"Mama nawawala si Catty!!" mangiyak-ngiyak kong kalabit kay mama ng hindi ko makita yung alaga kong maliit na uod na kulay green. Caterpillar daw yun sabi ni Kuya Gino na hardinero namin kaya tinawag ko itong Catty. Huhu. Kawawa naman si Catty, ang liit liit kasi niya at ang tamlay tamlay. Nasaan na kaya yun?"Mare ito na ba yung anak mo?!" tanong ng isang magandang babae kay mama. Mukhang ang saya saya nito na makita ako. Sino ba siya? Ngayon ko lang napansin na may bisita pala kami. Galing kasi ako sa greenhouse, naaliw ako kakatulong. Ay hindi, kakaistorbo dun kay Kuya Gino sa pag-aayos ng mga halaman ng mapansing nawawala si Catty!
"Oo Mare, ito yung little princess kong medyo pasaway" sabi ni mama sabay pahid ng towel sa pingi ko. "Pero medyo lang naman" natatawang dugtong niya matapos mapunasan ang dumi sa pisngi ko.
"Di na baleng makulit, maganda naman noh. manang-mana talaga sa ninang. Haha" nangigigil na sabi nito na pinisil pa yung magkabilang pisngi ko. >^<. Ano bang problema nila sa pisngi ko!? Wala akong panahon sa mga ganitong pag-uusap! Choz. Haha
"Nawawala si Catty ma!" sabi ko ng mabitawan na ko ng babae. "Emeygeny to ma! Emeygency!" naghe-hestirikal kong sabi kay mama.
"Sino si Catty?" natatawang tanong ng babae.
"Ah wala. alagang caterpillar lang nitong anak ko." sabi ni mama dito.
Anong wala?! Si catty yon! Si Catty ko! Hmph!
At ano bang nakakatawa dun?
"anak Emer-gen- cy. Okay?" bigkas ni mama, pero wala na akong pakialam. Nilayasan ko na sila para hanapin si Catty.
Nang makalabas na ako ng bahay ay agad na tinawag ko si Catty, sakaling marinig niya ako at magpakita na sa akin. Huhu.
**********
"Catty.. Catty?" tawag ko pa rin habang nakadapa sa bermuda grass at iniisa-isang check yung mga dahon at tangkay ng halaman. Wala na akong pakialam sa posisyon ko matingnan ko lang ng maayos ang bawat sulok.
"Hey! What are you doin'? Nagulat ako ng may bilang nagsalita, hindi ko ito makita kahit lingunin ko man siya dahil nakapaloob ako ngayon sa halaman na may malalaking dahon, nakadapa akong sumisiksik sa mga tangkay kaya half body ko lang yung nakikita nito.
"I'm finding my pet." sagot ko dito na hindi na nag-abala pang lumabas sa halaman. Busy ako noh.
"Hindi ka ba aalis diyan?" tanong nito. Ang oa naman niyang magsalita, parang iba kasi yung tunog ng tagalog niya.
"Hindi. May hinahanap ako."
sagot ko sa kanya."You won't really leave there?" tanong ulit nito sakin.
"Hindi nga" di ba to nakakaintindi?
"But your undies are showing.." sabi nito maya-maya na nagpatigil sa kin. Nagkabunggo-bungo pa ko sa mga tangkay sa sobrang pagmamadali na makalabas.
BINABASA MO ANG
Hate To Love You
General FictionI don't know if I am that terrible to say this.. but I want to violate you. To destroy you. To see each pieces of yourself mirrors my reflection. I crave to see that helpless face of yours, desperately begging me to stop, that hoarse voice of yours...