Chapter 13- Getting to know each other

1 0 0
                                    

Trisha's POV

Hays, panibagong umaga na naman. Panibagong buhay, pangyayari. Di ko na gugustuhin pang balikan ang kahapon at di ko na gugustuhing maulit iyon. Sana naman hindi na talaga.

It's 5:00 in the morning. Actually, Sabado ngayon. And I'm on a free day. Ang aga ko lang nagising.

Pupunta na sana ako sa cr ng may kumatok, if i'm not mistaken, si daddy to.

"Trish?" tawag ni daddy. Pinagbuksan ko naman sya.

"Bakit dad? Diba dapat tulog pa kayo? Anong oras palang oh." sabi ko habang nag aayos ng kama.

Umupo naman si papa sa upuan ng study table ko.

"Nak, gusto lang sana kitang kausapin." sambit ni papa habang nakatanaw sa kawalan.

"About what?" tipid kong sagot. Ngayon inaayos ko naman ang aking mga libro. Lang magawa eh.

"About your staying on dorm. Nak, pasensya na. Alam kong ayaw mong mag iistay sa dorm at mas gugustuhin mong dito magstay pero i've decided. May girl dormitory naman sa inyo diba? Nag inquire na ako at nakareserve ka na" napatigil naman ako sa pag aayos at walang sabi na tumayo. Nakatungo lang si papa.

"Bakit dad? Ayaw nyo na bang nandito ako?" tanong ko.

Una sa lahat, ayokong nagdodorm. Masyadong delikado para sakin ang magstay sa ganung place. Pangalawa, gusto kong makasama ang family ko. At last, nandito ang mga gamit ko. Wala akong pake kung malalapit sakin yung school once na nagdorm ako pero mas gusto ko dito.

"Uuwi muna kami sa Korea ng kapatid mo.. Company problems lang.. Pansamantala lang to trish please? Pagkatapos, pwede ka nang umuwi dito." nakatungo paring sabi ni papa. Hayss.. Ano pa nga bang magagawa ko? Kahit ayaw ko kailangan.

"Okay. Excuse me pa, maliligo na ako." sabi ko ngunit pinigilan nya ako.

"Sandali lang nak. Wag mong isipin na di kita mahal. Kung hindi ko naman kailangan eh hindi ko to gagawin. Pero promise, siguro soon makakasama ka na sa korea with your siblings. Mahal na mahal kita nak. Nga pala, ngayon na pala magsisimula ang pag iistay mo, it's better na mag impake ka na.. Bukas na din kasi kami aalis.. Mag iingat ka doon ha? Maghanda ka na. Ihahatid ka namin. Baba na muna ako." Hindi na hinintay pa ni papa ang sagot ko at bumaba na. Mahal ko din naman si papa eh. Kaso why do we have to get at this point? Pumasok na ako sa CR at nagsimulang maligo.

After few minutes natapos na din ako sa pagligo at nakaimpake na din ako. Nakasakay na ako sa kotse at kasalukuyang nagdadrive papunta sa school.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami..

Di na ako nakapagbabye kay Tricyy kasi nakatulog sya. Kaya nagbabye nalang ako kay papa at kiniss sya. Tinanaw ko ang pag alis ng kotse nila..

Umakyat na ako sa Room 116 dahil doon daw ako nilagay.

Umakyat na ako at wow! Maayos infairness.

"Ikaw ba yung bago naming roomate?" sabi nung babaeng simple na nakablonde ang buhok na nakahiga. Mukhang kakagising lang nya.

Nagnod lang ako. Wait, where's my bed? Nga pala, 3 lang kami dito.

"If you're wondering where's your bed, there it is." turo nya sa isa pang king size bed na pink ang sapin. I really don't love pink. Dumiretso na ako sa kama at inayos na ang gamit ko at nilagay sa closet.

"Btw, My name is Tiffany Bradlyfeld. You can call me Tif." pakilala nung kausap ko kanina. Itinaas nya ang kamay nya na para bang makikipagshake hands. Tiningnan ko muna ito at saka ako nagrespond.

"And i'm Geliendrei Lalaine Montmary, you can call me Dreiyeah, Gelie, Lalaine, Lainy" biglang sulpot ng isang babae na kakagaling lang ng cr.

"Princess Trisha Trinidad" sabi ko. Nakita ko naman ang pagkagulat sa kanilang mga mata.

"Oh my g! ikaw yung nanalo sa Contest nung isang araw right! Can't believe!" sabi ni Geliendrei Lalaine.

Nagnod lang ako at humiga na sa kama.. Nang biglang nagring ang phone ko.

*Calling Evil Monster*

Ano na naman kayang kailangan nito? -.-"

Evil Monster: Trish we need to talk right now. I'll send you the address.

Me: About what?

Evil Monster: saka ko na sasabihin sayo. I need you in this situation. I know na palaban ka.

*Call ended*

Napaexhale nalang ako. After ng ilang minuto, nakatanggap ako ng text. Siguro yun na yung address.

Read:
Evil Monster: Blk 9, Sunliest Village, Maria Zamora street. 12 am.

Psh. Anong ganap? 12 am?! Godammit. Gusto ata nitong mamatay ako ng maaga. Tss.

"Trish? Is there any problem?" sabi ni lalaine na naglilinis ng kuko.

"Wala." tipid kong sagot.

"Kapag may problema ka, wag kang mahiyang magsabi samin. We are friends from now on." ani ni tiffany.

"You can consider me as your friend but sorry i don't trust anyone." walang emosyong sabi ko.

"Anyways, magma-mall kami ni Montmary mamaya, wanna' come?" sabi ni bradlyfeld. Well, ayokong mabored at magkulong dito sa malamig at mabahong dorm na ito kaya sasama nalang ako. Nagnod nalang ako sakanila bilang pagsang ayon.

"Dress up, we're going" sabi ni Montmary.

Bumangon naman agad si Gelie para magbihis. Si tiff naman, nagchange outfit na. I admit, they have a taste when it comes to fashion huh.

Oo nga pala, kailangan ko magdamit ng maayos para mamaya sa meet up namin ni Terrence.

Nakabihis naman na ako agad. at lumakad naman na kami.

After 30 minutes nakarating na kami.

Infairness, ang ganda ng mall na ito.Maraming boutique's na pwedeng pagpilian. I've decided to go to penshoppe. Namili ako hanggang sa nakakita ako ng tshirt na mickey mouse. It looks so cute like me. Next ko naman tiningnan ang shorts. Tinulungan ako ni Tiff na mamili ng shorts hanggang sa nakakita sya ng bagay daw saakin.

"This looks cute." pagpuri nya sa short na hawak nya. Kinuha ko naman ito at sinukat.

"Pak! Perfection!" sigaw nilang dalawa. Binayaran ko naman na ito at umalis na kami para kumain.

Nagstarbucks kami at ako, chocolate chip cream frappe yung binili ko. My favorite <3

"Are you okay in that trish? Mabubusog ka na dyan?" tanong ni Gelie.

"Oo. Okay na ako dito. Actually, ito lagi yung binibili ko everytime na nalabas kami ni papa." pagsagot ko sakanya.

Natapos na din kami at napagdesisyonang umuwi na sa dorm.

After 30 minutes again, nakauwi na din kami. I have to sleep early para naman di ako antukin mamaya.

"I have to sleep now. Bye" bilang paggoodnight ko sakanila.

"Too early to sleep trish." sabi ni Gelie.

"May pupuntahan kasi ako mamayang 12 midnight. Something Important." reply ko saka ako pumasok sa kwarto at natulog na. Time check, 7:00 pm.

>.<>.<>.<>.<>.<>.<>.<>.<>.>.<

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon