Prologue

36 6 0
                                    

Yhexa's POV

You and me got a whole lot of history
We could be the greatest team
That the world has ever seen

You and me got a whole lot of history
So don't let it go
We can make some more
We can live forever

All of the rumors, all of the fights
But we always find a way
To make it out alive

Thought we were going STRONG
Thought we were HOLDING ON,
ARE WE?

Grabe, bakit ba  tagos na tagos sa puso ang mga kanta ng One Direction? Ang lakas ng dating nitong 'HISTORY' na kanta nila, sobrang nakakalungkot, ramdam ko hanggang bone marrow ko, hayyy sabagay kasi para kay Zayn yung kanta, true-to-life. Perp wait nga, mamaya na ko magsa-sound trip. Mapakaim ko nga muna tong si Ayu sa tabi ko na kanina pa nandito sa condo ko para lang samahan ako, aww nakakatouch no? Kaya kahit loka loka yan mahal na mahal ko pa din yan.

Okay enough of drama!

"Hoy Strikeland!" sigaw ko sa kanya.

Hindi nya ko nilingon man lang. Aba't inisnob ang ganda ko.

Bakit ba kasi kanina pa s'ya parang balisa? May problema kaya to? Sinamahan nga n'ya ko pero parang wala din s'ya dito. Lutang ang isip ng lola mo!

Ah alam ko na.

"Kingina, may ipis!!!"sigaw ko na s'ya namang ikinagulat ni Lola n'yo.

"Kingina mo din! Asaan?" She uttered in a "panicking" voice.

Hahaha, edi bumalik s'ya sa ulirat n'ya. Nakakatawa talaga tong si Ayu kapag mga insekto na ang pinaguusapan.

"Hahahaha. Edi pinansin mo ko! Kanina ka pa kasi lutang eh. Hahahahaha" Grabe sumasakit na yung tiyan ko kakatawa.

"Yhexa naman kase! Kiking ina mo wahh. Ano ba kase yun ?" Irita n'yang sagot.

"Hehe, ang sabi ko Lola eh este Ayumi Elisha Villafuerte ay kumain ka na ho!" sagot ko sa kanya.

"Anung Lola ka d'yan? Batok, gusto mo? Akin na nga yan"sabi n'ya sabay hablot ng Chao fan na ininit ko.

"May pataray effect ka pang nalalaman kang Lola este babae ka eh kakain ka din naman pala!"

Di n'ya na lang ako pinansin at kumain na parang walang bukas.

"Ahmm, Ayu?"

"Hmmm?" tinaasan n'ya na lang ako ng kilay dahil namumuwalan na s'ya sa pagkain.

"Napapansin ko kasi, kanina ka pa balisa at wala sa sarili. Is there a problem?" I seriously asked.

Natigilan naman s'ya at binigyan ako ng pekeng ngiti.

"W-wala, nothing" matipid n'yang sagot.

Magsasalita na sana ko pero somebody is calling. Pinulot ko yung phone na nasa side table.

"Hello?who's this"sabi ko sa kabilang linya, tumawag kasi sya, eh di naman nakasave yung no. nya sakin.

"Ahmm, eto po ba si Ms. Yhexa Sy?"sagot nung nasa kabilang line.

Wait, bakit parang iba yung pakiramdam ko? I feel nervous, is it beause of his creepy voice? Psh..

"Y-yes, why? Who's s-speaking?"pautal ko pang sagot.

"Ahm, this is PO1 Victer Osbak ng Bulacan PNP, ahmm wag po kayo mabibigla ahhh?"

Iba na 'to. I already feel uncomfortable with this police

"Why?"yan na lang ang nasabi ko.

"Mr. Xander Montenegro was found dead. Natagpuan po ang bangkay nya sa Pulilan, Bulacan kaninang alas tres ng umaga na walang saplot at tadtad ng tama ng baril."

Sa pagkabigla ko ay nabitawan ko yung phone ko at unti unting napaupo sa kama ko.

No, this is not true! How come that Xander is dead!??

"No, no , no. It was just a prank. Ayu telle it's just a prank!!!!" sigaw lp kay Ayu na naiiyak na din.

Niyakap na lang n'ya ako.

The Moving On Contract Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon