Nichola's Pov
Matapos ang lahat, Nagsimula na akong maglakad palabas dito sa garden. Ng makalabas ako, lumingon muli ako. Pft. Stupidity.
Naglalakad ako ng ilang minuto dahil nga malayo pa ito sa Academy namin.
Pumasok na ako sa elevator. Nasa ikaapat na kasing palapag ang classroom namin. Sakto naman ng walang nakasakay dun. Ayoko kasing may kasabay.
Pagpihit ko sa doorknob ng classroom para pumasok sa loob,nadatnan ko ang mga kaklase ko na kung akala mo'y nasa palengke. Ang ingay. May naghahagis hagisan ng mga nilukot nilang papel, may nagchi chismis, at marami pang iba.
Ganito naman palagi. Walang ipinagbago. Mga spoiled brat kasi. Mga plastic. Iilan lang ang mapipili. Nasa pilot section pa sana kami.
"Hey ugly! You dont belong here!" Sigaw ng kaklase kong amerkana, si Anabelle. Ang Queen Bee kamo ng klase namin. Tsk. Nag taastaasan na kung akala mo namay sinong nasa ibabaw.
Tsaka tumawa narin ang ilan, pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon.. Alam kong ako ang tinutukoy niya dahil sanay na ako sa mga salita niya simula pa lamang nung ganito na ako. Hindi ko na siya pinakinggan dahil nagsasayang lang ako ng oras sa kanya.
Mga Walang magawa sa buhay.
Sayang naman... Tinuring ko panaman siyang kaibigan.
Napalingon ako dun sa pinakadulong upuan sa likod ng upuan ko. At Nakita ko siya. Tsk. Wala parin siyang pinagbago. Ganyan parin siya gaya ng dati. Nakita ko siyang Nakaupo ng nakapikit habang may suot suot na headset. Ang gwapo parin niya. Pero huli na ang lahat eh. Hindi ko na mababago ang panahon. Tanga kasi. Pareho lang kaming mga tanga.
Dumiretso na ako sa aking upuan na katabi sa glass window. Na tanaw na tanaw mo ang Mga building sa Amerika. Inilabas ko na ang aking libro para sa next subject. At sakto namang dumating ang English Teacher namin.
-----
Madaling natapos ang klase namin kaya diretso akong umuwi sa bahay.
Sinundo kasi ako ng driver namin. Napatingin ako sa maitim na langit.
Buti nalang at sinundo niya ako, mukhang uulan kasi.
Pagkadating ko sa bahay, Walang tao. Ganyan naman palagi eh. Busyng busy sila sa kani kanilang business. Simula nung una pa yan eh. Nakalimutan siguro nila na may anak pa sila. Haaaau. Buhaaaaaay.
Dumiretso nalang ako sa kwarto. Nagbihis agad ako ng damit.
Alam kong naguguluhan kayo sa mga pangyayari.
May sekreto ako.
Isa akong panget ngayon sa Academy na yun. In short, nag didisguise ako sa sarili ko.
Sa totoo lang, Sikat naman ako sa Academy nayun eh. Sikat na sikat. Kaya lang, hindi ko na matangap tanggap ang mga kaplastikan nila. Kakaibiganin ka lng nila dahil alam nila na sisikat din sila. Kakaibiganin ka nila kasi, marami kang pera. Tingnan niyo yung ginawa nila saken kanina, binubully nila ang mga estudyanteng akala nila na maliit kesa sakanila. Kung alam lang nila.
Hindi ko alam kung bakit rin ako nabilang dun sa tinatawag nilang "Princesses and Princes in Academy." Ano bang meron ako at napasali ako dun? Isang normal na estudyante lang naman ako. Kabilang ako sa isang cheering squad, captain. Hindi ko rin naman maitatanggi na maganda ako. Hindi sa assuming ako, alam ko lang. Palagi din akong nakakapasok sa School Ranking namin. Hindi ko naman kasalanan na naging almost perfect ako. Wala akong paki. Basta, pag aaral lang ang inaatupag ko.
Nagbago ang lahat ng iyon nung nagsawa na ako sa mga pagmumukha nila. Sa mga ugali nilang kasing plastik ng pagmumukha nila.
Si Annabelle. Sayang naman at tinuring ko pa naman siyang AKALA kong isa sa mga MABUTI kong KAIBIGAN. Pero, nagkakamali pala ako. BALIKTAD pala ang lahat....
Masaya ako ngayong araw, dahil 1 year na kami ng boyfriend ko. Hehe. Si Alexander Lee o mas kilala bilang si Alex. Xander nman ang tawag ko sakanya. Gusto ko kasi, pagnagmahal ako dapat ako lang ang tatawag ng unique na pangalan para sa kanya :) Siya ay sikat na Varsity player sa laro ng basketball. Gwapo, chinito, talented basta di ko siya ma explain xD Ang importante, Mahal ko siya <3 Ano kayang ibibigay ko sa kanya??
Nagkaklase ngayon ang aming history teacher. Tsk. Ano namang mapapala ko dito sa History ek ek niya? Eh hindi naman ako lumaki dito =_=
Pumunta ako sa Private C.R kung saan ang mga section A lang ang pwedeng makagamit. Ewan ko ba kung bakit may ganito pa silang ginagawa. Ang gulo.
Gaya ng sinabi ko, pupunta sana ako sa C.R para magretouch kaya lang may biglang nagtakip sa mga magaganda kong mata dahilan ng hindi ko makita yung daanan ko dito sa hallway. Malamang, marami nanamang mga estudyante dito sa harapan ko dahil nagbulong bulungan sila.
"Hey! What are you doing to me!" Nagpupumiglas ako kasabay ng pagsabi ko sa lalaking nagtakip sa mga mata ko. Di ko alam ang pangalan, kaya lalaki nalang.
Pero imbis na sasagutin niya yung tanong ko, pinalakad lang niya ako na para bang siya lang ang nag alalay saken sa daan. Na siya lang ang nagsisilbing mata ko para hindi ako madapa. Nakakairita naman! Kanina pa ako nagpupumiglas dito pero hindi naman nagsasalita!
"Hey! What's your problem, huh? Are you deaf or what? Do you have a problem in speaking??!" Ano bang problema ng lalaking to? Nakakataas ng presyon.
Lakad lang kami ng lakad. Hindi naman nagsasalita! Kahit anong pagpipiglas ko, di naman niya mabibitawan, ang lakas niya eh.
Mas minabuti ko nalang na itikom nalang ang bibig ko kesa magbubunganga dito. Walang gandang naidudulot boses ko. Hindi naman siguro ito kidnap diba?
Nakakapansin ako na tumahimik yata ang atmosphere ngayon. Ewan. Feel ko na nakapunta na ako dito.
Lakad lang kami ng lakad hanggang sa nakaramdam ako ng ...... damo? Mga grasses na parehong pareho dun. Wag mong sabihin na ...