Sophomore Love

355 3 0
                                    

Lahat tayo dumaan sa High School, pinaka masayang parte ng pag aaral. Kasi d'yan mo mararanasang mag cutting, bumagsak ang grade, malate sa school, gabi na umuwi, mangopya, at ma in love...

Prologue...

“Makulit, maingay, sabi nila maganda. Pero pag dating sa love seryoso ako. Pangarap kong maging single habang buhay, at gusto kong makahanap ng taong makakasira ng pangarap kong ‘yun.” - Maia Legaspi

“Masayahin akong tao, ‘di ko sineseryoso ang kahit ano. Para sakin mahalaga ang mga kaibigan, kase hindi ka nila iiwan. Pero na realize ko na kailangan ko din ng taong mag mamahal sakin, nasan na kaya siya? Kailan ba siya dadating sa buhay ko?” -Ivan De Mesa

“Matangkad, medyo matalino, sabi nila nerd. I had a lot of crushes before, pero iba talaga yung bago kong crush. Transferee siya pero kaya niyang makisama sa iba. Siguro yun yung dahilan kaya ako nahulog sa kanya.” –Eco Pagalunan

“Varsity player ng volleyball. Mabilis akong ma-fall sa babae. Pero ‘di ko sinesoryoso ‘yung iba. Hindi ko alam kung sino ang mamahalin ko eh, naguguluhan ako.” -Alex Ramos

“May mahal ako. Kaso hindi kami pwede. Hindi dahil sa may mahal siyang iba o mag kalayo kami, ayaw lang talaga ng parents ko. Pero willing kaming mag hintay, sana malagpasan namin ‘to.” -Breanne Ermosa

 “May mahal ako. Kaso hindi kami pwede. Hindi dahil sa ‘di niya ako mahal kung ‘di dahil ayaw ng parents niya. Pero willing ako, kami na mag hintay.” -Dave Sirqon

“Aminado akong maliit ako pero pag nag mahal ako, inii-BIG ko ng totoo. Kaso, kailan ko kaya makikita yung taong mamahalin ko?” -Dave Buena

“Tall, white-skinned, handsome. Ako ‘yan! Hahaha. Sabi nila sobrang confident ako. Sa classroom maingay at magulo. Pero pag kasama ko na ‘yung taong mahal ko. Mabubulog ang buhay mo sa sobrang tahimik ko.” –James Labanan

"Matalino, friendly, lahat kinakaya. Pero pag dating sa love at friendship, 'jan ako nanghihina. May mga kaibigan naman ako, pero madalas may problema. Sa love, ewan ko? Pero wala akong balak na pasukin 'yan." -Nicole Fernando

"Makulit, masayahin, magaling na adviser. Sa mga problema ng kaibigan ko, natutulungan ko sila. Pero bakit ako? Hindi ko matulungan at mabigyan ng advice ang sarili ko?" -Andie Pangilinan

 Note: Ang ibang characters ay makikilala na lang sa kwento. At ang iba naman ay hindi na isinali, dahil hindi ikiniwento ang kanilang buhay High School.

Sophomore LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon