Kaibigan...
2nd day of school na. At late na naman ako. Hay nako, kailan ba ‘ko hindi late? Eh sa dati ‘kong school halos buong school year ako late.
Pag dating ko sa school, iba na yung section na nakalagay sa labas ng room ko. Hala ka! Nasan na ‘yung room namin? Binago na ata ‘yung mga classrooms. Bwisit naman! Naliligaw na ko, mas lalo na ‘kong late nito. Buti na lang nakita ko si Ella. Si Ella ay anak ng kaibigan ng mama ko na dati ng dito nag aaral. Kaya alam na niya halos ang pasikot-sikot dito at tsaka madali ko rin siyang nalalapitan.
“Uy Ella, ‘di ko alam kung saan room ko. Pwede mo ba ‘kong samahan?”
“Oo naman. Ano ba section mo? Ang alam ko kase lahat ng second year sa third floor na ‘yung classrooms.”
“Uhm, St. Anthony. Sige ha, thank you.” nakangiti ‘kong sinabi tsaka ako umakyat sa hagdan.
Humaripas na ‘ko ng takbo, kase alam ‘kong late na ko. Pero pag dating ko sa classroom konti pa lang kami at wala pa si Miss. Hay salamat! Hindi rin ako na late.
Pag upo ko, nag kekwentuhan na sila. Hala, anong gagawin ko? Ang saya saya nila tapos ako, eto walang kausap.
“Uy Maia, sali ka naman sa topic namin.”
sabi ni Andie.
Edi ‘yun nakisama muna ako sa kanila. Masaya pala silang kausap. Puro tawanan. Para rin silang mga dati kong kaibigan, parang in another dimension nga lang.
Nag simula na ang araw namin sa school. At marami rami na rin akong nakilalang kaklase. Kabilang na ‘dun si Breanne, Nicole, Andie, Ralph, Rick, James, Chris, Clare, Gail at Annie.
But unfortunately, nilipat sa Star Section si Clare at Gail. Pero okay lang, kase tuwing break at lunch time sa classroom namin sila kumakain. Sana tuloy tuloy ‘yung pag dami ng friends ko sa school.
Nag daan na ang ilang linggo at marami na rin akong kaibigan. Kahit sa ibang section, may kilala na rin ako! Oh diba, ganyan ako ka-friendly. Pero iba pa rin talaga pag ‘yung mga kaibigan ko, na madali ‘kong mabibiro. Kase dito pag nag jo-joke ako parang sa tingin ko ma o-offense sila. But I guess I’m wrong, kase madali silang paki-samahan.
Thursday na ngayon, cleaners din kame. Naiwan kaming Ecological Committee. Pero may isa kaming classmate na natira., si Eco. Hindi naman siya nag pagulo sa pag lilinis. In fact, tumulong pa siya.
Eco’s POV…
Iniwan na ‘ko nila Arnold. Tutulong na lang muna ako sa mga cleaners. Tsaka nandun ‘yung bago naming classmate. Baka maging close kami.
“Uuwi na ba kayo?” tanong ko sa kanila.
“Hindi pa eh. Pag katapos pa namin mag linis.” sagot ni Ralph.
“Eh ikaw Maia? Anong oras ka uuwi? si Maia naman tinanong ko, habang nag wawalis siya.
“Ako? Siguro pag katapos ko mag walis. Kasi hinihintay na ‘ko ng mama ko sa labas.” sagot niya.
Madali lang pala siyang kausapin at kaibiganin. Hindi rin naman siya masungit, kaya madali ‘ko siyang nabibiro o nakakausap.
Tapos na silang mag linis, uuwi na rin ako. Pag uwi ko talaga mag oonline kaagad ako para ma-add ko siya sa Facebook.
*On Facebook*
Yats ü Ipsagel | Add as Friend (18 friends in common)
*Add as Friend* tae hihintayin ‘ko pang i-accept ako nito. -,-
“Yats ü Ipsagel accepted your friend request.”
Oh ‘yun! Online agad? Grabe ‘to. Mai-chat nga…
E: Hi! :)
M: Hello, are you one of my classmates?
E: Oo.
M: Ah! Ikaw ‘yung nakasalamin diba?
E: Hahaha! Oo ako nga. :))
M: Ah, kamusta? :)
*a few minutes later…*
M: Uy Eco, out na ‘ko ha! Bye. :)
E: Sige, ingat ka. Bye. :)
Haaay. Ang bait pala talaga ni Maia. Hindi siya tulad ng iba na masungit kahit ‘di ka pa kilala. Siya kasi kahit ‘di ka niya kilala. Parang ang turing niya sa’yo malapit na kaibigan. Tsaka nalaman ko din na mahilig pala siya sa OPM. Lalo na ‘yung mga rock. Isa na rin ang favorite band niya na Callalily. Sana maging close friends kami. She’s different, she’s extraordinary.
Maia’s POV…
Katatapos ko lang mag computer. Tapos in-add ko na rin ‘yung iba ‘kong classmates. Pero ang talagang naka-agaw ng pansin ko ay si James. Siya kasi ‘yung unang tao na napansin ko nung first day. Bukod sa maputi, gwapo at matangkad siya, mahilig rin siyang mag patawa. He’s really funny. :))
Tapos ‘yun nga. Tinignan ko na ‘yung mga Profile Pictures niya. Haaaaaay! Ang cute niya talaga. :’) Tae, crush ko na ata si James! Sana ‘di niya mapansin, kasi alam ‘kong iba ang gusto niya.
--END of CHAPTER---
--Stay Updated--
*ShutTheFU*
