CHAPTER 2- Start the day right.

155 3 2
                                    

haaaay! one week na after ng klase ko as SENIOR.one week na rin after kong na meet yung ABNORMAL na taong sinabat ako habang na-speech sa harapan... YUNG TOTOO?! bastusan?!

"ateee!!! halikana! aalis na kami!" sigaw ng pinsan ko. makikisabay kasi ako papuntang school. may pupuntahan si mama kaya hindi nya kami mahahatid sa school. oo. may kapatid ako. hinahatid siya kayasumasabay ako.

"oo nandyan na!" as usual, late ako. kaya sasakay ako sa likod ng tricycle. hindi ako sanay pero mas gusto ko dun. MAHANGIN EHH. xD

sumakay ako sa likod at inayos yung palda ko...FEEL NA FEEL KO YUNG HANGIN.

malapit na kami sa school. agad naman akong bumaba at nilakad na lang. iba kasi yung school ng pinsan ko. medyo malayo pa kaya bumaba na lang ako sa kanto.

*BEEEEEP*

"ANAK NG TETENG!" napasigaw ako. although pangit marinig yun sa babae...

ang ganda ng araw ko tapos biglang may susulpot ng kotse sa likuran ko.. ANO BA? tao ba ako sa kanya o hindi? may pagkabaliw to!

wala naman ako sa maling daanan. nasa gilid naman ako. haaay mga tao!

sinundan ko ng tingin yung kotse, dumeretso sa school...

HULI KA NGAYON. kung sino mang may ari ng sasakyan na yan, PAPATAYIN KO!

hinintay kong bumaba ang taong nakasakay. ang tagaaal! nagring na yung bell...

HAHAYAAN KITA NGAYON. pero mahuhuli rin kita.

agad naman akong tumako sa quad. baka mahuli ako sa flag ceremony, magagalit pa si ma'am sa akin.

*classroom*

"o bakit ang lalim yata ng iniisip mo?" sabi ni joyce sa akin. still, parang wala akong narinig. nakatingin lang ako sa blackboard. MUKHANG GALIT.

"Lyra! yung mukha mo, lalong dumadami yung FOLDS!" sabi ni William sa akin.

"tsee! inggit ka lang kasi kahit galit ako, mukha parin akong maganda!" LOOOLS! hindi ko naman sinasadya yan... pambawi lang sa kanya. ganyan ang bestfriends ehh. inaasar ka na, aasarin mo pa ulit.

"LOKO! kung cute ka kahit na galit, bakit walang tumatabi sayo?" sabat nya.

lumingon ako...wala nga akong katabi... parang iniwanan ako ahh...buti na lang pala tumabi si Joyce sa akin.

*skip na tayo!* CLASS OFFICER ELECTIONS.

hindi ko inakala na ako yung magiging president ng classroom namin. hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na magaling maglead ng mga members.

i was elected as President, si william ang vice at si Joyce ang secretary... na-invade ng barkada ang officers ahh....

sa simula ng araw ko as president, gumawa ako ng mga rules sa kanila.

"bilang president ng classroom na to, sana naman, sundin nyo ang mga inuutos ko o ang mga patakaran na gagawin natin sa araw na ito." sabi ko. as usual, walang nakikinig.

"GUYS! MAKINIG NAMAN KAYO!" sigaw ni william...

*cricket sounds* ang tahimik nila. i still dont think na deserve ko tong role na to.

dun ko na sinabi yung mga gusto kong sabihin. thanks to william, natapos ng maayos yung meeting de avance.

UWIAN.

"uuwi na ako ha?" paalam ni joyce sa akin... nagpaiwan ako kasi kailangan ko pang ayusin ang mga bagay bagay sa classroom.

soundtrip!!!!

(manhid ka-vice ganda)

feel na feel ko yung kanta. nakakarelate kasi. YUNG CRUSH KONG ABNORMAL. ayaw akong pansinin... tsk.

walis dito... walis doon...

sabay kanta sa music.

(RED- TAYLOR SWIFT)

AYUN O! favorite song! nakigaya ako...ginaya ko yung sa music video nya at NAG HEADBANG!

"anong ginagawa mo? nasasapian ka?" biglang sabi ng taong nasa pintuan.

owwshet! nakita ako! pano na to?

"wala." nang lumingon ako, its that tall guy last week.

"kanina ka pa nandyan?" dagdag ko.

tumango naman sya. NAKOOO! patay na! i can feel my cheecks turning redish in color.

"hindi ka pa ba uuwi? umuulan na." sabi nya.

"ah ehh. pauwi na. teka, bakit ka nandito? dapat kanina ka pa nakauwi ahh"

"nagdota kasi ako. tapos napansin kong nakabukas yung bintana ng classroom na bukas, isasara ko sana ng makita kitang nagwawala dito, magsusumbong na sana ako."

abaa! nangasar pa!

"hindi ako nagwawala no." sabi ko at umalis na. sinara ang classroom at naglakad papuntang gate,

aaawwwkwaard! ang tahimik. hindi ko naman kasi maimgine na makakausap ko ang pinaka tahimik sa classroom.

"sige dito na ako." sabi ko. at umalis na siya....... hindi.. nakaalis na pala... wow ahh.. nagmukha akong tanga dun.

hinalungkat ko yung bag ko pero wala dun yung payong ko... shiitake mushrooms!

kaya ko to. tatakbuhin ko na lang yung jeep. malapit naman ehh tapos hindi pa naman malakas yung ulan.

nandyan na yung jeep na dadaan sa bahay. shiitake mushrooms! lumakas yung ulan. hindi ako makasakay. mababasa yung mga libro ko. hindi ko nman pwedeng iwanan, may quiz pa ako bukas.

haaay! no choice! mabasa na kung mabasa!

tatakbuhin ko na sana ehh.. kaso may humarang na kotse... tssk... kanina ka pa...

yung kotse na sinundan ko kaninang umaga... nakakaBV naman o!

bumukas yung pinto ng kotse at may payong na bumukas. papalapit sa akin.

"halikana. sakay ka na sa amin. ihahatid ka na lang namin, napansin ko kasing wala kang payong." sabi nung lalake. yung lalakeng nakausap ko kanina lang.

"ayaw ko... nakakahiya naman sayo."

"no. i insist. mababasa ka pa ehh." wow ahh.. may concerned sa akin. 'whaat? nagbubulsh? hindi pwede.

pumayag ako. nagshare kami sa payong papunta ng kotse nila. siya yung naghahawak ng payong kasi matangkad. hahaha!

ayun na ehh.. malapit na kami sa kotse nya. tuyo pa kaso bigla namang dumaan yung isang kotse sa amin.

shiitake mushrooms! ako pa yata ang mababasa!

*TO BE CONTINUED!

Teaching Mr. AnnoyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon