Nang magising ako una kong nakita ang puting kisame at ang puting paligid ng kwarto. Nakita ko rin ang tubong nakakabit sa braso ko. Iniikot ko ang paningin ko nang mapansin ko ang isang lalaking natutulog sa gilid ng kama ko. Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Maya-maya ay nagising din siya.
"Mio? Y-You're awake! Thank goodness..." hinalikan niya ang noo ko.
"Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa katawan mo? Sabihin mo lang sa akin. Mio... miss na miss na kita. Natutuwa ako at sa wakas ay nagising ka na."
Niyakap niya ako ng mahipit at puno ng pag-aalala at pagmamahal.
Matapos niya akong yakapin hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinignan ng deretso sa mga mata. Halatang kaunti lang ang kanyang tulog. Siguro ay dahil sa pagbabantay niya sa akin."Mio? Ba't di ka nagsasalita? Ayos ka lang ba?"
"May gusto sana akong itanong sayo." ito ang pinakaunang pagkakataon kong magsalita matapos magising.
"Sige. Ano yun?"
"Sino ka?..."
Nakita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko. Parang di maipinta ang reaksyon ng mukha niya. Nakita ko rin ang labis niyang pagkadismaya.
"Hindi mo ba ako naaalala? Ako to, si Troy. Ako ang boyfriend mo. Hindi mo ba naaalala?"
Umiling ako.
Tinignan niya ang kabilang braso ko. At saka hinawakan.
"Eto. Nakikita mo ba itong bagay na nakasabit sa kamay mo? Meron din ako niyan. Diba kaya susi yan kasi ikaw lang ang makakabukas ng kandado sa puso ko. Ikaw ang nagbigay nito. Please alalahanin mo."
Tinignan ko yung bracelet ko na may nakakabit na maliit na susi. Pagkatapos ay ang sa kanya naman na may isang maliit na padlock. Ako nga ba talaga ang nagbigay niyan?
Yumuko ako.
"Sorry."
"No. It's not your fault... You don't have to say that okay?"
Naguguilty ako. Hindi dahil sa sinabi ko kundi dahil nakikita kong malungkot ang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ano ang sumagi sa isip ko pero may sinabi ako sa kanya.
"Kahit di ko maalala kung sino ka man, mamahalin pa rin kita. Utak lang ang nakakalimot, hindi ang puso..."