Maia's First Day...
“Tenenenent! Tenenenet!” 5:00 am na, may pasok na naman. First day sa new chool, dapat hindi ako malate. Kailangan ko ng maligo at kumain kaagad. Nakakahiya naman kase kung malelate ako sa unang araw ng klase. Sana hindi ako ma-OP sa kanila….
Ayan, ready na kong pumasok sa school. Kinakabahan na ko. Hindi ko alam kung anong section ko.
“Transferee ka ba?” tanong sakin ng isang teacher.
“Opo.” Sagot ko naman sa mahinang boses.
“Pumunta ka sa GYM para malaman mo section mo.” Itinuro sakin ang daan papuntang GYM.
Legaspi, Legaspi, Legaspi…ayun! Nakita ko na ang pangalan ko. “II-St. Anthony” Hala, saan ba classroom namin? Ang laki laki kase nitong school eh. Baka maligaw ako nito.
“Miss, saan po yung St. Anthony?”
“Ayan oh.” Itinuro sakin ng isang estudyante.
Hala ka! Katapat ko na pala ang pintuan ng classroom ko. Ni hindi ko man lang napansin. Nahihiya ako pumasok, dahil late na ko at may teacher na sa loob.
“Ganda pumasok ka na.” pag aanyaya sakin ng teacher sa harap.
“What? Ganda? Sir, are you blind?” Bulong ko sa sarili ko.
Napangiti na lang ako sa kanya, at nag hanap ng upuan. Halos lahat sila nakatingin sakin. Mukha ba akong multo? Kinakabahan na tuloy ako. Sa harap na lang ako umupo, yun na lang ang natitirang upuan eh.
“Ate what’s your name?” tanong sakin ng isang babae sa likod ko.
“Maia.” Naka ngiti kong sinagot.
“Ah, hello.” Ngumiti siya pati ang mga kasama niya.
Nicole’s POV…
“Ah, hello.” Nakangiti ‘kong sinabi.
Halos lahat kami nakatingin sa kanya. Transferee kase eh, tapos late pa. Pero okay lang, she looks nice naman eh. Sana mabait talaga siya.
Maia’s POV…
“Good Morning St. Anthony!” sabi ng isang babae.
“Good Morning Miss!” sagot naming lahat.
Ah! Baka siya na ang adviser namin. Wow ha, ang ganda niya. Tsaka ba’t siya may laptop? Ayos naman. May projector pala dito. Naninibago ako ah, wala kasing ganito sa dati ‘kong school.
“Good Morning Miss, Sorry po. We have to assist some transferees pa eh.” pag pasok ng isang lalake.
“Oh it’s okay. So you’re the famous Alex Ramos.” Naka ngiting sinabi ni Ms. Bell.
“Sus! Yabang. ‘Di naman ka gwapuhan.” bulong ko sa sarili ko.
Pag katapos ng ilang oras nag recess muna kami…
“Okay St. Anthony, you may now have your break and I will be back later.” sabay alis ni Ms. Bell sa room.
Breanne’s POV…
“Uy, Nicole. Sama natin si Maia.” sabi ko kay Nicole.
“Sige.” sagot naman ni Nicole.
Niyaya ko na si Maia samin, mukha naman siyang mabait eh. Tsaka para makilala na rin namin siya.
“Maia, may kasama ka na ba mag recess?” tanong ko kay Maia.
“Uhm, wala eh.” nahihiyang sumagot.
“Sige sumama ka na samin.” nakangiti ‘ko siyang niyaya.
Pag labas namin ng room. Ang daming tao, dumeretso muna kami sa restroom para mag ayos. Pero si Maia laging nahuhuli. Feeling ko na o-OP siya samin.
“Uy Maia, okay ka lang?”
“Oo naman.”
“Gusto mo bang bumili? Sasamahan kita sa canteen.” pag-yayaya ko sa kanya.
“Hindi, sige okay lang. Hindi naman ako nagugutom eh.”
Maia’s POV…
Ang dami namang tao dito. Buong Pilipinas ba dito nag aaral? I mean, grabe, sa school namin hindi ganito eh. Siguro sa simula lang ‘to. Masasanay din ako.
Pag balik namin sa classroom umupo na kagad ako. Nakakahiya kasi na ako pa yung lumapit o makipag usap sa kanila. Pero bakit nga ba kailangan ‘kong mahiya? Tatratuhin ko na lang silang mga dati ko na kaklase, na mabilis ko malalapitan o magiging kakulitan. Mukha naman kasing mababait ‘tong mga bago ‘kong kaibigan eh. Sana maging masaya ‘tong school year na ‘to.
--END of CHAPTER--
--Stay Updated!--
*ShutTheFU*
