Chapter 1

5 0 1
                                    

"Mio! Ano ba?? Bilisan mo na nga malalate na tayo!"

"Saglit lang ate! Eto na nagbibihis na!"

"What the—? Kahit kailan talaga ang bagal bagal mo! And FYI 'wag mo 'kong tawaging ate dahil wala akong kapatid!"

"Kambal lang! Hahaha! Tapos na po ate Mia!"

"Whatever."

Sila ang kambal na sina Mia at Mio, 4th year highschool at parehong nag-aaral sa Eastland University. Mas naunang ipanganak sa kanilang kambal si Mia. Kahit kambal, magkaibang-magkaiba ang ang ugali ng dalawa.

Si Mia, maganda, malaporcelana ang balat at sikat dahil sa mayaman nilang pamilya, ngunit kung gaano sya kaganda ay kasalungat nun ang pag uugali nya. Tamad, at puro barkada ang inaatupag niya. Wala siyang pake kahit buong maghapon lamang siyang nakahilata o kaya ay maghapong magbulakbol kasama ang barkada nya. Ang mahalaga sa kanya ay masaya siya at walang may nakikialam sa buhay niya.

Si Mio naman ay iba sa kambal nya. Masipag itong mag-aral at may pagka nerdy type, ibang iba sa kambal niya. Mahilig siyang magbasa at magsulat ng mga tula at lagi siyang nakatambay sa library o sa bookstore. Ayaw niya ng maraming tao, at ayaw niyang maging sentro ng atensyon ng lahat di kagaya ng kakambal niya.

*Recess*

Habang naglalakad si Mio ay nakasalubong nya ang isang lalaking di pamilyar sa kanya. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang hinila nito patungo sa kung saan. Napadpad sila sa likod ng building ng school nila. Napahinto ang lalaki gayun din sya. Nagulat na lamang si Mio nang bigla siyang yakapin nito kasabay ang pagsabi ng mha katagang...

"Namimiss na kita... Akala ko di na kita muling makikita."

Napatigil naman si Mio habang nakakunot ang noo nito. Dahan dahan niyang tinanggal ang pagkakayakap ng lalaki sa kanya at hinarap ito.

Matangkad, kulay brown na mga mata at mamumulang pisngi, iyon ang napansin niya sa lalaking iyon. Napansin niya rin ang tuyong luha nito sa  pisngi ng binata.

"Ano..." pagbasag ng binata sa katahimikan. "Sorry, nabigla lang ako. Di ko kasi inaasahang dito tayo muling magkikita."

Muling napakunot ang noo ni Mio.

"Ah... Magkakilala ba tayo? " tanong niya. " Hindi kasi kita matandaan eh, sigurado ka bang ako ang tinutukoy mo?"

"Huh? Anong ibig mong sabihin? Ganyan na ba ang galit mo sa akin kaya nagmamaang-maangan kang di mo ko kilala?"

"Ano kasi..."

"Look, I'm so sorry.. Ilang beses ba akong kailangang humingi ng tawad sayo para patawarin moko? Tell me please, please... Bumalik ka lang sa akin."

"Pero kasi---"

"Mia, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka."

"Pero hindi ako si Mia."

"Huh?"

Pinakita ni Mio ang ID niya.

Nagulat naman ang binata sa kanyang nakita.

"Pero... imposible, magkamukhang- magkamukha kayo"

"Kambal kami."

Napatigil ang binata ang doon niya napansin na iba ang pananamit ng taong kaharap niya sa Mia na kilala niya. Kaya pala nakasalamin ang babaeng kaharap niya at si hamak na mas disente  tignan kaysa sa babaeng kilala niya.

"Magka-ano-ano ba kayo ng kambal ko? Isa ka rin ba sa mga naging boyfriend niya?"

Hindi naka-imik ang binata. Dahan dahan lamang siyang tumalikod at naglakad papalayo. Wari'y pinagsukluban siya ng langit at lupa. Ang buong akala niya ang makikita na niyang muli ang babaeng mahal niya. Akala niya, bibigyan pa siyang muli ng pagkakataon na makasamang muli siya. Pero akala niya lang pala.
Bago siya tuluyang umalis ay nagsalita siya.

"Kalimutan mo na kung anong sinabi ko, huwag kang magsalita sa iba tungkol doon. At sana, di na muling magkrus ang landas nating dalawa."










Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon