Can't Move On

51 6 5
                                    

Nagpagulong gulong ako sa may kama ko. Ang tagal naman nyang puntahan ako. Kanina pa ako naghihintay sa kanya eh. Bakit wala pa rin sya?

Siguro natraffic lang sya sa daan. Rush hour kasi kaya siguro ganun.

Umupo ako sa may kama ko at tinignan ang paligid na puro puti. Puti ang sahig, puti ang kisame pati pader. Ano ba naman tong kulay ng kwarto ko, naaasiwa ako. Wala man lang kalaman laman tong kwarto ko, makabili nga mamaya ng mga gamit na kakailanganin. Pati damit ko ay puro puti rin na bestida, try ko naman kaya ang ibang kulay?

Napahawak ako sa ulo ko, kumikirot na naman ito. Siguro gutom lang to kaya kailangan ko nang kumain. Nasan na ba si yaya at wala pa ring binibigay saking pagkain rito? Kay tamad talaga nun.

May biglang bumukas ng kwarto ko at bumungad sakin ang mala-anghel na mukha ng aking kasintahan. Nginitian nya ako ng pagkatamis tamis, "Fiona." Banggit nya sa pangalan ko.

Mabilis akong tumayo at nginitian din sya ng malawak, "Drake!" Kasabay ng pagtakbo ko papunta sa kanya. Tumalon ako ng konti dahil sa tangkad nya tsaka sya niyakap ng mahigpit, niyakap din nya ako pabalik, "Alam mo bang nag alala ako sayo? Akala ko hindi kana makakapunta eh."

Tumawa sya tsaka kumawala sa yakap ko, "Kamusta kana?"

"Okay naman ako mula nung dumating ka." Sagot ko. Umupo na kami sa may kama ko.

"Mabuti naman kung ganun." Hinalikan nya ako sa noo tsaka nya ulit ako nginitian. Nakaka-in love talaga ang mga ngiti nya, kahit ang mga galaw nya ay nakakapagpalakas ng pagtibok ng puso ko.
Hinawi nya ang ilang hibla ng buhok ko papunta sa may likod ng tenga ko. Tinitigan nya ako.

Ang gaganda ng kulay kape nyang mga mata, ang makinis nyang mukha, matangos na ilong, at ang labi nya na ang sarap halikan. Nakakabaliw at nakakapanindig balahibo ang kanyang ginagawa.

Dahan dahang lumapit ang mukha nya sakin at tsaka nya ipinikit ang kanyang mga mata upang halikan ako. Ipinikit ko na rin ang aking mga mata para sa paghahanda sa halik nya. Agad kong naramdaman ang malalambot nyang mga labi. Parang may sumasabog na iba't ibang emosyon sa loob ng katawan ko. Nakakapang init ng katawan ang kanyang mga halik.

Humiwalay sya sa pagitan ng paghahalikan namin, at nginitian nya na naman ako, nanlalambot na talaga ako, "Magsi-CR lang ako." Paalam nya sakin tsaka muling tumayo at naglakad.

Muli akong napabusangot. Pabiten naman sya eh. Hininto nya pa talaga. Hay nako. Humalukipkip ako habang tinititigan sya habang palabas sya ng kwarto ko. Malapad na likod palang nya, nakakabaliw na.

Muli na ulit sumarado ang pinto. Magisa na naman akong nakakulong sa kwarto ko. Nakakabagot dito mula nung lumipat ako sa kwartong to.

Bigla ulit bumukas ang pinto. Napangiti ako at umaasang si Drake ulit ang pumasok sa kwarto ko. Pero natigilan ako nang may babaeng nakaputing suot ang pumasok. Hindi sya katulad sa suot ko na dress dahil naka slocks itong puti at puting blouse. Si yaya, nandito na.

Tinawag ko na syang yaya, dahil lagi nya akong dinadalhan ng pagkain dito at kung anu anong mga gamot. Drugs ata?

Wala syang hawak na tray ng pagkain ko, ano naman kaya ang sasabihin nya sakin? Bakit sya nandito?

Napatulala ako nang may kasunod pa syang ibang babae. Tinitigan ko lang ito, nakasuot sya ng magandang orange dress at may dalang bag. Si Dina. Ano na naman kailangan sakin ng babaeng to?

Huminto sila sa may di kalayuan sa harap ko habang pinagmamasdan nila ako.

"Kamusta sya dito?" Tanong ni Dina sa yaya ko. Ang kapal rin pala nitong mangamusta sakin eh no?

"Patuloy pa rin ang paggagamot nya Ma'am. Madalas pa rin po syang nagsasalita mag isa." Sagot naman ng yaya ko habang nakatingin saien.

Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa kanila. Di ko alam kung bakit ang weird ng mga tingin nila sakin o kung ano man ang pinaguusapan nila. Ano bang ginagawa nila dito?

Nilingon ako ni Dina at muli nya akong nilapitan. Umupo sya sa upuan sa harap ko. Seryoso sya pero parang may galit syang itinatago, "Fiona--"

"Hinahanap mo ba ang asawa mo? Kalalabas nya lang kanina, siguro nagtago. Ayaw ka kasi nyang makita." Sarkastiko kong pagpuputol sa kanya.

Kinunotan nya ako noo, "Matagal nang patay si Drake. Diba nga pinatay mo sya?" Mataray na may namumuong galit sa kanyang mukha.

Naalala ko bigla ang mga nangyari noon kung paano ako nagmakaawa kay Drake para lang wag nya akong iwan at manatili lang sa tabi ko. Pero mas pinili pa nya si Dina kesa sakin. Porket ba kabit ako at asawa nya si Dina? Nagmahal lang naman ako.

Napakuyom ako ng kamao na nakapatong sa bestidang suot ko. Nginitian ko sya, "Hindi ko sya pinatay. Ginawa ko yun para lang matauhan sya." Sagot ko.

".... Pinutol mo ang ulo nya, anong tawag mo dun?"

"Hindi ko nga sabi sya pinatay eh. Kausap ko pa nga sya kanina eh, lumabas lang sya kasi ayaw ka nyang makita!" Bulyaw ko tsaka tumawa ng pagkalakas lakas.

Tumayo ako at naglakad papuntang pinto palabas ng kwarto, kaso agad akong pinigilan ni yaya at hinawakan ako sa mga braso.

Tinuro ko ang pinto at tiningnan si yaya, "Hahanapin ko lang si Drake."

Hindi ako pinansin ni yaya at patuloy pa rin pagpigil sakin lumabas. Ano bang problema nila ha?!

Nagpumiglas ako at pilit na kumakawala sa mga hawak nya.

"Drake! Drake! Magpakita ka! Ayaw nila maniwala sakin na buhay ka oh!" Bulyaw ko. Tumawa ako ng malakas, bakit ayaw nilang maniwala sakin? Totoo kaya ang sinasabi ko!

"Bitawan mo nga ako!" Siniko ko si yaya kaya napadaing sya sa sakit at nabitawan ako. Hahahaha! Mamatay ka sa sakit!

May pumasok ulit bigla sa kwarto ko, isang lalaking kaparehas ng suot ni yaya. Pinilit nya akong umupo sa kama, masyado syang malakas kaya napasunod ako. Tinitigan ko sya ng masama nang makaupo ako pero agad ulit akong ngumiti sa kanya. Hinaplos ko ang mga pisngi nya, "Drake? Ikaw na ba yan?"

Tinanggal nya ang pagkakahaplos ko at hindi ako pinansin.

Lumingon sya kay Dina na nakaupo pa rin sa harap ko, "Ma'am, alis na po tayo dito."

Nagdilim ang paningin ko kay Dina at muli syang sinugod. Sinabunutan ko sya, "Kasalanan mo to eh! Pinili ka na naman ni Drake! Nakakainis ka! Dapat ka ring putulan ng ulo!" Tumawa ako ng malakas at pinagkakalmot sya sa balat.

"Aahh!! Let go of me!" Sigaw nya. Inilayo sya ng lalaki sakin.

"Nababaliw pa rin talaga sya." Bulong nya habang nakatingin sakin ng masama at agad na lumabas ng kwarto ang tatlo.

Nakakaasar sila!

Mula nang lumipat ako ng bahay, lagi na akong nakakulong sa kwartong to. Mga baliw talaga sila.

Agad na sumakit na naman ang ulo.

"Fiona."

Napalingon ako sa tabi ko at nakita si Drake na nakangiti. Bigla nalang syang sumulpot na parang kabute. Sabi na nga ba at hindi sya patay eh. Nakikita at nakakausap ko pa rin sya.

"Saan ka na naman ba nagpunta Drake? Alam mo bang sabi ng asawa mo patay kana?" Tanong ko.

Nginitian nya ako, ang palaging gusto kong makita. "Oo, patay na patay sayo."

Niyakap ko sya na para bang hangin lang ang kayakap ko, at least nasa tabi ko pa rin sya, "Wag mo na akong iiwan ha? Akin ka lang. Akin lang."

Can't Move OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon