"H..hey." nanghihina kong daing.

Agad naman niyang inangat ang ulo niya para tumingin sa'kin. Nanlaki ang mata niya at biglang nag-si-sisigaw.

"Doc! Oh shit! Nurse! Fuck! Damn it!Anyone! She's fucking awake!"

Napa-irap ako. Really? May kasamang mura talaga?

"Kuya! Calm down. Para kang baliw." mahina kong sambit.

Nakita kong nag soften ang expression niya.

"Chai sis? Okay ka na? Walang masakit sa'yo? Fuck!" bulong ni Kuya sa'kin.

"Okay na ako kuya."

"Aba dapat lang! 2 araw ka ng tulog!"

"Ahh -- WHAT? Dalawang araw na?" gulat na tanong ko.

Nag-nod siya. Pumasok na ang doctor at nurses.

"Sa ngayon, okay ka na iha. Buti nalang at sinagip ka. Kasi kung hindi, malamang comatose ka na. Kumain ng marami."

Sinagip? Huh? Nino?

"Kailan po ba siya doc maaaring i-discharge?"

"Kung gusto niyo, kahit ngayon na pwede na. 'Di naman malala ang nangyari sa kanya. Matagal siyang natulog dahil sa trauma. Okay. I'll leave you." sabay labas ni Doc.

Naguguluhan ako. Sino daw yung sumagip sa'kin nung mahuhulog na ako?

"Kuya? Sino?" napa-atras bahagya si Kuya sa tanong ko.

"Si Cholo. Siya yung sumagip sa'yo nung mahuhulog ka na."

Si Cholo?! Omg.

"Kuya! Asan siya? Tara puntahan natin." agad namang akong sinita ni Kuya.

"Okay lang siya. Papunta na 'yun dito."

*dug.dug.dug.dug*

Yung puso ko!

"Okay lang siya. Papunta na 'yun dito."

"Okay lang siya. Papunta na 'yun dito."

"Okay lang siya. Papunta na 'yun dito."

"Okay lang siya. Papunta na 'yun dito."

Parang sirang plakang paulit ulit na nag-e-echo sa tenga ko ang sinabi ni kuya.

Bumalik lang ako sa katinuan nung marinig ko ang pagbukas ng pintuan at ang pagsara nito.

"Gising na pala siya?" saad ni Cholo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Desperada Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon