Chptr 1

52 4 3
                                    

Soea's POV (Pronouncation: So-e-ya)

Seventeen will be having a fanmeeting in Philippines! In April 25, 2016! Visit seventeen in twitter for more information!

"NO! NO! THIS IS NOT TRUE!" Hindi talaga pwede! Wala akong pera! Hindi pwede! Hindi ako handa! Hindi talaga pwede! Fanmeeting? Agad agad? Seryoso ba to? Wala pa kong ipon! Bakit kasi sa Sunday agad? Three days na lang yung panahon ko para magipon. Pano na?! Wala naman akong trabaho! Hindi rin ako nagaaral dahil bakasyon pa lang!

Nakakain ako ng maayos. Meron akong tirahan. Nakakapagaral ako. Dahil weekly merong nagpapadala sakin. Pero hindi ko alam kung sino. Weird no? Tinatanong ko don sa nagbibigay sakin pero hindi daw pwedeng sabihin. Naiisip ko na yung nagaalaga sakin yon pero imposible. Dahil lumipat na sila sa ibang bansa. Magisa lang ako dito sa bahay. As in wala akong kasama. Yung nagaalaga sakin iniwan ako dito. Kasi magaasawa na sya. Hindi naman ako tanggap ng asawa nya. Nahihirapan syang iwan ako magisa. Dahil bata pa ko non. 10 years old. Pero wala sysbg magawa kasi pinapili sya ng asawa nya. At syempre asawa nya yung pinili nya. Imposibleng ako. Dahil isa lang naman akong anak ng kaibigan nya. Iniwan lang ako ng kaibigan nya sa kanya. Naalala ko pa nong araw na paalis sya. Pero! Wag na muna natin yon problemahin. Poproblemahin ko muna yung fanmeeting ng Seventeen. Hindi naman pwede yung pinapadala na kung sino man na yon dahil pangtuition at pangkain ko yon. Pano kaya kung hindi ako kumain? Hindi! Siguradong hinfmdi matutuwa ang Seventeen nito. Kapag nalaman nila. Pero malalaman ba nila? Pero basta Tale! Hindi pwede! Wag kang magulo!

Saglit akong natahimik at nagisip isip. Alam ko na! Maghahanap ako ng trabaho! May mahahanap kaya kong trabaho? Parang wala namang hiring ngayon. Meron yan! Tiwala lang! Think positive like Jun!

Tumayo ako sa pagkalampak sa kama ko at dumiretso sa banyo. Nagmadali akong maligo at nagbihis. Inayos ko yung buhok ko. Kinuha yung bag at umalis na.

**

Kanina pa ko paikot ikot dito pero wala akong mahanap na trabaho. Naisip ko na maghanap muna. At alamin kung anong dapat gawin o dalhin. Pero hindi naman sila naghahanap ng tauhan. Tanggapin ko na lang siguro na hindi talaga ko makakapunta sa fanmeeting. Nakakalungkot lang kasi ito na yung chance para makita ko sila. Sila na ang mismong lalapit sakin oh. Pilipinas daw. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala yung luha ko. Wala na ba talagang pagasa? Habang nagdadrama ko biglang may lumapit sakin. Kaya dali sali kong pinunasan yung luha ko.

"Annyeonghaeseyo!" Bati nya sabay bow. Nagbow din ako ng kaunti at ngumiti. Tsaka tumingin ulit sa harap.

"Sinong bias mo?"  Napatingin agad ako sa kanya.

"Ha?"

"Sabi ko sinong bias mo sa Seventeen."

"Pano mo nalaman?"

"I can feel it. You are a kpop fan. And you're a Carrot-- I mean Carat." Tsaka nya tinuro yung key chain ko na nakalagay Seventeen.

"Ah yeah. Haha. Wala akong bias. Mahirap pumili eh."

"Hahaha. Ganyan din ako nong bago pa lang ako sa kanila. But my Ultimate bias is Seungcheol. The rest is my bias wreckers." Tumango tango lang ako sa sinabi nya. I don't know simula nong naging kpop fan ako, nasanay na ko na makipagusap sa mga strangers. Naguusap kami ng ganito pero hindi pa kami magkakilala.

"Pwede ko bang malaman kung anong pangalan mo?"

"It's Soea Tale Choi."

"Kim Haru is the name." Inabot nya sakin ang kamay nya kaya nakipagshake hands ako.

"Pupunta ka ba sa fanmeeting?" She asked.

"Hindi ko nga alam eh. Parang hindi ako makakapunta. First time ko sana silang makikita."

Missing: Seungcheol's SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon