Kabanata 1: Ang Sumpa ng Kasakiman

123 0 0
                                    

When times come our worlds will met.
In exact time, in the right place, and in the right person
We are meant for each other , we are one and our road to forever starts now.

------------------------------------------------------

Year 1917

"Keprep anak maari mo ba akong kunan ng mga ligaw na kahoy sa gubat?"anang inang
"Opo inang"sagot ko
"Ngunit hwag kang magpakalayo duon ka lamang sa malapit huwag kang tutungo sa pusod ng gubat dahil alam mong mapanganib roon"
"Inang ilang beses ko ho ba sa inyong uulit ulitin na hindi totoo ang kwento tungkol doon, na walang engkanto wala"
"Anak mabuti na ang nag iingat, sige na humayo ka na ng hindi ka maabutan ng pagsapit ng dilim"

Nayayamot ako sa tuwing sasambitin ni inang ang tungkol doon.Hindi ko alam kung bakit ngunit ganon ang pakiramdam ko doon.
Ayon sa sabi2x may nakatira raw na isang engkantong mangkukulam sa pusod ng gubat doon sa puno ng Amipara ang puno sa puso ng gubat lamang matatagpuan. Hayy mapapakilala muna ako,
Ako nga pala si keprep labing walong taong gulang na dalaga at ito ang kwento ng kabanata ng aking buhay.
Lumabas na ako ng aming tahanan at tumungo sa kagubatan upang kumuha ng mga ligaw na kahoy ng makasalubong ko si Anlao ang aking kasintahan .
"Mahal ko san ka patungo"
"Dun lamang sa kagubatan kukuha ako ng mga kahoy pang gatong"sagot ko
"Ikay akin ng sasamahan "
"Sige"

Sa kagubatan

Pagdating namin dito ay bigla akong natigilan biglang nanikip ang aking dibdib.
Bakit ganito ang aking nararamdaman hindi ito karaniwang nangyayari sa akin.Sa tuwing kasi mangangahoy ako dito ay wala akong nararamdamang kahit na ano pero bakit ngayon?!.
"Mahal ko may problema ba?"
pansin sa akin ni anlao
"Wala mahal ko tayo na at bilisan natin bago tayo maabutan ng dilim"
Agad kaming naghanap ng mga ligaw na kahoy.Mukhang kakaunti ang sa palagay ko ay makukuha ko dito sa bandang ito.

" Husssssshh"
Bigla akong lumingon sa pinanggagalingan ng tinig na narinig ko ngunit wala akong nakitang kakaiba roon hindi ko na rin nakita si anlao sa paligid ko.
"Husssssshh"
Bigla akong kinilabutan ngunit mas pinalakas ko ang loob ko
"Sinong nariyan?"

"Husssssshh"
Agad akong napapikit sa kilabot ng pangatlong beses ay narinig kong muli ang tinig na yon . Ngunit nilakasan ko ang aking loob at dali dali ng pinulot ang mga kahoy saka tumalikod ng biglang umihip ang malakas na hangin at dumilim ang aking paningin.------

Natagpuan ko ang sarili ko sa gitna nang gubat at ng tumingala ako ay nasa isa ako malaking puno

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Natagpuan ko ang sarili ko sa gitna nang gubat at ng tumingala ako ay nasa isa ako malaking puno.
Ito na ba? Ito na ba ang sinasabi nilang puno ng amipara kung gayo'y totoo nga ang haka haka tooo ang puno.Napakaganda nito at ang kanyang mga bunga ay kumikislap wari'y mga bituin sa langit ako'y talagang napahanga at napatanga sa akin nitong kariktan ngunit? Paano ako napunta dito? Sino ang nagdala sa akin dito? Nasaan si Anlao?

Natigil ang aking pagtatanong sa sarili ng biglang mas lumiwanag ang puno nakakasilaw ito na hindi nakayanan ng aking mga mata at ako ay napikit.
Mga ilan pang minuto ay humupa na ang nakakasilaw na liwanag.Napagpasyahan ko na rin ng magmulat pero maling desisyon iyon dahil sa aking pagmulat isang nakaka kilabot at nakaka panindigbalahibo ang aking nakita ang mangkukulam?!

Napagpasyahan ko na rin ng magmulat pero maling desisyon iyon dahil sa aking pagmulat isang nakaka kilabot at nakaka panindigbalahibo ang aking nakita ang mangkukulam?!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito'y lumulutang sa ere nakasuot ito ng manipis na kasuotan.
"Keprep"
Kilala nya ako? Marahil ay sya rin ang tumawag sa akin ng akoy nangangahoy. Natatakot ako ngayon lamang nangyari ang ganitong bagay sa akin hindi ko alam ang aking gagawin.
"Sumagot ka!!"napakabagsik nitong sabi sa akin
"Ba-bakit ho?"
Nakakatakot ang paraan ng pagtitig nya sa akin Nakakatakot. "Alam mo bang kalabisan ang hindi mo pagsamba at paggalang sa akin."
"H-hindi ko ho kayo maintindihan"naguguluhan ako ano ba ang ipinahihiwatig nya?
"Alam ko ang mga ginagawa mo keprep.Sinasabi mo sa nayon na hindi ako totoo at kathang isip lamang at higit sa lahat inagaw mo ang pinakamamahal kong si anlao ang lalaking lihim kong iniibig."galit na galit nitong turan
"Akala ko ay hindi ka totoo dahil wala akong nakitang senyales o palatandaan na ikaw ay totoo kaya yun ang sinasabi ko sa nayon .Patawarin nyo ako! At si anlao hindi ko sya inangkin iniibig nya ako at iniibig ko rin sya--"
"Lapastangan ka mortal akin lang ang pag aari ko akin lang si anlao."nanlilisik ang kanyang mga mata at alam kong handa syang pumatay.
"Iniibig ko si anlao sya na ang buhay ko malapit na kaming mag isang dibdib nagsusumamo ako sau panginoon"naiiyak na ako ayokong mawala si anlao sa akin at ayoko ring mamatay.

Ngumisi sya at humalakhak isang nakakakilabot na halakhak na animoy nang galing sa ilalim ng lupa.

"Nakakaawa ka!pero pagbibigyan kita ng isang pagkakataon , isang pagkakataon lamang.Papalayain ko kayo at hindi na gagambalain."
"Salamat panginoon"biglang nabigyan ako nangpag asa galak at tuwa.
"Ngunit nakikita mo ba ang mahal kong tanim na Puno ang puno ng Amipara.Pumitas ka ng isa tandaan mo ang bawat bumga ay mahiwaga at hindi natin alam ang mangyayari sa sinumang kakain nito pero may natatanging isang prutas dyan na walang kakayahan at yun ang dapat mong piliin."
Nawala ang aking ngiti sa mga sinambit nya pano ko pipiliin ang bunga na iyon na sa sobrang dami ay para akong maiiyak
"Pumili ka na alipin"
"Panginoon napakalupit nyo bakit binigyan nyo pa ako ng pagkakataon kung lahat ng ito ay ikapapahamak ko lamang" patuloy ng tumulo ang luha ko bakit sa akin pa nangyari ang ganitong bagay

"Pumili ka na kung hindi papatayin ko ang lalaking pinakamamahal mo!"
"Hindi! Sige pipili na ko pipili na ako"masakit man pero kinuha ko ang isa sa sa mga bunga.
"Ngayon kainin muna!"
Hindi ko alam kung ano ang kayang gawin sa akin ng mahiwagang bunga pero nanalangin din ako na sana ito ang walang kapangyarihan.Pero kung hindi naman ay kailangan ko nang tanggapin na ito talaga ang kapalaran ko.
Paalam aking itang , inang at mahal kung anlao
At kinagatan ko na ang bunga ng kasakiman ng mangkukulam
"Hahahaha!! Hahaha!"bakas sa mukha ng mangkukulam ang tuwa at galak.

Our Magical Love RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon