Chapter 1

8 0 0
                                    

Royce' POV

"WHAT?!! Are you on drugs? Sinong gagawa niyan?!" Sigaw ni Jerin. Maka react tong isa. Nasobrahan sa pagka-OA.

"Wait guys. Process. Processing." Sabi ni Seicka with matching hawak pa sa ulo niya.

"Dali na guys! Para exciting naman. " Tong isang to. Masasabunutan ko to si Rhiane eh.

Bakasyon ngayon. Nandito sila sa bahay para makigulo. Nag-uusap kami kung saan kami mag-aaral ngayong year at napakaewan talaga ng suggestion ni Rhiane. Gusto niya sa school ng mga boys. Duh.

Nga pala. My name is Royce Eidelle Audens. Elle for short. Yung OA maka react kanina ay si Jerin Eunice Neiro. Yung isa ay si Seicka Ann Madeelon.
Yung nagsuggest ng super ewan ay si Rhiane Amethis Vallejo.

A/N: Their names pronounce as:
Yung kay Royce (Roys Ey-del O-dens)
Jerin ( Jerin Eunice Ney-ro)
Seicka ( Sey-ka Ann Ma-di-lon)
Rhiane ( Rhiane A-me-tis Vallejo)

Sinadya ko talaga na ganyan yung spelling para masundan niyo yung letter. Baka mamisinterpret niyo yung names. Kaya ginawa ko na para maiwasan ang confusions. Thanks.

"Sigurado ka talaga sa gusto mong mangyare ha? Rhiane?" Tanong ni Seicka kay Rhiane.

"Yep! Para coooooool."

"Cool-coolin mo mukha mo diyan. Eh kung tadyakin kaya kita diyan palabas ng bahay?" pananakot ko sa kanya. Alam ko namang sasagot yan eh.

"Ha?Bakit mo naman ako sisipain ha? Aber? "

"Para coooool. "

Bigla kaming nagtawanan ng malakas na akala mo wala ng bukas. Kita mo mga to. Grabe.

"Tama na guys. Tigilan niyo nga yan." sita samin ni Seicka na kasalukuyang nagbabasa.

"Grabe girls, you two.... haha.... never fail to make our day...... not to laugh. " sabi ni Jerin na natatawa pa rin.

"We're so great! Hahahaha." Sabi sakin ni Rhiane at nag-apir kami.

Napatingin kami kina Seicka. Nagpipigil ng tawa ang mga bruha.

"What's funny?" curious na tanong ni Rhiane.

"I just.... remember the scene ..... awhile ago.... hahahaha." And the two  burst out in laughing.

Bipolar talaga mga tao dito. Kanina sobrang sungit at ang tahimik. Ngayon tawa ng tawa. Kanina kami nagpapatawa ngayon seryosong nakatingin sa kanila. Nang nahimasmasan na si Jerin ay tumigil na siya.

Hay. Si Jerin. Siya yung tipo na sobrang taray talaga. Akala mo laging may problema sa buhay. Fierce pati. Lagi nakataas kilay. Pero kung ano ang kinasobrang taray niya ay ang sobrang bait niya. Mabait siya. Oo. Ganyan lang talaga yan.

Sumunod si Seicka. Nako, ang pinakamatalino sa aming apat. Bookworm yan. Pero ang sungit niyan. Parang laging may dalaw. Ayaw niyang pinapakialaman mo siya kapag nagbabasa yan kundi nako, gegerahin ka niyan. At! ayaw niyang guluhin mga gamit niya, especially books. Kesyo ayaw niya mapunit, maalikabukan,mabagsak, magusot, etc.

Kaya nga one time, nakita niya lang yung book niya sa Math na nakapatong sa table ko kasi hiniram ko, nagwala siya kasi nalaglagan ng chichirya yung cover nung book. Oo ganon siya kasensitive sa gamit niya. Kaya nga hindi na talaga kami humihiram ng libro diyan. Pero mahal namin yan.

Next is Rhiane. Siya yung minsan talaga pasaway at napakadaldal. Pero dakilang pilosopa, at nambabara yan. Kapag nakipagsagutan ka pa sa kanya hindi ka niya titigilan. Palengkera yan minsan. Sobrang OA na akala mo bongga ang nangyare. Pero siya yung taong may sense of fashion. Well, lahat naman kami eh. Passion is fashion. May pakialam naman yan sa schoolworks. Masisipag ata kami.

The Four Ladies In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon