"Pleeaaseee! Ma'am kailangan ko talaga ng supplementary quizzes sa Music! Nagkasakit po ako nun!" Nagmamakaawa na pagpapaliwanag ang isa sa mga estudyante ni Hinohara Yuka sa Class 2-B.
"Mira, bakit? Ilang beses ka ba nagkakasakit sa isang buwan? Sampu? Aba, alagaan mo rin sarili mo kasi sa susunod hindi na kita bibigyan ng chance." Medyo manipis na ang pasensiya ni Hinohara sa estudyanteng babae na ito. Paano ba naman kasi, halos every week may tatlong absences siya sa klase niya at malas kasi ni Hinohara na ang subject niya pa ay palaging every last period sa Class 2-B kaya't siguro maaga umuuwi ang batang ito dahil tinatamad na tuwing Music ang subject.
"Ma'am kasi *lies* *lies* *lies* po. Si mama kasi *lies* *lies* *lies* Kaya ayun po."
Naiiritang nagbuklat ng record book si Hinohara at hinanap ang pangalan ng babae.
"What's your last name?" Maikli niyang tanong.
"Fernendez po. Mira Fernandez."
"Okay. Listen here, Mira. Hindi na benta sa akin yung excuse mo na nagkakasakit ka na lang bigla pag subject ko na at bigla ka na lang aalis without my permission. Can you at least make a letter and hand it to your class president?" Iritado niyang wika sa kanya at bakas na sa mukha ni Mira ang kahihiyan at kaba na kanina pa niya itinatago.
"M-Ma'am Hara, eh absent din po si Class Prez kahapon pa." Pautal nitong sagot sa guro.
Biglang parang may kandila na sumindi sa utak ni Hinohara at napangiti ng palihim.
"Okay. Sige pagbibigyan kita. Ang gagawin mo lang eh gumawa ng excuse letters at ibigay mo kay Nagai Tatsumi. Sabihin mo sa kanya na simula ngayon siya na ang tiga-hatid ng excuse letter mo sa akin."
"Okay ma'am pero bakit excuse letters? Ma'am hindi po ba excuse letter?"
"Ano ka ba." Natatawang sambit ni Hinohara. "Gagawa ka ng excuse LETTERS para bumawi sa kung ilan na ang absences mo sa subject ko."
Napanganga na lamang ang bata sa kanyang mungkahi ngunit parang di parin ito makapaniwala.
"Bakit? Ayaw mo?" Kunwari'y nagtatanong pa si Hinohara sa kanya ng may malambing na boses kaya't nagpasalamat na lang ang bata bago umalis.
Ipinagpatuloy ni Hinohara ang pag-aayos ng kanyang teacher's desk sa faculty. Lahat ng written works ng Class 2-B ay napunta sa kanya dahil one month ang leave ng kanilang homeroom adviser na pinayagan naman ng principal.
May narinig siyang tumawa sa bandang likod at nalaman agad niya ito kung sino.
"Ma'am Hara, mukhang stress na stress ka sa bago mong klase ha. Do you mind having a coffee break with me para mabawasan yang stress mo?"
Nadagdagan lamang ng inis ang ramdam ngayon ni Hinohara dahil ang nagsasalita ngayon ay wala namang iba kundi ang Homeroom adviser ng Class 2-C na madalas makaaway ng Class 2-B pagdating sa mga extra curricular competitions.
Nagprepare agad si Hinohara ng forced smile dahil no choice siya na magpakabait sa guro na kinaaayawan niya dahil ito ang bilin ni Mr. Domingo.
"Hindi na Mr. Honda. Busy ako ngayon eh." Excuse niya at tumalikod muli upang ipaghiwalay ang assignments ng mga bata sa seatworks nila.
"Ma'am Hara, naalala mo pa ba na may upcoming event next week?"
Napatigil saglit si Hinohara sa kanyang ginagawa at humarap sa kausap. "Oo naman, Sir. Bakit?"
"May running competition na mangyayari sa open field. Buti na lang puro athletes ang meron sa klase ko." Pagmamayabang ni Mr. Honda sa kanya.
Muntikan nang umirap si Hinohara pero napigilan naman niya ang sarili na gawin ito at buti na lang kaya niya pang pagpasensiyahan ang kapal ng pagmumukha ng kausap.
"Ah wow. Edi mabuti sa inyo." Tanging response nito sa masayang guro na nasa mid thirties na at wala pa ring asawa.
"May deal lang ako sayo, Ma'am Hara."
Medyo tumaas ang isang kilay ni Hinohara dito at muling pinansin ang mayabang na kausap.
"Kung mananalo ang Klase ko, you owe me a dinner date anytime of the year. Pero pag ang klase niyo ang mananalo----,"
"If Class 2-B wins, you stop pestering me with your lousy breath of yours."
Biglang napatahimik ang buong faculty sa change of mood ni Hinohara kaya't napahiya agad ang kausap nitong lalaki.
"F-fine with me! That is IF your class wins the game."
"Sure, sure." Confident na sabi ni Hinohara at umupo na ito muli.
Mahinang nagtanong sa sarili si Mr. Honda kung mabaho nga ba talaga ang hininga niya at patagong nagbuga ng hininga at inamoy ito. "Oo nga. Kailangan ko magmumog ng suka."
Lumakad papalabas ang lalaking guro at gayon lang pumasok sa faculty si Victoria. Kanina pa kasi siya nagtatago sa likuran nilang dalawa at nag-acting lang na kakapasok lang rin niya ng faculty room.
Narinig lahat ng ito ni Victoria at lumapit ito agad kay Hinohara para magtanong.
"Sure ka sa sinabi mo kanina?" Biglang sulpot nito sa likuran ni Hinohara at nabitawan tuloy ni Hinohara ang hawak-hawak na record book.
"Grabe naman itong babaeng 'to! Akala mo kung mushroom! Kung saan-saan tumutubo!"
Biglang tumawa si Victoria. "Sorry."
Nagbuntong-hininga si Hinohara. "Hindi. Hindi ako sure dun sa sagot ko kay Mr. Honda kanina." Amin nito sa kausap at napaupo na lamang si Victoria sa narinig niyang sagot mula sa kaibigan.
"What---?"
"Pero okay lang sa akin na magdinner date kami. Black belter ako sa martial arts."
"Hindi yun yung punto, Hinohara." Biglang hinawakan ni Victoria ang kamay ni Hinohara at seryoso itong linapit ang mukha.
"Paano na lang si Nagai? Di ba type mo yun?" Bulong ni Victoria sa kanya at nakaramdam agad ito ng palo mula sa ulo. "Aray!"
"Baliw! Ikaw lang nagsasabi niyan." Tinignan ni Hinohara si Victoria na para bang tinubuan pa ito ng ikatlong ulo.
"Weehh.."
"Oo nga! Tsaka bata pa yun!"
"So type mo nga?"
"Hindi!" Mabilis nitong sagot. Namumula na ang pisngi ni Hinohara sa pinagsasabi ng kaibigan.
"You know, bestie. Love has no boundaries. Kung type mo, go agad."
Napatahimik na lang si hinohara at di na pinansin ang kaibigang dakdak ng dakdak. Sinubukan niyang inimagine sa utak kung ano kaya ang itsura niya kung naging sila nga ni Nagai.
Oh my god. What am I even thinking?! He's just fourteen, you idiot!
Kinurot ni Hinohara ang sarili at nagpatuloy na lang mag-ayos ng mga papel na nasa harapan niya.
BINABASA MO ANG
Love at Twenty
Teen Fiction"Ma'am, bakit niyo po naisipang mag-stay sa school na 'to? " Isang madaling tanong lamang iyan para kay Hinohara. Ngumiti siya sa estudyanteng nagtanong. "Mamimiss ko magturo dito...