355 15 2
                                    

Sa sobrang libang namin sa panunuod sa dagat hindi namin namalayan na umaga na pala.

Hindi ko alam kung anong nagyayare sakin pero masaya ako, masayang masaya ako dahil kasama ko sya ngayon kahit kanina ko lang sya nakilala. Ang gaang ng pakiramdam ko sa kanya.

Uhm i think you should go home. sabi nya habang nakatanaw parin sa dagat.

Are you sure na okay lang na umuwi ako? Parang ayoko syang iwan.

Yeah. Pasensya na talaga kung naabala pa kita. Im happy nakilala kita. Kahit sandali lang naramdaman kong may kasama ako. sabi nya na nakatingin parin sa kawalan. Ramdam na ramdam ko yung lungkot nya kaya nagdadalawang isip ako kung iiwan ko na ba sya o hindi. Pero kailangan nya muna sigurong mapag isa.

Wala yun ano ka ba. :) Sana maging okay kana. So i hope i can see you again :) Bye.
Naglakad na ko pasakay ng kotse ko.

Habang nag da-drive ako. Ngayon ko lang napansin na nasa Batangas pala kami. Sa sobrang abala ko kanina na sundan ko sya di ko na nakita yung way.

After an hour nakauwi na rin ako sa bahay namin. Wala yata sila Mama kaya naka diretcho agad ako sa kwarto ko.

Alam kong pagod ako pero hindi ako nakakaramdam ng antok. Yung babaeng yun parin yung nasa isip at iniisip ko. Pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala kahit kanina lang kami nagkita at nakapag usap.

Nakatingin ako sa kisame ng maalala ko na medyo matagal na kaming nag usap pero hindi ko manlang nalaman yung pangalan nya. So stupid!

Hindi parin ako makatulog. Hindi ko kasi alam kung paano ko sya hahanapin sa social media. hayy. Pipilitin ko nalang matulog.

2PM na ko nagising. Hindi na ko nakapasok. Sobrang sakit ng ulo ko. huhu

@ MALL OF ASIA

Naisipan kong pumunta dito. Bored na bored na kasi ako and im sure na kapag naabutan ako ng parents ko sa bahay at nalaman nila na hindi ako pumasok naku makakatikim nanaman ako ng mala MMK na drama hahahaha.

Naglalakad lakad ako ng may makita akong isang pamilyar na babae sa isang restaurant. Hindi ako nagkakamali. Sya yung babaeng nakabunggo ko na umiiyak. Sya yung babae na sinundan ko ng walang isip isip. Sya yung babaeng sinamahan ko ng ilang oras habang nakatingin lang sa dagat. Sya yung babaeng mala anghel kung ngumiti. Masaya ako. Masayang masaya ako na nakita ko sya. Pero malungkot ako kasi she's with someone. Sana hindi nya boyfriend. Sana wala lang sila, sana magkaibigan lang. Nagtiis akong tumayo sa gilid malayo sa kinakainan nila. Hinintay ko sila hanggang matapos kung ano man yung pinag uusapan nila. Pareho silang seryoso.
Pero ilang sandali lang ang nakalipas napansin kong umiiyak nanaman sya. Parang nanlalambot yung tuhod ko sa tuwing nakikita ko syang umiiyak. Maya maya pa lumabas na sya, Sinundan ko ulit sya.

Ilang oras ang nakalipas nandto nanaman kami sa dagat kung saan ko sya pinuntahan. Same na pwesto. Nakayuko, yakap ang kanyang mga tuhod. Umiiyak.

Salamat at nandito ka ulit. Gulat na gulat ako ng bigla syang magsalita. Bakit alam nyang ako? bakit alam nyang sinundan ko sya? Baki-

Tama na nga yang pag iisip mo. Umupo ka nalang dito. Nakita ko yung pag ngiti nya pero alam ko namang pilit yun.

Alam kong nandun ka. Alam kong nagtatago ka sa gilid malapit sa restaurant na kinainan namin. Alam kong sinundan mo nanaman ako. Gulat na gulat ako. Paano nya nalaman?

I saw you. Nakasalubong na kita pagdating ko palang sa mall. Pero hindi na kita kinausap because im in a rush. Napatingin ako sa gilid kung saan ka nakatayo kasi feeling ko may nakatingin sakin at akala ko isa nanaman sa mga tauhan ng Dad ko. Ang lakas nya makaramdam.

Ang lakas pala ng pakiramdam mo hahaha. Pabiro kong sabi. Nakita kong ngumiti sya pero pilit nanaman.

Mana ako sa mommy ko. Second version nya ko. Pero iniwan na nya ko eh. Iniwan nya ko dahil sa daddy ko. Muli ko nanamang nakitang pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata. At nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko syang umiiyak.

Ngayong araw na ito sisiguraduhin kong malalaman ko na kung anong dahilan kung bakit sya nagkakaganyan, sisiguraduhin kong malalaman ko na ang pangalan nya. wala na kong sasayanging oras pa.

HI LABLABS ☺ SORRY SORRY SA SUPER LATE NA UPDATE. AKALA KO KASI WALA NG NAGBABASA :( PLEASE VOTE, COMMENT AND READ MY STORY 😘
Follow nyo na rin ako sa Twitter, IG and dto sa Wattpad @ohitsmecammysg yan yung USERNAME :) 😘

PS: I NEED 100 READERS BAGO AKO MAG UPDATE. MWA!

Love Of My Life ♡ (RASTRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon