Chapter 24 - Maldives (Part 2)

731 18 1
                                    

Chapter 24

Amethyst's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na naka tapat sa mukha ko na nang gagaling sa bintana ng kwarto ko. Tinignan ko naman ang oras sa cellphone ko, its already 7am. Bumangon ako at nag tooth brush at nag hilamos. Pinusod ko naman ang buhok ko saka nag suot ng robe saka tinali ito. Tinatamad pako mag bihis ehh.. Bumaba ako at naabutan silang nasa kitchen.

"Good morning." bati nila sakin.

"Morning." bati ko din sa kanila saka umupo sa upuan na katapat ng dining table. Nakita kong naka apron si kuya at butler Stan. So, sila pala ang nag luluto.

Madaming naka lagay sa lamesa. May eggs, bacon, hotdog, ham, french toast, at vegetable salad.

"Here's your coffee." sabi ni kuya saka nilagay sa table ang kape. Nag thanks ako sa kanya. Alam niya talagang mas gusto ko sa umaga ang black coffee.

Umupo na silang lahat at kumain, tahimik kaming kumakain. Pero binasag ni butler Stan ang katahimikan.

"10am ang simula ng activities natin." sabi ni butler Stan.

"Anong mga activities natin?" tanong ko.

"Ngayung araw mag didiving, jet ski, banana boat, at sailing." sabi niya. Na excite naman lalo ang mga kasama ko, parang ngayun lang magagawa ang mga yan ehh..

Pinag patuloy ko nalang ang pagkain.

Nang matapos akong kumain bumalik ako sa kwarto ko at naligo. Pag katapos kong maligo nag lagay ako ng tuwalya sa katawan ko at pinulupot yun sakin, napatingin naman ako sa salamin. Tinignan kong mabuti ang kaliwang kaliwang kamay ko sa bandang pulso, naala ko ang gabing nag simula ang propesiya ko. Naalala ko kung paano humapdi ang bahaging ito, parang sinisilaban ito at may nag uukit.

Hinawakan ko ito, pero laking gulat ko humapdi ulit ito pero di kasing hapdi ng gabing iyun, napa pikit nalang ako. Pero laking gulat ko, nasa ibang lugar nako nasa paraiso ulit ako ng panaginip ko. Ang paraiso ni Persephone, naramdaman ko ang isang presensya ng tao sa likod ko. Agad ko namang hinarap ito, its Persephone. Naka tingin sakin ito habang naka ngiti.

"I'm glad we see each other again." sabi niya.

"Bakit nandito ako ulit? Bakit ako napili mo sa propesiya nato? Saan ko kayo maliligtas? Ano ba talaga kailangan mo sakin?" mahabang tanong ko sa kanya.

"Alam kong madami kang tanong sa isip mo, pero hindi ko pa masasagot ang mga tanong mo. Hindi pa ngayun." sabi niya.

"Bakit? I can't handle this! Madaming tanong sa isip ko na kahit anong isip ko na sagot hindi pa din masagot! Sa tingin ko naman deserve ko na masagot lahat ng tanong? Dahil ako ang napili mo sa propesiya nato." naiinis kong sabi sa kanya. Nginitian niya lang ako ng ubod ng tamis.

"Sa tamang oras Amethyst, sasagutin ko ang katanungan mong iyan. Pero ngayun, you just need to wait. Lalo pa't ngayun na malapit lang sayo ang taong makakatulong mong tuparin ang propesiyang ito, ang nag hahawak ng kaluluwa ng pinaka mamahal ko." sabi niya habang naka ngiti, pero halatang may lungkot at ngiti nito. Pinaka mamahal niya?

"Sino siya?" tanong ko.

"Sa tamang oras Amethyst. Naalala mo ba yung rosas na binigay ko sayo nun?" tanong niya. Tumango naman ako, naka tago yun sa secret room ng kwarto ko.

"Good. Just keep it, ang rosas na yun ang magiging susi sa lahat ng kasagutan mo." sabi niya. Hinawakan niya naman ang kaliwang braso ko at nagliwanag naman ito ng mahawakan niya. At may tattoo na lumabas dito, moon.

"This mark will be your weapon sa tamang oras." sabi niya. Sunod hinawakan niya ang kwintas na binigay sakin ni mom.

"I heared na hindi gumana ang kwintas na to sa ina mo. Maybe your mom is strong enough to compete all the enemies. This necklace is from your ancestors, na kung sino ang may mag-ari nito sa pamilya niyo, ay proprotektahan nito. But, I guess hindi ito na trigger ng ina mo para protektahan siya nito. Siguro ikaw ang makakagamit ng kwintas nato." sabi niya.

RVP 2: The Daughter's Prophecy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon