All About CHRIS...

129 4 2
                                    

Pagkatapos ng mga nangyari ay bigla ko naisip ang bestfriend kong si clarissa. Pano ko yun sasabihin sakanya?? Pero hindi pa naman kami, kaya hindi ko na muna sasabihin sakanya ang mga nagyari. Siguradong magagalit yun saakin. 

Lectio Divina nun nung umupo ako sa likod ni chris at katabi nina aliyah at arianna, kasi ayoko dun sa proper seat ko, wala ako masyadong kausap. Ayoko naman maging "LONER" pero maganda din dun kasi nasa harapan ko lang si mike, minsan nag-uusap kami pero puro mga laitan lang ang pinag-uusapan namin. 

Minsan ako ang lumilipat dun kina chris, aliyah, at arianna, minsan naman si chris ang lumilipat sa katabi ko. Medyo nakakahalata na ang iba saamin kaya tanong sila ng tanong kung "Kami na daw" siyempre ang sagot ko ay hindi, alangan man sabihin kong OO eh hindi pa naman talaga. Yung iba naman sinasabi na "BAGAY" daw kami, kasi parehas daw kami maputi... Sus! Mas maputi naman sakin si chris, palibhasa bakla. HAHAHAHAHA. (JOKE LANG!) Sadyang mistiso lang talaga si chris, kaya siya maputi. Kasi sabi niya sakin, hindi daw siya masyadong lumalabas ng bahay kapag lumalabas naman siya ay halos takip na ang buong katawan. Ayaw niya kasing mainitan, sobra ang kaartehan diba?? 

Pero, kahit ganun si chris medyo nahuhulog na ako sakanya (pero hindi ko pa naman sigurado). Ang nakakaalam lang ay sina aliyah at arianna. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog kay chris? Na GWAPO, MABAIT, CONCERN, PALAGING MABANGO, MATANGKAD, MALAMBOT ANG KAMAY (Ako palang ata ang nakakahawak ng kamay niya, as in hawak hindi yung nadaplis lang.), MEDYO MAGANDA ANG VOICE. Nung una kong narinig ang bosses niya, ang kinanta niya ay "With A Smile" malungkot kasi ako nung mga oras na yun. Kasi nga meron ako, kaya masakit ang tiyan ko. 

Si chris ang taong kahit may pagka makulit, mangchuchupe (mang-iindian) para talaga siyang babae, pero kahit ganun yan iba pa din siya sa ibang lalake na bastos. Oo, may pagka bastos din siya kasi sinasabi niya talaga sayo harap-harapan kung nakikita na ang cleavage mo o kung tala na ang bra. Pero pasalamat padin kami kasi atleast sinasabi niya, nasa in good purpose din naman siya kaya niya yun sinabi.

Ngayong alam niyo na ang ugali ni chris, ano? sasagutin ko ba siya?? hmmm...

[Salamat!]

Manhid ka lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon