0

34 0 0
                                    


Ako si Aoi. Sampung taon pa lang ako. At ang katabi ko naman ay si Ate Suzu, fifteen years old. Nasa simbahan kami ngayon.

"Dear, God! Sana po, pakasalan na po ako ni ate next year!" Bumulong ako pero sinasadya ko na marinig ni Ate Suzu yung boses ko.

"Aoi, kinakain mo ba yung gulay sa plato mo?" Biglang out of the blue na tanong ni Ate sa akin kaya naalis ang atensyon ko sa altar at napunta sa maamo niyang mukha.

"Hindi po ate." 

Nagulat ako nung biglang sinamahan niya ako magdasal. Lumuhod din siya at pumikit. Pumikit rin ako pero nakabukas yung isang mata. Pinapanood ko siya na nagdadasal ng taimtim.

"...at sana po kumain na rin si Aoi ng gulay." Bigla siyang humarap sa akin.

"I don't feel like marrying a boy who can't even eat vegetables, you know?"

Bigla akong nakuryente sa sinabi niya. Namula yung tenga ko at nagsign of the cross na lang at umupo na. Kakain na nga ako ng gulay mamaya!

Hinintay ko na lang siya matapos para makaalis na kami dahil tutal dumaan lang naman kami ng simbahan para magdasal kasi lunes ngayon.

"Aoi, ano gusto mong gabihan?" Tanong ni ate sa akin pagkalabas namin ng simbahan. Pagkakataon ko na 'to!

"Chopsuey ate!" Proud pa ako na sumagot pero sa totoo lang iniisip ko pa lang yung itsura, nasusuka na ako. Ngumiti sa akin si Ate Suzu at nagtawag ng tricycle.

 "Aoi, alam mo ba na hindi ka pa pwede ikasal kasi wala ka pa sa legal age." 

Napatingin ako sa kanya sa salamin sa loob ng tricycle at nakita ko siyang nakangiti. 

"E-Edi kapag eighteen na ako!"

Tumawa na lang ulit si Ate Suzu at umiling. Nasaktan ako sa pag-iling niya kasi feeling ko biro lang sa kanya yung sinabi ko. Kaya nagtatampo ako na tumingin sa labas at nakangusong pumasok ng bahay nang makababa na kami.

Nagkulong ako sa kuwarto ko ng isang oras at sa isang oras na iyon, pinapakinggan ko siya na nagluluto sa kusina habang kumakanta. Napangiti ako kasi naalala ko nung una kaming nagkita. 

Nakilala ko si Ate Suzu at tsaka ko lang siya naging ate nang maikasal si mama ko sa papa niya. Hindi kami magkadugo pero tinurin niya akong totoong kapatid. Napagdesisyunan na maghoneymoon sila mama at papa nun at naiwan kaming dalawa sa bahay pero makalipas ng dalawang araw ay may dumating na balita na nasunog ang pinuntahang hotel nila. Iyak ako ng iyak nun pero hindi ko kailanman nakita si Ate Suzu na nagluha man lang ng isang patak. Sa mga araw ng paglalamay kila mama at papa, tahimik lang siya. Six years old ako nun at siya ay eleven. Pareho pa lang kaming mga bata pero pinakita agad ni Ate Suzu na mas mature siya sa akin sa pinakita niyang asal sa harapan ng mga bisita. Daig pa niya yung mga high class na business women na nagtratrabaho sa ibang bansa kung makipag-usap sa kanila.  Hindi niya pinakita sa akin na umiiyak siya pero nahuli ko siya minsan sa kuwarto niya na natutulog na mugtong-mugto ang dalawang mata. Hindi na lang ako umimik kahit awang-awa na ako sa kanya. 

Sa araw ng burol nila mama at papa, katabi ko siya maghapon. Lahat kami, pati ang mga dumalo upang makiramay ay naka-itim. Lahat sila pinagbubulungan kaming dalawa.

"Sino na mag-aalaga sa kanila?"

"May kamag-anak ba sila dito? Mukhang wala eh."

"Tayo-tayo lang na kapitbahay nila ang kilala nila dito. Kawawa naman."

Tinignan ko si Ate Suzu. Alam kong naririnig niya noon ang mga pinag-uusapan nila pero hindi siya nagpaapekto. Ngumiti siya sa akin ng maluwag at hinawakan ang malamig kong kamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Prayer (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon