Lesson 7
PROCESS
( In Progress pa kami eh )
Hay nako ke haba-haba ng proseso ng pagibig sa bastedan naman pala ang pupuntahan
meron prosesso ang pagibig
love at first sight ==> inlove ==> ligaw ( unless you a torpe ) ==> it's complicated ==> busted ( Epic fail !!! )
ganun ka simple pero matagal ang loading niyan
gayun pa man kung mapapansin niyo sa proseso iisa lang ang pinuntahan at yun ang bastedan
Sa pagbusted mas masakit ang maging friendzone pa yan kasi yang crush mo ay tinawag ka pang kaibigan pero ang totoo ayaw niya talaga sayo
Dapat pagumiibig ka dapat gamitin ang utak at paganahin ang common sense para mabilis makaiwas sa masamang mangyayari pagnakakita kaagad ng isang rejection sign na kaagad yun pagnakarami na wag mo na ituloy ang proseso masama lang ang mangyayari niyan
Para sa mga girls
Girl pag yang manliligaw mo ay di ka sinusukuan dahil sa grabeng rejection mo ayyy na ko sagutin mo na siya ang mga ganyang tao ay rare sila ang nakakaunawa sa tunay na katapatan sa kanilang minamahal dapat sila ay pinapahalagahan at di dapat dedmahin dahil sila ang magbibigay sayo na tunay na true love
please girls wag po niyo po sasaktan ang manliligaw niyo "they don't deserve it" ang saktan niyo lang ang nanakit sa inyong puso
Pero girls kung ka-gwapuhan niyo lang ang hanap niyo sa lalaki please wag niyo nang sagutin dapat kilatisin mo muna tulad ng sense of responsibility dahil di sapat ang gwapo lang
Wag na hintayin ang warning shot ng babae umiwas hangga't maari
- MR.PaPa Cologne
Kung mag mamahal ka wag ka manghihinayang o magdadalawang isip
-MR.PaPa Cologne
Crush ka ng crush mo imahinasyon
- S.squarepants
Kasama sa love life ang masaktan talagang meron talaga niyan parte ito ng pagkatuto o experience ng isang tao hindi ito talaga maiiwasan pag nasa relasyon ka nandiyan ung tampuhan,di pagkakaintindihan,pag-aaway at wag naman sana mangyari ay yung pananakit
Meron mga reasons kung bakit nagkakatampuhan ang mga nasa relasyon
1. Parehas nilang di sinusuko ang kanilang pride ( pag nagmamahal tanggalin ang pride yan ang susi sa true love )
2. bato ng bato ng masasakit na salita sa isa't isa ( isa rin sa mga dahilan kung bakit sila nagkakatampuhan dahil sa maiingay na bangayan kaya di sila nagkakaintindihan )
3. nag dedeny pa nahuli na nga eh ( yan pag mga lalake ang nahuli nagdedeny pa )
4. ang mga lalaki madalas mag-sinungaling pero ang babae magaling magsinungaling
5. di sigurado sa kanilang hinala ( tandaan kailangan ng confirmation bago umimik kumbaga maghuhula ka ng paratang mo )
Dapat mapagsalamat ka sa nanakit sa puso mo dahil ipinapahiwatig niya na wag ka magmahal ng katulad niya
-MR.PaPa Cologne
Ang tunay na love ay di nalalaman ito ay basta sumosulpot na lang
-MR.PaPa Cologne
Wag ka matakot na ibigay ang lahat ng pagmamahal mo sa kanya hindi naman ikaw ang mawawalan ang totoo siya ang mawawalan dahil sinayang niya lang pagkakataon na meron kayo sa isa't isa
- MR.PaPa Cologne
Pag its complicated pa kayo ayyy na ko basted na ang ibig sabihin niyan ayaw niya lang sabihin sayo kaya iwas ka na diyan pag-ganyan
-MR.PaPa Cologne
Paano pag di ka niya type ano ba ang mga dahilan kung bakit ayaw niya sayo simple lang ito ang mga kadahilanan kung bakit sawi ka sa kanya
1. Panget ka wag mo na i-deny ( alam mo walang babae o lalaki na walang taste sa kanilang nagugustuhan di sila atat na mag-karelasyon kung walang quality ang itsura yan ang number 1 na hinahanap ng mga tao sa kanilang nagugustuhan )
2. Di ka nag-eexist sa mata niya o isip niya ( maaring maganda naman ang ugali,itsura,taste at takbo ng career mo ang problema ay yung di ka lang talaga niya na papansin )
3. Ayusin mo ang ugali mo ( baka yun lang talaga ang mali sayo kaya baguhin mo )
4. Maaring may crush siyang iba ( wag mo na pilitin ang mga ganyan tandaan wag magpakatanga sa taong di ka naman mahal )
5. Maaring gusto niyang pahalagan ang friendship ninyong dalawa ( ARAY !!!! ang sakit niyan friendzone bakit di na lang kasi sabihin niya na ayaw niya sayo ginawa ka pang kaibigan tsaka aanhin mo ang kasweetan niyong dalawa kung hanggang friends lang kayo )
6. Baduy ka ( maganda o pogi naman ang face mo pero ang life style at pananaw mo sa buhay mo ay panget )
7. Maaring may characteristic ka na ayaw niya ( para yang may balat sa pwet yan yung pinagmumulan ng kamalasan pero no-offense sa mga taong may balat sa pwet )
8. Pinagkakaisahan ka ng kaibigan ng crush mo ( maaring gusto ko ka niya pero yang mga kaibigan niya ay nagrerequest na wag kang sagutin maari kasi na may bad image ka sa mga kaibigan niya )
9. Maari na may relasyon na siya ( kapag ganyan hintayin na hanggang mag-break sila )
10. Ayaw niya lang talaga sayo ( Maari ka si na ayaw niya pa ng isang seryosong relasyon o ayaw niyang masaktan kaya maghalaga ang understanding pag-umiibig eh ikaw na mismo ang mag-let go )
Kung mahal ka talaga ng isang tao hahanap at hahanap siya ng oras na kayo lang ang dalawang ang magkasama at kung wala siyang oras ay wag mo na siyang mahalin pa dahil pinapahalagahan mo lang ang taong wala naman pagpapahalaga sayo
-MR.PaPa Cologne
Mag real talkan tayo dito ayaw ka na niya at yun ang totoo
-MR.PaPa Cologne
Pagnagmamahal ka sa isang tao wag ibigay ang pinaka todong effort mo para sa kanya magtira ka ng unting respeto sa sarili mo para pag nabusted ka at least di ka nagpagka-alipin sa kanya
BINABASA MO ANG
I.L.Y.V.M.M.N.M.K - ( Ang babasahin na para sa mga umiibig ) by : Mr.PaPacologne
Non-FictionI.L.Y.M.M.N.M.K - (Ang babasahin na para sa mga umiibig ) ( ang sino bumasa nito ay magmumukhang matalino at maaring may pag-asa ka pa sa kanya ) ito si Mr.PaPa Cologne ang cologne na sagot sa inyong problema sa mga babae o lalaki sa babasahin na...