Chapter One - Part Two (Flash Back)

9.5K 117 32
                                    

" 'Di ba napag-usapan na natin yan? Hindi puwedeng may mangyari sa atin hangga't hindi pa tayo kasal," naiinis na sabi ni Sabrina kay Reggie. Pinipilit siya nito na ibigay ang sarili rito pero hindi siya pumayag dahil hindi pa siya handa. Nangako siya sa sarili na hindi niya ipagkakaloob ang sarili hangga't hindi pa siya ikinakasal.

" Ano ka ba, Sab? Ilang taon na ba tayo, ha? Halos tatlong taon na. Hindi na tayo mga bata. It's time to give ourselves our needs. Kung 'yong mga menor-de-edad nga, nagagawa na'yon, tayo pa kaya," naiinis ding sabi nito. Bumuntong-hininga siya. "Kung talagang mahal mo ako, paninindigan mo ang araw na kusa kong ipagkakaloob sa'yo ang sarili ko. Mahal kita, Reggie, at ayokong pag-awayan natin ang ganitong bagay." Madalas na pagtalunan nila iyon pero ni minsan at hindi pumayag na makipagtalik dito.

 Nagkabit -balikat ito sa tahimik na pinaandar ang sasakyan para ihatid siya pauwi sa kanyang bahay. Nakabibingi ang katahimikang namagitan sa kanila habang bumibiyahe. Nang makarating sa bahay niya ay agad siyang bumaba ng sasakyan.

       "Hindi kaba muna bababa?" tanong niya rito.

       "Hindi na. Sabrina ..."

       "Ano 'yon?"

     "Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. Gusto ko sanang maghiwalay muna tayo pansamantala. Gusto ko munang mag-isip-isip."

Natigilan siya. Parang tinutusok ang dibdib niya sa lakas ng impact ng sinabi nito. Ang walang-hiyang lalaking ito! Pagkatapos ng lahat, ganoon pa ang gagawin sa kanya.

Matamang tiningnan niya ito. "Aminin mo nga sa akin, gusto mo bang makipaghiwalay dahil hindi ko maibigay ang sarili ko sa'yo? Aminin mo!"

Nagkibit-balikat ito habang nakatingin sa windshield ng sasakyan nito. Alam niya na iyon ang dahilan kaya hindi ito makasagot. "Sige kung 'yan ang gusto mo. Pero tandaan mo ito; hihintayin ko ang araw na magsisisi ka at hihingi ka ng tawad sa akin." Pinahid niya ang kanyang mga luha at dere-deretsong pumasok sa bakuran ng bahay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Two Hearts Feel The Same WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon