14| Wait For Me

10 3 2
                                    

Kate's POV

Mabilis na natapos namin ni Connor yung activity ni Mrs. Armada kaya nauna kaming dalawa na magpasa ng papel. Tulad ng inaasahan, mataas yung score namin. Magaling kasi si Connor sa pag-memorise and he's particular to details too kaya hindi kami nahirapan. No wonder nga rin na accelerated ito sa edad niya, mas bata kasi ito sa amin nina Brad ng isang taon.

After ng klase ni Mrs. Armada ay may klase pa kami sa dalawang subject na English and History.
For quite a long time that seems like forever ay finally 4:59 na! One minute to go na lang and...

Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!!

Umalingaw-ngaw na yung bell sa buong school, kaya masaya ng nagsi-ligpit ng mga gamit yung mga kaklase ko at nagkwe-kwentuhan kung saan sila pupunta pagkalabas ng school. Ang iba ay mamamasyal pa kasi at makikipaghang-out sa kanya-kanyang kaibigan at barkada.

Hayys. Salamat naman at uwian na. Gusto ko na talagang umuwi ng bahay at magpahinga. Nililigpit ko yung mga gamit ko ng kausapin ako ni Connor.

"Ha?" tanong ko sa kanya na hopefully ay ulitin niya yung sinabi niya. Hindi ko kasi medyo naintindihan. hehe. Or maybe, hindi ko lang talaga matanggap.

Nagtext daw kasi si Brad sa kanya na hintayin ko daw siyang matapos ng meeting nila sa rehearsal room bago umuwi? kung tama yung narinig ko. Sana hindi!

"Will you just check your phone?" sabi ni Connor na mukhang utos kaysa tanong.

Hayys. Suplado naman.

Sinunod ko yung sinabi niya at tiningnan yung cp ko. 3 miscalls from Brad. and a message na nagsasabing hintayin ko nga siya bago umuwi.

Napabuntong-hininga na lang ako.
Ano na naman ba to ngayon? Huhu.

"Wag kang maghintay sa labas ng rehearsal room." paalala ni Connor sakin.

"Oo. Alam ko" parang gusto kong mapairap na sabi sa kanya. Bawal kasing maghintay ng mag-isa sa labas ng rehearsal room ang kung sino man, kahit na assistant o coordinator pa ng banda, and especially kung babae dahil baka isipin ng mga fans nila, girlfriend siya ng isa sa mga members.

Yun kasi yung isa sa mga rules ni Professor Jeremy na adviser ng banda. Mukhang ito rin yung nagpatawag ng meeting sa kanila ngayon. and by the way, father ito ni Connor.

"Kung gusto mo sa loob ka na lang maghintay?" nakangiting sabi niya maya-maya.

"No. Thanks" mabilis kong sagot sa halatang pang-aasar nito. Ano namang gagawin ko dun?! Isa pa mas lalo yatang pumanget ang eksena. Lahat kaya sila lalaki!

Tinawanan lang ni Connor yung reaksyon ko. "Joke lang" sabi niya at saka isinukbit na yung backpack niya. Sabay na kaming lumabas ng classroom.

Hayys.San kaya ako maghihintay kay Brad? Sirado na kasi ang library at hindi naman ako bibili  sa canteen kaya nakakahiya naman kung dun ako tatambay. Magsisirado rin naman yun mamaya. Haist! Sa lobby na lang talaga ako ng school pwedeng maghintay.

"So? Sa lobby ka na lang maghihintay?" baling ni Connor sakin.

"Mind reader ka ba?" di ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"Malamang" sagot lang niya. "Sige. Pumunta ka na dun. Sasabihan ko na lang si Brad na nandun ka." sabi niya sakin at nagmamadaling lumiko sa direksyon papuntang rehearsal room nila. Hindi man lang ako nakapag-thank you o nakapagpaalam sa kanya.

Haist! Makapunta na nga sa lobby. Gusto ko pa naman sanang umuwi na. Huhu.

*********

-+*Lobby*+-

Umupo ako sa isa sa mga hakbang ng hagdan paakyat ng school building, sa may pinakasulok ako pumwesto kung saan wala akong mahaharangang estudyante na dumadaan.

"Hays. Mabuti pa sila uuwi na" naiingit kong sabi habang tinitingnan ang mga estudyante na palabas ng gate. Natatanaw ko kasi sila mula sa pwesto ko.

Tahimik akong naghintay at lumipas ang ilang minuto. . .

Half-hour. . .

Isang oras

Isa't kalahating oras. . . Umulan na lang bigla ! Shocks😱

Ilan pang minuto

At. . .

At walang Brad na dumating sa lobby!!

Ang tagal namang matapos ng meeting nila! Kanina ko pa sana gustong umalis kaso umuulan!

At! Wala akong payong 😭

"Kate!" tawag sakin ng isang pamilyar na boses. Paglingon ko ay nakita ko si Ron. Nakasunod sa likod niya sina Daniel at Sandra.

Ah yeah. Kilala ko po si Sandra. Ipinakilala siya sakin ni Ron kanina, nung hatakin niya ako para bumili lang naman ng ice cream sa canteen. At next time ko na lang ikwe-kwento kung anong nangyari.. Hehe. It's a secret daw eh.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Daniel sakin.

"Ah. May hinihintay lang." sagot ko sa kanya.

"Ikaw lang ba mag-isa?" tanong ni Ron.

"Gabi na." sabi ni Daniel.

"Haist! Hindi niyo ba napansing wala siyang payong?!" naiinis na sabi ni Sandra sa kanila.

"Ah. May hinihintay talaga ako." sabi ko sa kanila. "At. Wala akong payong." nahihiya kong dugtong.

"See?" naiinis na sabi ni Sandra.

"Sino ba yung hinihintay mo?" tanong ni Daniel sakin.

".. S-si Brad." ewan. Pero hindi ako komportable na sabihin sa kanila yung rason kung bakit ginabi ako dito sa school.

"Samahan na kita." presenta bigla ni Daniel.

"Ako nga rin sana kaso kailangan ko ng umuwi." malungkot namang sabi ni Ron.

Tatanggi sana ako. Kaso natatakot na akong maghintay mag-isa kaya napatango na lang ako kay Daniel. Wala na kasi masyadong tao dito sa school.

"Aalis na ako." paalam ni Sandra na wala yata sa mood at nauna ng naglakad, sumunod naman si Ron sa kanya matapos magpaalam rin samin.

Ayaw ba ni Sandra sakin? Mukha kasing naiinis siya sa presensya ko.

Tiningnan ko si Daniel na umupo sa tabi ko. Hinahatid niya ng tingin sina Sandra at Ron. Hays. Ang gwapo talaga ni Daniel. Ang sarap kasing titigan ang asul nitong mga mata, kung ganito ka-gwapo at kabait ang palaging makakasama ko araw-araw ay siguradong maiinlove talaga ako sa kanya. Hehe.

Uhm. Teka?

Si Sandra ba. . .

May gusto kay Daniel?. .

********

Hate To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon