Chapter 7 A Roadtrip To Happiness Part 2

0 0 0
                                    

Pagdating namin sa place. Na-intriga ako sa surprise sa akin ni Hiro. Paano naman, may nalalaman pa kasing blindfold itong si Hiro. Pero inaamin ko, I was also excited.

"Hiro, ano ba 'to? Saan mo ba 'ko dadalhin?" Tanong ko.

" Hindi ba, sabi ko sa 'yo... I'll help you conquer your fear." Sagot niya.

I felt scared. OMG! Tama ba ang dinig ko? Fear?!

"Hala! Wala namang ganyanan! Ano'ng binabalak mo?", pasigaw kong tanong kay Hiro.

My knees were shaking. Lalo na nang tinatanggal na ni Hiro ang blindfold ko! And to my surprise... Nasa taas kami ng light house!!!

"Oh my! Ayoko dito! Umalis na tayo, Hiro! You know I'm afraid of heights...", sigaw ko.

But Hiro took my hand and he looked at me.

"Don't panic...'di ba, sabi ko naman sa 'yo... I will always be here... Kapag pagod ka, mayroon kang masasandalan. Kapag natumba ka, may sasalo sa 'yo. Kapag malungkot ka, may magpapangiti sa 'yo. At kapag natatakot, may magpo-protekta sa 'yo.", Hiro said while he was looking at me.

Oh, my God, Hiro... That's the most beautiful thing I've ever heard in my entire life. I'm very touched...

"Thank you, Hiro... Ako din, I will always be here for you. Pero sorry talaga... Kinakabahan lang talaga ako ngayon. Hindi talaga 'ko sanay sa matataas na lugar! Ba't mo ba kasi ako dinala dito?", I asked.

"Gusto ko kasing ipakita sa 'yo ito." Sabi niya, sabay turo sa view mula sa itaas ng light house.

It was breathtakingly beautiful, and I was speechless habang pinagmamasdan ko ang kamangha-manghang tanawin.

Dagdag pa ni Hiro, "Kung hahayaan mo ang sarili mo na palagi na lang matakot... hindi mo makikita ang lahat ng ito."

At tama siya. Unti-unting nagbabago ang kulay ng langit. Parang isang painting na gumagalaw. It was a scene of a perfect sunset I had always read about in books.

Then, at that moment, I realized na hindi na 'ko takot sa heights.

Hinarap ko si Hiro at nagpasalamat ako...

"Thanks, Hiro... thank you for bringing me here... Kung hindi dahil sa 'yo... kung hindi mo 'ko pinush na labanan ang takot ko, hindi ko makikita ang magandang view na 'to."

Ngumiti lang si Hiro. Hinawakan niya ang mga kamay ko at sabay naming pinagmasdan ang paglubog ng araw. It was so romantic. The view was great. I didn't want the moment to end. Pero hindi pa pala tapos ang mga surprise ni Hiro.

May kinuha siya sa bulsa niya and when I looked at it, bracelet ang hawak niya. Isinuot niya iyon sa kamay ko.

"Eto ang prize mo dahil na-conquer mo ang fear mo. Ipapaalala nito sa 'yo na hindi ka na dapat matakot. Hangga't magkasama tayo... ang imposible, gagawin kong posible. Ganun ka ka-importante sa akin."

Oh, Hiro... napaka-romantic mo talaga.

"Thank you, Hiro", sabi ko sa kanya.

Halos maiyak ako sa gesture ni Hiro. And because of so much happiness, napayakap ako sa kanya! Now I know, with Hiro by my side, I will never feel alone.


Diary Of A Queen BeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon