CHAPTER 1

22 0 0
                                    

"hoy babheskla! may itatanong ako sayo dali!!!"

"ano nanaman bhes?" kakapasok ko lang sa room namin siya agad ang bumungad.

sya nga pala si NATHALIE MONTECARLO. bestfriend ko. 17 years old, only child ng may ari ng 5 star Hotels sa Pilipinas at ibang bansa. 4th year highschool na kami at kasalukuyang nag aaral sa isang prestihiyosong ekswelahan sa Bulacan ang Nicolas High.

Transferee lang ako dito. Every year kasi akong lumilipat ng school. Ewan ko ba kasi sa nanay ko at pina explore sakin lahat ng school dito.

"Kyshie Cara Ann Ramirez! dali ang ang bagal mo! may sasabihin ako sayo." Dyan. Dyan magaling ang bestfriend ko. sa chismis. hays kung di ko lang to mahal eh.

"ano nanaman ba? spill it out. kanina kapa mukang di mapakali dyan"

"sinong crush mo?" Usisa nya sakin.

"akala ko ba may sasabihin ka? Eh bat parang nagtatanong ka ata." di ko talaga maintindihan takbo ng utak nito. may sapak ata sa ulo.

"sino nga dali!!"

"si Jay Shin. ano happy ka? happy?"

"waaaah!! crush ka rin nya babhes! crush ka nya!!!"

loading............

"SRSLY?! baka naman ginagago mo lang ako" nag poker face ako para itago yung kilig ko. feeling ko kasi mamumula ko sa harap nya. nakakahiya baka sabihin sobrang apektado ko sa sinabi nya. well apektado naman talaga pero sakin nalang yun. hahaha

"oo babhes. sinabi nya sakin!" close naman kasi talaga sila ni Jay shin. Ex nya yon actually. Pero yun pa yung mga panahong wala pa sila sa tamang pag-iisip este sa tamang edad.

may pagka sungit din kasi yang si Jay Shin Kyles. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sakanya at kung ituring nya ko para akong galing mars.

"hello?! earth to kyshie?"

"ano?!" Napasigaw tuloy ako. Ito naman kasi. kitang nag dadaydream yung tao. panira ng trip.

"hindi ka man lang ba kinikilig? hello? si Jay shin yan oh. Yung lalaking sikat sa campus"

"bakit? kailangan ko bang magtititili at magtumbling kapag nalamang crush din ako ng crush ko?"

balak ko naman kasi talagang gawin yan. pero syempre. dalagang filipina. pa-demure naman ng konti.

"sa lahat ng nakilala ko ikaw lang talaga tong hindi kinikilig sa crush nila. hays dyan ka na nga. dun na ko kay papa Blakey."

hays ayan nanaman sya. Aasa nanaman sa lalaking yun. Eh ginagawa lang syang human credit card nun eh!

sa totoo lang ayokong lumalim pa yung nararamdaman ko kay Jayshin. he's not a boyfriend material. He's insensitive, sobrang sungit at lahat na ata ng negative traits sa mundo. wait scratch that 'lahat ng negative traits sa mundo' O.A lang ako. well hindi ko nga alam kung bakit ko sya naging crush. siguro kasi hindi naman kasi utak ang nagdidikta hindi ba? kung di PUSO.

"okay class let's start". Ayan nanaman yung teacher kong bano. Ewan ko ba pero feeling ko talaga may something sa pag iisip nyan eh. statistics kasi ang tinuturo nya. tapos pagbabawalan kaming gumamit ng calcu?! loko ata eh.

"pssssst Cara!!" isa lang ang tumatawag sakin ng ganun. Pero hindi ako lumilingon. Wala akong balak mapagalitan.

"huyyy!" kalabit parin sya ng kalabit.

"kyshie cara ann!!"

"ano ba?! punyeta!" ang kulit -.-

"peram ballpen"

"ginagamit ko. bumili ka ng sayo"

"tapang." Ewan ko ba pero gustong gusto kong sinusungitan sya.

"ang yaman yaman mo. ikaw may ari ng school na to tapos wala kang ballpen?! are you kidding me?!" SHIT. napalakas boses ko.

"Miss Ramirez. Is there a problem?" oo meron itong nasa likod ko. punyeta.

"ah.. wala p-po."

"Good. Class i want your full attention to this one okay? mag papaquiz ako mamaya"

"okay ma'am" sagot naman ng mga sipsip kong kaklase.

"ikaw kasi eh." sabay irap ko kay Steven Kurt Kyles.

Pinsan sya ni Jay Shin. Gwapo rin pero mas gwapo yung pinsan nya. HAHA. Pareho silang tagapagmana ng kompanya ng mga magulang nila. Well, kung si Nathalie ang mag mamayari ng Hotels, sila naman ang mag mamayari ng mga Subdivisions at Condos.


Sa wakas. Lunch break na. Wait nasan ba si Nathalie? Bat biglang nawala? Leche di man lang ako hinintay.

Pababa na kong hagdan nung may narinig akong naguusap. Wait parang pamilyar yung boses.

si Nathalie at...... JAY SHIN?!

"walang hiya ka Natalie. sinabi mong crush ko si Kyshie?!"

Hala bakit sya nagagalit? Hindi ba totoo? Bwisit ka Nathalie. Gumawa ka nanaman ng storya!

"crush ka din naman nya. para kayo na. hindi yung sino sino pa yang dinedate mo."

"hindi ganong kadali yon. hays you're hopeless."

narinig kong may foot steps na papunta sakin. hays san ba ko magtatago? wait wait dali isip Kyshie!

tatakbo na sana ko ng may biglang

"mmmmmmmp!!!!"

I Want To Be Your "Happily Ever After" In This World Full Of "Once Upon A Time'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon