Chapter 13 Slip

127 13 0
                                    

Zylen Cole at the multimedia ^^ cute nya grabe! Sarap nyang itake home char ^__^

Hally Point Of View

Tatlong araw na ako dito sa
Heisenberge Academy pero wala pa rin akong kaibigan, kung hinahanap nyo yung apat na lalaking kasama ko sa initiation ayun nalipol na!

Akala ko pa naman magiging kaibigan ko sila yun pala hindi tsk! Bakit ba umasa pa ako hays buhay nga naman parang life

Naglalakad ako ngayon sa may corridor at nagmumuni muni kung saan pupunta lunch break na kase namin ngayon ayoko namang pumuntang cafeteria dahil feeling ko sobrang loner ko kakainggit kaya buti pa sila may FRIENDS ako WALA kahit isa :(

Ano bang ginawa ko sa past life ko at kahit hanggang ngayong highschool wala pa rin akong kaibigan sa pagkakatanda ko naging mabait naman ako kahit minsan maldita mood yung mga kaklase ko kaseng babae lagi akong binubully

Syempre ako lumalaban aba sa panahon natin ngayon di na uso na nagpapaapi ang bida at naghihintay na iligtas sila ng kanilang prince charming (pwe!) insecure lang sila sa ganda ko hmpf! (Mayabang ba sorry nagsasabi lang talaga ako ng totoo )

*flips hair*

kasalanan ko ba na lapitin ako ng mga boyfriend nila, oo elementary pa lang kami may mga bf na ang mga kaklase kong babae di naman lahat mga 50% lang ang lalandi nila grabe! Pati higher level pinapatos nila tsk!

Kaya ata di ako magkaroon roon na kaibigang babae dahil simula pa lang nung bata ako mga kuya ko na ang nakalakihan ko bakit kase wala akong kapatid na babae saklap ng lyf! Huhu ( TT_TT ) Magsuggest kaya ako kina mom at dad na gumawa ng bagong baby? *u*

*Iling Iling* mukhang malabong mangyari yun hally suntok sa buwan ni hindi nga nila kayang maglampumngan kahit sa bahay abnormal ba ang mga magulang ko? kahit katiting na sweetness man lang sa isa't isa parang pinagkaitan sila

Puro kasi sila work work work! Ay diba may kanta nun? HAHA ay grabe na LSS ako sa kantang yun

NApadpad ang paa ko sa paglalakad sa malawak na field di pa rin talaga ako makaget over na sobrang lawak nito pumunta ako sa may bandang malaking puno at naupo dun

Bahagya akong huminga nang malalim sabay pikit at nilanghap ang simoy ng hangin na syang tumatama sa buong mukha ko

Napamulat ako ng may maalala ako yung sketch ko!

Hinalwat ko sa bag ko yung mini size kong sketchpad wait nasabi ko na ba sa inyo na ang course kong kinuha ngayong 4th yr ay may kinalaman sa sa fashion designer now you know

Dito kase sa Heisenberge Academy kahit nasa 4th yr highschool ka pa lang tinuturo na nila kaagad yung mga maaari namin na kuhaning course kung sakaling magcocollege na kami kumbaga advance sila dito kung sa ibang school na nagtetake ng 4th yr ang mga subject course lang nila ay may mga may kinalaman lang sa mga Bussiness Ad., Cooking, Engineer mga ganun pero dito maraming course ang papipilian mo tulad ng Fashion Designer, Criminology, Seaman, Doctor and etc.

Sabi kase ng Dean sa amin nung 2nd day ko kung pipili man kami ng course na gusto namin bakit pa hindi lahat ng course sa college maranasan namin para kahit papaano di kami kabahan kung sakaling college na kami para kung sa future alam mo na may pag-asa kang magkaroon ng trabaho pero yung mga pinaka basic lang naman ang tinuturo nila dito baka kase kapag tinuro nilang lahat baka di na kami mag take ng college HAHA dahil alam na namin lahat ng ituturo nila

Pinagmasadan ko ang bago kong sketch di pa sya tapos ulo pa lang yung naiisketch ko as you can see walang kinalaman yung bago kong sketch sa course ko di sya gown isa syang dalawang batang lalake at isang batang babae

Boys That I COLLECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon