Kabanata 3: Bunga ng kanyang napili

5 1 0
                                    

Pinaghalong malakas na hangin,kulog ,kidlat at ulan ang nararamdam ngayon sabi kasi sa weather forecast ay ngayon kasi tatama ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng pilipinas kaya maagang nagsiuwian ang mga tao.Sinuspende rin ang pasok sa eskwelahan at maging sa mga trabahuhan.

Samantala sa isang lungsod na pinangalanang Lungsod ng PARAISO
Isa itong misteryosong lugar na may napakagandang tanawin nandon lahat ng ibat ibang uri ng hayop,halaman,at iba pa.The view is so breath taking masasabing mong nasa isa kang paraiso talaga. Sa pusod ng gubat nito ay makikita mo ang napakalaking talon at napakalinaw at linis na tubig na pwedeng inumin.Makikita din dito ang isang napakalaking bahay wooden house to be exact but in a modern way  sya ipinatayo ni Don Sebastian ang may ari ng Lungsod tinawag na Secret Garden dahil sya lamang ang may karapatang pumunta roon at wala ring nagtatangkang pumunta roon dahil sa Kwentong nakakapangilabot na kahit sino man ay walang nagtangka man o di kaya maliligaw ito dahil napakasukal ng gubat at napakaraming pasikot sikot na tiyak nilang di na sila makakabalik sa kanilang tahan kung meron mang magtangka.
Napakabait nito at Napakamaginoo pinataniman nya ng ibat ibang klaseng gulay ang Lungsod at may mga ilan ilan ding nakatira dito kaya namuhay ng tahimik ang mga tao roon sa pangangalaga nya.Mahal na mahal ng taga roon si Don Sebastian at ang pamilya nito.
  Then this night came..
Sa pusod ng Gubat ay may isang di inaasahang hiwaga ang nangyari.Sa tinagaltagal ng panahon nangyari na rin ang itinakda.
Lumakas ang ulan,mas nagalit ang kulog,at naging mas agresibo ang kidlat.Alam din ng kalikasan na paparating na umayon ang lahat.
  Humangin ng napakalakas natangay ang ilan sa mga puno pati na rin ang medyo luma ng tahanan ay di pinalagpas tinangay nito ang bubong at ilan sa kongkretong dingding at dahil sa kalumaan nito ay madali lamang itong nagpadala sa hangin.

Kumidlat ng napakalakas at tinamaan ang tahanan na wari bang may isip ito sunod sunod ang pakawala nito at di naglaon ay naglikha ito ng sunog.
  Palakas ng palakas ang apoy Hindi nakatulong ang ulan para paapulahin ito.Hanggang sa natupok at halos maubos ang mga kagamitan mula sa mamahaling decorasyon hanggang sa pinakasuloksulokan ay di nailigtas at dahil gawa ito sa kahoy ay Hindi ito naging mahirap hanggang sa abo na lang ang natira.
    Bigla na lang humupa ang bagyo Hindi na rin kumulog at kumidlat payapa na rin ang hangin.Anong nangyari?!Biglang tumahimik ang kapaligiran hanggang sa may lumabas na kamay galing sa lupa ng nasunog na tahanan.

   

Our Magical Love RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon