Chapter 2

4 0 0
                                    

Rhiane's POV

"It's simple. Fight back while you are in disguise. Magdi-disguise kayo ng pang-boys."

Ha? Seryoso talaga to? Kami? Magdidisguise? Grabehan na to.

"Pano yun ma'am? Magpapagupit kami? Papalitan namin ang names namin? Magsusuot kami ng uniform ng boys? " sunod-sunod na tanong ni Royce.

" Hindi na kayo magpapagupit. Sa pasukan, kaming mga teachers na bahala dun. Mag-cap lang kayo. Hindi niyo na kailangan palitan pangalan niyo. Gagawa lang kayo ng pangboy na pangalan para pantawag lang sa recitations, etc. Pero kapag may mga test, mismong pangalan niyo na ang ilalagay niyo. Don't worry kung akala niyo malalaman nila ang pangalan niyo. Hindi naman uso dito ang exchanging papers. Teachers na bahala dun. At final, magsusuot kayo ng boys' uniform."

Napatayo ako. "Ma'am, it seems you know what to do na. Paano po? Nakapagplano agad kayo." Tanong ko. Pasensya na. Inaatake lang ako ng curiousity ko.

"Actually, iha, ako ang unang nakabasa sa site na yun. Tinignan ko mga pangalan niyo and obviously, mga babae. Kaya naisip ko, hindi naman nila titignan yun kung hindi sila interesado. Kaya may plano agad ako kung pupunta kayo dito. "

"And how come na ang dali lang para sa inyo na gawin yun?"tanong ni Jerin.

"Oh. I forgot pala. I'm the principal here. Sorry mga iha. I'm Ms. Mildred Smith. At kami nga ang may-ari ng school na ito. Kahit ako ang principal wala din akong magawa para pigilan ang bullying na pinamumunuan ng magaling kong anak."

"Anak?" Sabay na tanong naming apat.

"Yes. At kung ma-encounter niyo sila, pabayaan niyo muna, stick to the plan muna tayo."

"Eh sino po ba yung anak niyo?" Dahil sa tanong ni Royce, tinignan namin siya ng nakakaloko.

"Uuyyy!! Tinatanong niya oh!" Pang-aasar ko.

"Che! Manahimik nga! Masama ba magtanong?"

"Uyy! Defensive!" Sigaw naming tatlo kay Royce kaya natawa mga teachers sa amin.

"His name is ay! Wait muna. Background muna nila ang pag-usapan natin." Sabi ni Ma'am.

" Tsk! Pabitin si ma'am." Rinig kong bulong ni Royce. Dahil isa akong palengkera, alam na.

"Ma'am, pabitin daw po kayo sabi ni Royce!"

"O-oy! Anong sinasabi mo diyan?" Tignan mo 'to. Aamin na lang mauutal pa.

"Huy! Manahimik nga muna kayo. Background checking muna tayo." Saway samin ni Seicka.

Nagsimula nang magkwento si Ms. Mildred.

"Okay. So dahil wala namang masyadong nakakaalam ng tungkol sa kanila, ako na magkwekwento. Actually, apat sila. Ang anak ko ang ginawang leader. Ewan ko ba sa kanila. Unahin natin si Marvin Dave Lim. Siya ang pinakamatalino sa kanilang apat. Dahil magfo-fourth year na, I guess siya ang gagawing candidate for being valedictorian. And then --"

" Ma'am, pwede rin po ba transferee maging candidate? " tanong ni Seicka. Nako, may balak na naman 'to maging valedictorian.

"Bakit Ms. Madeelon? May balak ka bang labanan siya?"

"Opo sana."

"Nasan ang pala ang envelopes niyo?"

"Eto po." Inabot na ni Royce yung envelopes.

Tinignan ni Miss yung envelopes namin. Nung kay Seicka na yung tinignan....

"Wow. Ms. Madeelon? How did you get this high grades?" Manghang tanong ni Miss.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Four Ladies In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon