Chapter 2

19 0 1
                                    

CHAPTER 2

Umalis na si Kath sa knyang opisina at pumunta ng mall para makapagpasalon at makabili ng damit para sa date nila ni Enrique. si Enrique ay isa lamang sa mga lalaking dinedate ni Kath. Yes you heard it right. Hindi nagseseryoso sa mga lalaki si Kath. Iba't ibang lalaki ang kanyang dinedate. Well kanina nga may isa syang aplikante sa kanyang opisina at tinanggap nya ito agad dahil sa angking kagwapuhan nito. Masyadong happy go lucky si Kath. Kung hindi lang din dahil sa request ng daddy nya, hinding hindi muna sya magtratrabaho sa kompanya nila. 

Habang nagpapasalon si kath, hindi mawala sa isip nya si Daniel. Parang wala kasi syang epekto dito. Parang hindi manlang ito naaatract sa kanya. Aminado si Kath na malandi sya. pero kahit ganon, malinis syang babae. Ayaw lang nyang masktan kaya hanggat maaari, ayaw nyang magseryoso sa buhay pag ibig.

Nang matapos syang magpasalon, namili na sya ng damit para sa date nya mamaya.

Nang sumapit na ang gabi, ayos na ayos na si Kath para sa date nila ni Enrique. Nagpahatid na sya sa restaurant kung san sila magkikita ni Enrique.

'hey qorgeous, you really look good. As always'. sabi ni Enrique. Natuwa naman si Kath. Alam nyang maganda sya pero gustong gusto padin nya na napupuri ang angkin nyang kagandahan.

Ngumiti  si Kath at humalik kay Enrique. 'that's what you get for complementing me'. komento pa nito. Nag order na sila ng makakain.

*

Naantala ang pagpapahinga ni Daniel ng biglang nagring ang kanyang cellphone. tinignan nya ang screen at sinagot ito ng malamang ang pinsan nyang si Diego ang tumatawag.

'oh bakit napatawag ka ata? magyayaya ka nanaman bang magbar? Sorry pero wala akong balak uminom ngayon.' tuloy tuloy nyang sabi. Kadalasan kasing tumatawag si Diego sa knya para ayain syang mag inom o mambabae. Pero hindi babaero si Daniel. Seryoso syang tao at hindi basta basta nambababae ng kung sino lang. 

'eh bat di mo pa sabihin ngayon?'  sabi nya dito.

'this is really important Dj. I need to talk to you in person'. sbi ni Diego.

'tss. ok. san ba tau magkikita? siguraduhin mo na importante talga yan. kung hindi tatamaan ka talaga sakin.' sabi nito.

sinabi na ni Diego kung san sila magkikita. nag ayos na si Dj at pinuntahan na nya ang lugar kung saan sila magkikita ng pinsan nya.

Pagpasok nya ng restaurant, pamilyar na mukha ang bumungad sknya. Nakita nya ang kanyang magiging boss na may hinalikang lalaki.

'anak ng malandi nga talaga oo.' sabi nya sa sarili nya. sa dinami dami nang pwedeng puntahan dito pa nya nakita ang babaeng kanina lamang ay iniisip nya. Yes, iniisip nya knina si Kath dahil sa mga kilos nito. Nasasayangan siya dito dahil sobrang ganda nito ngunit sa tingin nya ay sobrang landi nman.

inikot na nya ang knyang paningin at nakita nya si Diego sa mesang malapit sa mesa nila Kath. pinuntahan na nya ito.

'hey, andito na pala ang pinsan kong katulad kong pogi'. sabi ni Diego.

'ano ba yung importanteng sasabihin mo dude?' tanong niya dito.

'nagmamadali ka naman masyado pinsan. Order muna tayo ng pagkain. gutom na 'ko eh'. sabi ni Diego.

umorder na sila ng pagkain. hindi niya mapigilang sumulyap sa babaeng nasa tabi lamang ng kanilang mesa. Ang ganda nito sa suot nitong dress na hapit na hapit sa katawan. Pinilig ni Daniel ang kanyang ulo dahil sa kung ano anong pumapasok sa isip nya. pero hindi padin nya maiwasang sumulyap sulyap dito. Sobra ito kung makipaglandian sa lalaking kasama nito. 'boyfriend nya kaya un?'. tanong nya sa isip nya.

She's the Boss (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon