Chapter 5 (0_0)

3 0 0
                                    


"Lizza, gusto kitang tulungan. Gusto kong magkaroon ka ng katahimikan," pinalakas ni Ferr ang loob na tinawagan niya ang kaibigan.

Nwala ang malakas na hangin. Napasulyap si Ferr sa salamin at nakita niya doon ang babae. Nakaramdam siya ng matinding takot. Alam na niyang multo ang babaing nasa likuran. Natiyak ni Ferr na ang suot niyang kuwintas ang pakay sa kanya ni Lizza kung bakit ito nagpapakita sa kanya.

Pero saan ang kuwintas ? Saan ito gagamitin ng isang multo ?

"Kung ibibigay ko ba sa iyo ito, aalis ka na ba sa pook na ito?" tanong ni Ferr sa babae.

Nagpakawala ng makahulugang ngiti si Lizza. Hindi nagdalawang isip si Ferr , agad niyang tinanggal ang kuwintas na suot at iniabot kay Lizza.

Malakas na tawa ang pinakawalan ni Lizza nang makuha na ang kuwintas. Natigilan si Lizza kung bakit tila malakas na pwersa na kumokontra sa kanyang ginagawa.

Nilansi ni Ferr si Lizza. Nagpagawa siya ng kuwintas na kapareho ng kuwintas niya. Inilalabas ni Ferr ang orihinal na kuwintas at sa panggigilalas niya ay unti unting hinigop ng imaheng anito ang espirito ni Lizza hanggang tuluyang maglaho.

Hindi alam ni Ferr kung ganap bang katahimikan ang ipinagkaloob niya sa kaibigang multo ay mabigyan na ng ganap na katahimikan ang dormitoryo...

A/N:

   malapit nang mag end...

#proud Author.

VOTE-SHARE-COMMENT

Ang Babae Sa SalaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon